Chapter 14

20 4 1
                                    

Sharlene's POV

Lumakas ang hiyawan ng mga manonood nang makita si Donny. Nawala na ang space na kaninang naghihiwalay sa audience seat at stage dahil nag-unahan na ang mga fans niya na pumwesto doon.

Iba talaga si Don Donny!

Bakas sa mukha niya ang kaba at hindi mapakali ang mata niya kakatingin sa audience na parang may hinahanap.

Itinaas ko ang kamay ko saka muling sinigaw ang pangalan niya. Bakit ko ginawa? Hindi ko rin alam. Kusang gumalaw ang kamay ko, e.

Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti saka sinenyasan ang SSG Officer.

I'll hold the door
Please come in
And just sit here for a while
This is my way of telling you
I need you in my life

"Nakatitig ba siya sa 'yo?" Bulong ni Mia.

"Aba, malay."

It's so cold
Without your touch
I've been dreaming way too much
Can we just turn this into reality?

-

Mia's POV

Hindi ko mapigilang kutuban habang pinapanood si Donny magperform. Habang nakanta ay hindi naalis ang tingin niya sa pwesto ni Shar. Alam kong kay Sharlene siya nakatingin dahil kitang-kita ko kung paanong tumigil siya sa paghahanap ng makita nya si Shar kanina. Kung pa'no siya ngumiti no'ng tinawag siya nito.

Cause I've been thinking bout you lately
Maybe, you could save me from this
Crazy world we live in
And I know we could happen
Cause you know that Ive been feeling you

Is he confessing?"

There's no other
There's no other love
That I'd rather have, you know
There ain't no one
There ain't no one else
I want you for myself

Oh. Possessive.

Napatingin ako kay Sharlene na ngayon ay
nakangiting pinapanood si Donny. Mukhang hindi siya aware sa ginagawa ni Donny at ineenjoy lang ang sarili sa panonood at pagcheer sa kaniya.

Kawawang Donny.

Ive been thinking bout you lately
Maybe, you could save me from this
Crazy world we live in
And I know we could happen
Cause you know that Ive been feeling you

Natapos ang kanta nang nakatitig si Donny kay Sharlene. Gusto ko sanang kiligin pero hindi ko magawa.

Nalulungkot ako na gustuhin ko man ay hindi ko siya matutulungan. Huli na, e. Si Ricci ang nauna. Pasensya na Dons.

"What a wonderful performance from our School's Campus Crush! Kinilig ba kayo do'n, guys?" tanong ng emcee. Nagsitilian naman iyong mga babae bilang sagot.

"Same! Pero hindi pa riyan nagtatapos! Next to serenade us tonight with his very own song, Binibini, let's give it up for Zack Tabudlo!"

"WHOOO! KAIBIGAN KO 'YAN! GO ZACK!"

"Kilala mo?" tanong ko kay Shar.

"Kakasabi ko lang na kaibigan ko, 'di ba?"

"Ay, ang taray. Pa'no?"

"Basta mahabang kwento. 'Wag ka nang maingay. Magsastart na, oh?"

"Uhmm. Good evening everyone. I'm Zack. I just wanna share that I wrote this song with one person in mind. Actually, she's a friend of mine. Funny how the first time I saw her, I already knew I've fallen for her."

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon