Sharlene's POV
Gusto ko nang maupo at magpahinga pero parang hindi nakakaramdam ng pagod si Mama. Kanina pa kami naglilibot dito sa mall para bumili ng gown para sa papalapit na JS Prom. Nakailang botique na kami at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napipili. Akala mo naman siya ang aattend sa sobrang pihikan. Ako naman ang magsusuot.
Tiningnan ko si Mama at natuwa nang makitang nakahinto siya sa tapat ng dress shop. Nakaharap siya ro'n at nakatitig lang sa damit na nakadisplay. Napangiti ako dahil sa wakas mukhang tapos na ang paghihirap ko.
Lumapit ako sa kaniya at tiningnan iyong tinititigan niya. Nanlaki ang mata ko dahil parang kinulang sa tela iyong gown na iyon. Sleeveless at deep v-neck ang top kaya kahit tinitingnan ko pa lang ay sigurado na akong hindi ako magiging kumportable do'n. Gusto ko na agad umayaw.
Mauuna na sana akong maglakad kay Mama palayo nang hilahin niya ako papasok sa shop. Kumapit pa ako sa pintuan para hindi matangay, pero nasama pa rin ako dahil nakakatakot iyong tingin na binigay niya sa akin.
Naiwan ako sa isang tabi habang pinapanood siyang makipag-usap sa saleslady. Ang laki ng ngiti niya at parang balak niya nang bilhin iyong gown. Buong-buo na ata ang desisyon niya.
Alam na alam ni Mama ang size ko dahil iyong damit na pinadala niya no'ng nagsleep over ako kina Jah ay saktong-sakto sa akin. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit hindi niya na pinasukat at kung magkasya man sa akin iyong gown na 'yon... Iyong gown na backless pa pala! Letse!
Ngayon ko lang napansin na kitang-kita pala ang likod ko ro'n. Ano ba namang klaseng damit 'to? Kulang kulang sa tela. Tsk.
Napabuntong hininga na lang ako nang makita kong kinuha no'ng babae iyong gown para ibalot.
Isang gabi lang. Isang gabi lang, Shar.
Ayoko talagang alalahanin iyong damit na iyon. Hindi ko maimagine iyong sarili ko na nakasuot ng gano'n. Pakiramdam ko ay isa iyong malaking challenge na sobrang hirap i-overcome. At gaya ng mga pagsubok, hindi ko iyon matatakbuhan. Darating sa punto na kailangan ko iyong harapin.
Malas lang at mukhang ngayon na iyong akin. Tsk.
Nagising na lang ako isang umaga at narealize na araw na pala ng Prom namin. Bakit kaya gano'n? Kapag ayaw mo, ang bilis dumating. Pero kapag naman gustung-gusto mo, daig pa ang pagong sa sobrang bagal dumating.
"Dito ka."
Pinaupo ako ni Mama. Lumapit naman iyong baklang mag-aayos sa akin. Kinakabahan ako dahil walang salamin sa harap ko. Hindi ko alam kung mukha pa ba akong tao o clown dahil sa kung anu-anong kulay na pinaglalagay sa mukha ko. Medyo naiilang din ako dahil kung anu-ano ang pinapagawa no'ng make-up artist. Pinapapikit ako, pinapanganga, pinapatingala, para na akong gumagawa ng facial exercises, e.
Pagkatapos akong make-up-an ay inayusan naman ang buhok ko. Nangangalay na rin ako at parang gusto ko na lang isandal ang ulo ko kaso baka masapok ako ni Mama. Inaantok na rin ako kaya pinikit ko iyong mata ko. Gusto ko sanang matulog kaso baka mawalan ako ng balanse at maging disaster pa iyong kalabasan ng buhok ko. Tuloy, nagtiyaga na lang muna ako sa pagpikit-pikit.
"Perfect!" rinig kong hiyaw no'ng bakla. Nakarinig din ako ng palakpak kaya napadilat ako ng wala sa oras.
"Ang ganda mo, anak! Naku!" Ngiting-ngiti si Mama na nakipag-apir sa make-up artist. "Ang galing galing mo talaga!"
Napangiti ako. Hindi ko pa nakikita ang itsura ko ngayon pero sure na akong maganda ako. Kitang-kita naman sa reactions nila. Gandang-ganda sa akin, e.
Nagpapasalamat talaga ako kay God at binigay sa akin itong mukhang 'to.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Mama. Agad na nanlaki ang mata ko pagkakita sa hawak niya. Sure ako na contact lense iyon dahil pinasuot niya rin ako ng gano'n last prom.
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...