Chapter 33

25 5 3
                                    

Sharlene's POV

Pagkarating namin sa bahay ay naabutan namin si Mama na nagluluto. Napangiti siya nang makita kami. Lumapit naman sa kaniya si Jah at nagmano.

Alam na ng parehong magulang namin na kami na. Gaya ni Mama ay sobrang saya ni Tita Gemma. Muntik pa nga silang magthrow ng party para lang i-celebrate iyong relasyon namin, e. Sa totoo lang, parang mas masaya pa sila sa amin.

"Good afternoon po Tita. Ipapaalam ko po sana si Shar. Sasaglit daw po siya sa bahay–"

"Saglit lang? Hindi sleep over?" nanghihinayang na tanong ni Mama. Natawa naman si Jah saka umiling.

"Hindi po–"

"Sleep over, Ma. Papatulong po ako sa kaniya mag-aral. Malapit na exam, e," sabat ko. Feeling ko kasi hindi sapat iyong isang oras para makita ko lahat no'ng gawa niya. Isa pa, medyo nacoconsious ako. Lagi kasing highest si Jah every exam. Hindi naman ako bagsak o lowest dahil madalas ay sumasampa sa passing grade iyong score ko pero kahit na. Ayokong isipin ng iba na lugi siya sa akin dahil average lang ako tapos iyong boyfriend ko, malapit ng maging perfect.

Mabilis na pinatay ni Mama ang stove at umakyat sa hagdan. Napasapo naman sa noo si Jah saka tumingin sa akin.

"Sabi mo saglit lang?"

"Iyon naman talaga plano ko no'ng una. Kaso naisip ko na sayang iyong chance para makapagpaturo ako sa 'yo. Wala namang sigurong masama kung magtatry ako dahil nakakainspire ang boyfriend ko, 'di ba?"

Natigilan siya pero agad ring napangiti. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumalik si Mama. Inabutan niya si Jah ng bag at tinapik ang braso nito.

"Ito iyong gamit ni Shar."

Ngayon niya lang inayos 'yon? Ang bilis, ah?

Grabe. Iba talaga ang skills ni Mama.

"Jah," biglang tawag ni Mama kaya napalingon kami sa kaniya. "Nasa bulsa," dugtong niya saka kumindat. Napapikit naman si Jah na parang pinapakalma ang sarili. Tumawa si Mama sa naging reaction niya kaya napakunot ang noo ko.

Weird din talaga si Mama, e.

Sisilipin ko sana iyong kung ano mang nasa bulsa ng bag nang pigilan ako ni Jah. Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag habang nakatingin sa akin.

"Huwag," sabi niya saka inilayo iyon sa akin. Lalo namang lumakas ang tawa ni Mama.

"Kain muna kayo dito bago umuwi. Para hindi kayo mapagod agad... sa pag-aaral." Humalakhak si Mama kaya napasapo na naman sa noo si Jah.

"Tita!" pananaway niya. Lalo namang lumakas ang tawa ni Mama.

Ano bang nangyayari sa mga 'to?

Nagsimulang maghain si Mama. Tumulong naman kami ni Jah. Tahimik lang kaming tatlo pero paminsan minsan ay bumubungisngis si Mama. Tinanong ko kung okay lang ba siya o kung gusto niyang magpacheck up. Baka kasi mamaya nauntog pala siya at kailangan na namin siyang dalhin sa ospital. Pero ang sabi naman niya e, ayos lang siya.

Si Jah naman ay napapabuntong hininga na lang. Parang problemadong-problemado siya. Epekto ata nang matinding pagrereview niya. Hindi na lang muna siguro ako magpapaturo mamaya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang nagsasalita. Hindi na kami pinakilos ni Mama kahit na panay ang insist ni Jah na siya na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Nagpahinga lang kami saglit pagkatapos napagdesisyunan na rin naming umalis.

-

Justin's POV

"Ma?"

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Mama nang makita ako. Nagmamadali siyang sinuot ang sandals niya pagkatapos ay kinuha ang bag niya.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon