Ken's POV
Ilang minuto na lang ay mag-uuwian na.
Pakiramdam ko iyong isang araw na exam namin ngayon ay parang isang taon sa sobrang tagal lumipas ng oras.Gusto ko na lang umuwi para manood ng anime at magbasa ng manga. Tapos na 'yong Attack on Titan pero hindi ko pa rin nababasa dahil sa pisteng exam.
"Yes! Natapos rin!" Inikot ni Stell ang upuan niya paharap sa 'kin. Nasa unahan ko kasi ang seat niya.
"Hindi pa. Meron pa mamaya at bukas," sabi ni Sejun saka ginaya ang ginawa ni Stell at lumapit sa desk ko. Nilapit naman ni Josh ang upuan niya sa tabi ko.
(AN: front: Stell - Sejun, back: Ken - Josh)
"Kamusta exam?" tanong ni Sejun. Hinawi naman ni Josh ang buhok niya pagkatapos ay ngumisi.
"Ez pz."
"Anong sagot nyo sa 5?" Pumangalumbaba si Stell at tumingin sa amin.
"A/B/C" sabay-sabay na sabi namin nina Sejun.
"So, ano ba talaga?"
"Anong sa 'yo?" Tumingin ako kay Sejun na mukhang hindi makapaniwala sa isinagot namin.
"A." Automatic namang kumunot ang noo ni Josh sa narinig.
"Luh? Bakit A? B 'yon, e."
"A 'yon. Ang tanong kasi do'n, who is the father of Philippine painting. E, A si Damian Domingo kaya A," paliwanag ni Sejun.
"Hindi ba si Fernando Amorsolo 'yon?"
"Tangeks, first Filipino painter 'yon."
"Kaya nga. Siya first e, siya iyong founder. Dapat siya 'yong father."
"Oo nga! May point!" sang-ayon naman ni Stell. Sino ba 'tong pinagbabanggit nila?
"Aba, malay ko. Iyon ang nakalagay sa reviewer, e. Ikaw Stell? Ano bang sinagot mo?"
"B din. Hahaha! May mali na agad ako, hanep! Ikaw Ken? Bakit C sa'yo? Sino 'yon?"
"Di ko na maalala, e."
"Naay! Nanghula ka na naman, 'no?"
"Medyo? Hahaha!"
"Pa'no 'yon? Eenie minnie?" natatawang sabi ni Sejun.
"Hindi. Kung sino iyong may pinakamahabang pangalan, 'yon ang sinagot niyan haha!" pang-aasar ni Josh.
"Luh? 'Kala mo siya tama." Naramdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Josh. Napapalakpak naman si Sejun at natatawang bumaling sa kaniya.
"Wala ka pala, e!"
"At least ako, hindi tingin-langit," depensa ni Josh.
"E, iyong sa likod? Anong dinrawing niyo?" Taka akong tumingin kay Sejun na naghihintay nang isasagot namin.
Likod?
"Ah! Iyong sumisimbolo sa 'yo?" tanong ni Stell.
"Oo, iyon."
"Hala! May gano'n?" 'di makapaniwalang tanong ko. As in hindi makapaniwala. Wala akong nasagutan sa likod. Ni hindi ko nga alam na may gagawin do'n, e.
Yare.
"Gagi ka! 10 points din 'yon. Sayang," sabi ni Stell.
"Nakaearphone ka na naman habang nag-eexam, 'no?" paghihinala ni Sejun. Hindi naman ako nakasagot.
"Yan kasi. 'Di nakikinig sa instructions." Nakangiwi akong tiningnan ni Josh saka umiling.
"Okay lang 'yan. Bawi na lang next time. Ikaw ba Stell? Anong dinrawing mo?" Sinubukan kong ilipat ang usapan kay Stell. Baka masermonan pa 'ko, e. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...