Chapter 26

25 4 1
                                    

Donny's POV

"Good work, guys! Pahinga na kayo. Kami na muna ang bahala rito."

Tumango ako at lumabas na ng Theatre Room. Malapit na ring dumating iyong oras para makasama ko si Shar kaya naman kahit katatapos lang ng stage play namin ay hindi ko ramdam ang pagod.

Papunta pa lang sana ako sa backstage nang tawagin ako ni Rob, senior namin. Kasama niya ang isang lalaking nakaformal attire at may hawak na black pouch.

"Good morning po," bati ko pagkalapit ko sa kanila.

"Donny, gusto ka raw makausap ni Sir. Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Rob saka umalis.

"Hello, Donny. I am Mr. Rogie Daza from the BMA. Gusto ko lang malaman, are you interested in acting?"

Nagulat ako nang sabihin niya ang station na pinagtatrabahuhan niya. Macoconsider iyong big company sa showbiz.

Is he scouting me?

I'm not really into it but I do find it interesting. Should I grab it? Chance na rin 'to for me to explore new things.

"Don't worry. Though I'd like to have a talented person like you on my team, I'll give you time to think about it. You don't have to answer me now. Here is my calling card. Call me when you've decided."

Pinanood ko siyang umalis saka muling tiningnan ang binigay niyang card. Itinago ko iyon sa bulsa at nagtungo na ulit sa dressing room para magpalit.

-

Sharlene's POV

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang huminto sa tabi at huminga nang malalim. Sobrang crowded na sa pathway na madadaanan papunta sa pinangyarihan ng play nila Donny kaya ang hirap dumaan. Idagdag mo pa iyong sobrang ingay ng ilan dahil sa pagtili at pagsigaw. Sumasakit tuloy ang ulo ko at pakiramdam ko any moment ay babagsak ako dahil sa hilo.

Habang malayo pa ako sa pupuntahan ay tinext ko na si Donny na sa gym ko na lang siya hihintayin. Malapit lang naman iyon at open pa ang space kaya mas better kung do'n na lang kami magkikita.

Aalis na sana ako pagkasend ko ng message nang may pumiring sa akin. May humawak din sa magkabilang braso ko kaya wala na akong choice kung hindi ang sumunod sa kanila. Nanghihina na rin kasi ang katawan ko kaya hindi ako nakapagpumiglas.

Nahuli pa nga. Napakamalas.

Hindi ko alam kung sino ang nagbayad para hulihin ako at kung bakit nila ginawa iyon. Hindi ko rin alam kung anong booth 'to pero sigurado akong hindi ito jail booth dahil posas lang naman ang ginagamit nila sa paghuli. Sa tingin ko naman ay hindi rin 'to pinlano ni Donny.

Habang naglalakad ay unti-unting tumatahimik ang paligid. Mukhang palayo na kami sa mataong lugar at malapit na sa booth kung saan nila ako dadalhin.

Nabigla ako nang itulak nila ako nang malakas. Nang bitawan nila ako ay mabilis kong tinanggal ang panyo sa mata ko. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto kaya nakaramdam ako ng kaba.

Sinubukan kong buksan at sipain ang pinto pero nakalock ito sa labas. Nilibot ko ang paningin at napabuntong hininga nang marealize na sa dating building nila ako dinala. Wala nang gumagamit ng mga room dito kaya wala rin akong makitang pwedeng gamitin para buksan ang pinto.

Kinuha ko iyong nag-iisang upuan na nakalagay sa dulo ng silid at tumungtong do'n para sumilip sa bintana. Sa likod nakapwesto ang lumang building na 'to kaya wala masyadong taong dumaraan. Kinuha ko ang phone ko at natuwa nang makitang kahit mahina ay may signal pa rin.

Itetext ko pa lang sana si Donny para sabihin kung nasaan ako nang tumawag siya sa akin. Kaagad ko namang sinagot iyon habang nag-aabang pa rin ng dadaan na pwedeng makatulong sa akin.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon