Justin's POV
Matapos ang insidente sa gym ay lalong naging ilag sa akin si Shar. Sinusubukan kong lumapit pero hindi ako makatiyempo. Hindi kasi siya mapag-isa at kadalasan ay iyong mga asungot pa ang kasama niya.
Nakakulong ako sa kwarto at nakikipagtitigan sa kisame. Hindi ko na alam kung ilang minuto o oras na akong nakaganito. Wala akong magawa at wala kaming pasok dahil holiday ngayon kaya bored na bored na ako.
Naupo ako at kinuha ang phone kong nakapatong sa kama. Chineck ko ang messages at napabuntong-hininga nang makitang wala pa rin siyang reply sa text ko.
Pumunta na lang kaya ako sa kanila?
Tumayo na ako at bahagyang inayos ang sarili pagkatapos ay lumabas na. Nagpaalam ako kay Mama na agad namang pumayag. Nag-abot pa siya nang pagkaing dadalhin ko para kina Tita My.
Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa bahay nila. Pinindot ko na ang doorbell at napangiti nang salubungin ako ni Shar.
Malayo pa lang ay nakita ko na ang pagbusangot ng mukha niya. Huminto pa siya sa paglalakad at parang nagdadalawang isip kung pagbubuksan ba ako ng gate o hindi.
Bakit ba galit na galit siya? Dahil sa sinapak ko iyong Ricci na 'yon? Hindi ko naman sinasadya, e. Kasalanan ko bang mukhang manyakis iyon? Tss.
"Bakit ka nandito? Umuwi ka na."
Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinubukang buksan ang gate nila pero iniharang niya ang kamay niya.
Dapat talaga pumasok na lang ako agad kanina, e. Badtrip.
Nilabas ko na lang ulit ang kamay ko at iniangat ang pagkaing dala ko. Napangisi naman ako nang mapansin ang pagkislap ng mata niya nang makita iyon.
"Pinapabigay ni Mama. Sabihin ko na lang na ayaw mo akong papasukin kaya hindi ko nabigay 'to kay Tita–"
"Pasok," walang emosyong sabi niya pagkabukas ng gate.
Bago pa ako tuluyang makapasok ay inagaw na niya sa akin ang pagkain at naunang tumuloy sa bahay. Inilock ko naman ang gate at sumunod sa kaniya.
'Salamat Ma. You're the best!'
Nang makarating sa loob ay nakangiti akong sinalubong ni Tita My. Nakipagbeso ako pagkatapos ay lumapit kay Shar na hinahanda iyong dinala kong pagkain.
"Miss mo na luto ni Mama? Miss ka na rin niya. Punta ka kaya sa bahay mamaya?" sabi ko at lumingon kay Tita na nakangiting nakatingin sa amin.
"Oo nga, 'nak! Matagal na rin no'ng huli kaming nakapagchikahan ni Gemma. Pumunta tayo mamaya."
Bumaling si Shar kay Tita at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Umiling siya pagkatapos ay bumalik sa paglalagay ng pagkain sa plato niya.
"Walang tao dito sa bahay. Kayo na lang po ang pumunta."
"Sige. Samahan mo na lang siya dito, Justin. Ako na lang ang pupunta sa inyo–"
"Sige pala, Ma. Punta na tayo. Miss ko na rin si Tita Ge."
Hindi ko napigilang matawa dahil halatang napipilitan lang siya. Tinanguan ko si Tita My na kinindatan lang ako bago umalis.
Naupo ako at nakapangalumbabang pinanood si Shar. Matalim niya akong tiningnan pagkatapos ay nagpokus na sa pagkain.
"Sorry na."
Hindi man lang siya nag-angat ng tingin at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"Hindi ko naman ginusto iyon, e. Medyo lang. Pero kasi–" Tiningnan niya ako nang masama kaya muli akong natawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/308815883-288-k861211.jpg)
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...