Chapter 3

37 4 0
                                    

Donny's POV 

Simula pa lang nang laro ay panay na ang pagcheer ng mga kaklase namin especially kay Sharlene. Alam kasi nilang magaling siyang maglaro ng basketball and now that she's in the game, may chance nang manalo ang team namin. 

Bawat shot na nagagawa ni Shar ay pumapasok sa ring. Sa sobrang saya ay lalong lumalakas ang sigaw at tili ng mga classmates namin. Ang iba ay napapatayo at napapatalon pa sa tuwa. 

Napangiti ako nang mapunta siya sa three-point line at nagshoot. Saktong-sakto iyon sa ring kaya hindi ko maiwasang mamangha. "Galing talaga." 

"Gusto mo?" Natigilan ako nang may biglang nagsalita. Pagkalingon ay bumungad sa akin ang isang lalaki na naupo sa tabi ko. 

"Who are you?" Nakakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. 

"Nagtatanong lang, e. Ang seryoso mo naman," sabi nya saka kumain. Doon ko lang napagtanto na may hawak siyang isang malaking bag ng Pochi. 

"Aah. So, inaalok mo pala ako niyang kinakain mo? Hahaha! I'm sorry. I thought..." 

"Tinatanong ko kung gusto mo iyong babaeng naka-three points kanina? Hindi haha! Pero pwede rin. Bakit? Gusto mo ba?" tanong niya. 

"H-hindi, ah? Kaibigan ko lang siya," sabi ko. Bakit ba ako nautal? Tsk. 

"Hindi mo siya gusto? Akala ko ba kaibigan mo siya? Kaya mo nagiging kaibigan ang isang tao kasi gusto mo sila, 'di ba? Anong gusto ba nasa isip mo? Something romantic–" 

"Hoy! Nandito ka lang pala! Kanina pa kami naikot kakahanap sayo tapos ikaw tamang kain lang
ng pochi dito? Wow," sabi nung maliit na lalaking kasama nina Justin. 

"Bwiset ka daw, oh? Kung ako sinabihan niyan, baka sinapak ko na iyan," sabi sa 'kin ng katabi ko. 

"Gagi! Ikaw ang kausap namin," sabi naman no'ng moreno. 

"Ah, ako ba? Hahaha! Hinanapan ko na nga kayo ng pwesto, e. Galit pa kayo?" sabi nito. Nagsiupo naman sila sa tabi nya. 

"Asan na si Shar?" tanong no'ng nakabrace. 

Did I hear that right? Kilala nila si Shar?

-

Stell's POV 

Tumabi sa akin si Sejun at nilibot ang paningin sa court. Hinanap ko naman si Shar at nang makita ang team nila ay itinuro iyon. 

"Ayun, oh! Iyong nakaponytail." 

"Lahat sila nakaponytail Stell." 

"Ay, oo nga, 'no?" inosenteng sabi ko. Hindi ko napansin na pare-pareho nga sila na gano'n ang ayos. 

Natawa silang tatlo dahil sa kababawan nang kaligayahan nila. Napansin ko naman si Jah na seryosong nakatingin sa likod ko kanina pa. 

"Hay naku! Happy pill niyo talaga ako, ano?" biro ko at sinulyapan si Donny na ngiting-ngiting nanonood kay Shar. 

'Kaya naman pala.' 

Break na pero nakatitig pa rin sya kay Shar? Hmmm. 

Donny's POV 

Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nanonood. Ang angas kasi nang dating ni Shar at talagang nakakamangha ang galing niya sa paglalaro. 

"Donny." 

Napalingon ako nang tawagin ako ng katabi ko. Pinigilan kong tingnan siya nang masama dahil istorbo siya sa panonood ko. Who knows? He might help me with Shar. 

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon