Chapter 4

37 3 0
                                    

Josh's POV

Nakatingin ako sa kawalan at pinapakiramdaman ang mga kasama ko. Ilang minuto na kaming nandito sa clinic pero wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.

'Awkward'

"Salamat nga pala sa pagdala rito kay Shar Mr..." huminto si Stell at tiningnan iyong malaking mamang bumuhat kay Shar. Nginitian naman siya nito.

"Just call me Ricci."

"Nice to meet you, Ricci! I'm Stell. Sila naman sina Ken, Josh, Sejun, and Justin," sabi ni Stell na may pagturo pa sa 'min.

"Hi! l'm Zack," sabat naman no'ng isang may gitarang bitbit saka ngumiti. Binati naman siya ni Stell pabalik pagkatapos no'n ay binalot na naman kami nang katahimikan.

"Do you need anything Shar?" biglang tanong ni Donny. Nakuha tuloy niya ang atensyon ng lahat.

"Ayos lang ako. Thanks."

"Does it still hurt?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ricci. Umiling naman si Shar.

"Hindi naman. Kailangan lang siguro ipahinga."

"Gusto mo ng tubig?"

"Hindi na Zack. Thank you."

Hanep. Masyadong halata 'tong mga 'to. Naalala ko tuloy iyong reaksyon ni Jah pagpasok namin dito. Badmood siya, e. Hahaha!

"A-ah, ano... Okay lang ako promise. Bumalik na kayo sa room niyo at baka hinahanap na kayo."

"Excused ako, remember?" sabi ni Zack. Napatingin naman ang lahat sa kaniya.

"Excused?" Donny.

"Ay, oo nga pala. Guys, alam niyo na may mini con next week, 'di ba? Kasama si Zack sa magpepertorm kaya excused sya sa klase nila. Binigyan siya ng time para makapagpractice. Ang galing nga niyan kumanta at maggitara e," proud na sabi ni Shar.

Napatingin ako kay Jah na ngayon ay nakapoker face bago nilingon sina Ricci at Donny na gano'n din ang reaksyon.

"Haha–" Napatigil sa pagtawa si Ken nang batukan sya ni Sejun.

Tawa ka pa riyan, ah? Hahaha!

"Anong nakakatawa ro'n, ha?" pabulong na tanong ni Sejun.

"Hindi naman kasi ako do'n natawa. Natawa ako sa mga mukha ni-" Bago pa sya matapos ay agad kong tinakpan ang bibig nya. Napansin konv nakatingin silang lahat sa amin kaya tumawa ako ng peke.

"Huwag nyo na lang pansinin 'tong si Ken. Minsan talaga, wala 'to sa hulog e," palusot ko.

"Hmmm!" Pilit tinatanggal ni Ken ang kamay ko pero hindi ko sya hinayaan. Bumaling ako kay Shar at alanganing ngumiti.

"Una na kami, Shar. Balik na lang kami mamayang break. Bye," paalam ko bago hinatak si Ken. Pagkalabas ay saka ko lang tinanggal iyong pagkakatakip ko sa bibig nya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Pahinga ka lang diyan Shar, ha? Balik lang kami," rinig ko pang paalam ni Stell at lumabas na kasama si Sejun.

"Hoy Ken! Ang bastos no'ng ginawa mo kanina, ah? Bigla mo na lang tinawanan si Zack," sabi ni Stell habang naglalakad. Pabalik na kami sa room pero hindi pa kami nakakalayo sa clinic.

"Hindi nga kasi 'yon 'yong reason kung bakit ako natawa Stell. Wala ba kayong napansin kanina? Hina niyo naman makaramdam."

"Yung reaksyon ba no'ng tatlo nang purihin ni Shar si Zack?" tanong ni Sejun.

"Oo! 'Yon mismo! Hahaha! Nakita niyo ba kung paanong nawala sa mood iyong tatlong 'yon dahil lang sa sinabi ni Shar? Grabe! Si Shar lang malakas!"

"Hahaha! Umasim iyong mukha e," sabi ni Sejun.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon