Chapter 27

23 4 1
                                    

Ricci's POV

"Ricci, may naghahamon."

Lumapit sa akin si Mark at tinuro iyong dalawang babaeng nakatayo sa may pinto. Familiar sa akin iyong isa sa kanila pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Sumunod naman sa akin ang teammates ko para papiliin iyong girls ng gusto nilang maging kakampi.

Hindi ko alam kung sino ang nakaisip ng booth namin but the idea is i-chachallenge nila kami – 2 on 2. Pero dapat isang babae at isang lalaki ang bumubuo sa pair. And the winner would get the chance na humiling sa amin ng kahit na ano at ibibigay namin iyon. Of course, hindi kasama ang basketball team sa makakatanggap no'ng prize.

"Hi, Ricci!" I was surprised nang lumapit sa akin iyong pamilyar na babae. He clung on my arm and to avoid being rude to her, I politely asked her to let me go.

"Aw! Nakalimutan mo na ba ako?" Nagpout siya at nagpanggap na nalulungkot. Nagsimula naman kaming tuksuhin ng mga ka-teammates ko.

"Naku, Captain! May girlfriend ka na pala, ah?"

"Grabe, Cci! Ang galing mamili."

I shooked my head and laughed. Well, to be honest, she really look fine. She's tall, sexy, and  gorgeous. She actually looks like a model.

Oh, wait.

"Mitch?" Tumawa siya at mahina akong hinampas sa braso. Nagulat naman iyong mga kasama namin.

"Mitch? Hindi ba Andrea ang name mo?" tanong ni Mark.

"Andrea?"

"Yeah, Ricci. Mitch is just my stage name at work. My real name's Andrea. And just to let you know, I am a student here."

"What? Really? Kailan pa?"

"This year lang din. Hindi mo 'ko napapansin kasi sobrang busy mo riyan sa basketball. I keep on trying to reach you out pero never nagkaroon ng chance. You're like a superstar, e." Umirap siya kaya natawa ako. I didn't expect her to be here.

I've known her. Nakasama ko siya sa isang modeling agency noon. We're not that close but we're good friends.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I want to try your booth."

"I see. Sinong gusto mong ka-pair?"

"I can't wish anything sa partner ko, right?"

"Yes."

"Hays. I want you to be my partner pa naman."

"Oh? So, you want something from our Captain?" Natigilan ako sa sinabi ni Angelo, teammate ko. Pigil namang ngumiti si Mitch.

"I smell something! Is it love?" Tiningnan ko nang masama si Angelo pero tumawa lang siya.

"Want to be my partner? I'll help you out." Mahinang siniko ni Mark si Angelo pero hindi pa rin siya nagpaawat. "Ano?"

"Okay, I choose you." Ngumiti si Mitch at tumingala para harapin ako. Nag-aalangan naman akong nginitian siya pabalik.

"Let's start?"

"Wait lang. Hindi pa kasi dumadating iyong ka-pair ko."

"Why bother? Pwede namang siya na lang, e." Tinuro niya iyong babaeng kasama niya. Nakangiti naman iyong tumango.

"Nah. I'm sorry. Meron na kasi ako. Paparating na rin iyon."

"That bitch won't come." Kunot-noo akong lumingon kay Mitch pero taka lang siyang tumingin sa akin.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon