Epilogue

42 5 2
                                    

Sharlene's POV

"Mamimiss kita!"

Niyakap ako ni Mia. Niyakap ko siya pabalik at pinigilan ang mapaiyak. Pinupunasan niya naman iyong luha niya habang inaabot ang pentel pen sa akin.

Tiningnan ko kung may space pa sa damit niya. Halos mapuno na kasi iyon dahil sa dami ng sulat. Buti na lang at meron pa sa bandang likuran kaya doon na ako naglagay ng message ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na iyon sa kaniya.

Nag-iiyakan na ang mga kaklase ko. Puro na rin sulat ang mga damit namin dahil sa mga messages na sinulat ng mga kaklase namin. Last day na kasi ng practice namin 'to. Dahil next week, graduation na.

Ang bilis ng panahon.

Lumapit ako kay Jah na nakasandal sa railings. Siya lang ang may bukod tanging uniform na malinis. Ayaw niyang pasulatan iyon sa kahit na sino. May mga sumubok pero hindi nagtagumpay. Iyong iba naman, natatakot sa kaniya. KJ talaga.

Pero hindi pwedeng uuwi siyang ganyan.

"Wow! Ang linis mo, ah?" gulat na tanong ni Stell pagkarating nila sa waiting shed. Hinintay namin sila dito dahil balak naming maggala bago umuwi.

"Wala kang friends?" pang-aasar ni Josh. Natawa kaming lahat bukod kay Jah na masama ang tingin sa kaniya.

Sinenyasan ko si Sejun na mag-act na may nakita siyang sulat. Napangisi naman siya at mukhang naintindihan agad iyong ibig kong sabihin.

"Ay, wait.. May sulat!" sabi ni Sejun. Tinuro niya iyong likod ni Jah. Kaso nga lang masyadong matalino si Jah. Hindi man lang lumingon, e. Samantalang sina Ken at Stell, paniwalang-paniwala.

Lumapit ako kay Jah at hinatak ang polo niya. Kinuha ko iyong pentel pen sa bulsa ko saka siya nginitian pagkatapos ay nagsulat ako sa bandang dibdib niya. Hindi naman siya gumalaw kaya maayos ang naging handwriting ko.

Pagkatapos kong magsulat ay sinilip ko ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa akin pero mukha naman siyang hindi galit. Kaya ginrab ko na iyong chance at pumunta sa likuran niya.

"Ngayon na!" sigaw ko habang nakayakap sa likod ni Jah. Hawak ko ang parehong kamay niya kaya hindi niya matulak sina Ken. Tuwang-tuwa naman silang nagsulat sa damit ni Jah. Kahit hindi ko kita ay sigurado akong sobrang laki ng sulat nila. Pangdemonyo iyong tawa nina Ken at Josh, e.

Pagkatapos nilang magsulat ay binitawan ko na si Jah. Pumunta ako sa harap niya at natawa nang makita iyong pinaglalagay nina Sejun. Punung-puno na iyong harapan at parang kulang kung walang sulat iyong likod kaya tiningnan ko ulit si Sejun. Mukha namang naintindihan niya iyon kaya hinawakan ko ulit ang kamay ni Jah at niyakap siya.

"Likod naman!" sigaw ko ulit. Nagsipwesto naman sila sa likod at nagsulat ng kung anu-ano. Kahit wala pa akong idea sa kung ano ang nasa likod ay natatawa na ako.

Naramdaman ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Jah. Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya.

"Pasensya na. Love you."

-

Justin's POV

Kagigising ko lang at ang unang bumungad sa akin ay iyong uniform ko na sinulatan nila Shar. Expected ko naman na gagawin nila iyon. Wala rin talaga akong balak na manlaban. Pero masyado ata akong swerte. Nakalibre pa ako ng yakap at napanood si Shar na sobrang saya sa pinaggagagawa nila.

Napangiti ako at binasa iyong mga pinaglalalagay nila. Sobrang haba ng messages nila at talagang siniguradong puno iyong polo ko ng sulat. May mga drawing pa na hindi ko maintindihan.

Mga loko talaga.

Hindi ko nabasa iyon no'ng weekends kasi busy ako sa pag-aayos ng graduation speech. Ngayon lang ako nagkaoras at mabuti na lang at ngayon ko nabasa 'to. Medyo nabawasan na iyong kaba ko.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon