Sharlene's POV
"Hi Shar! Tulungan na kita diyan."
"Ako na."
"No, akin na, Shar. Ako na."
Napailing na lang ako at mas hinigpitan ang hawak ko sa volcano project ko bago iniwan silang tatlo. Mabilis naman silang sumunod sa akin habang si Jah ay tahimik lang na nasa tabi ko.
Kakapasok ko pa lang pero sinalubong kaagad ako nina Donny, Ricci at Zack. Bawat estudyanteng nadaraanan namin ay napapalingon sa amin dahil sa mga kasama ko. Panay ang bulungan ng ilan at ang iba naman ay impit na tumitili.
Simula no'ng natapos ang mini con ay mas dumami ang tagahanga ng mga kasama ko ngayon. Kulang na lang ay magtayo sila ng fans club at magmumukha na talagang artista ang mga 'to.
Hinayaan ko na lang ang mga iyon dahil nakasanayan ko na rin. Ilang araw na rin kasing ganito ang sitwasyon namin. Aabangan nila ako sa gate at sasabayan sa pagpasok. Pinupuntahan rin nila ako kapag break para sumabay sa pagkain at hihintayin kapag uwian na para sabayan sa paglabas ng gate.
Pagkarating sa room ay nagpaalam na sina Ricci at Zack. Tinanguan ko naman sila bago naupo sa upuan ko.
"For you."
Natigilan ako ng iabot sa akin ni Donny ang isang box ng chocolate. Ferrero iyon at alam ko kung gaano kamahal at kasarap ang tsokolateng iyon.
Pigil ang ngiting nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya at sa tsokolateng hawak niya. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi ang binibigay niya.
"I'm not expecting anything in return. Tanggapin mo lang 'to, okay na." Ngumiti siya at inilapit iyon sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nakangiting tumingin sa kaniya.
"Salamat."
-
Inaayos ko ang gamit ko nang makarinig nang malakas na tilian. Senyales na iyon na nandito na sila ulit. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na. Kaagad namang sumunod sina Donny at Jah.
Pagkapunta sa canteen ay umorder na ako. Nag-unahan pa silang tatlo sa pagbayad nang kuhanin ko ang wallet ko at nagbayad. Natatawa naman akong pinanood ni Jah na kanina pa tapos sa pagkuha ng pagkain niya.
Tahimik lang kaming kumakain nang may tumilapon sa aking spaghetti. Napapikit pa ako nang maramdaman ang pagbagsak ng ilang noodles sa mukha ko.
"OH MY GOD! I'M SORRY!"
Inalis ko ang ilang kalat sa ulo ko pero hindi ako masyadong makakilos dahil sa lagkit ng pakiramdam ko. Mabilis na lumapit sa akin si Jah at tinulungan akong linisin ang sarili. Ginamit niya rin ang panyo niya para punasan ang mukha ko bago matalim na tumingin sa bandang likuran ko.
"A-ayos ka lang, Shar?" tanong ni Donny. Bakas ang gulat sa mukha niya gaya nina Ricci.
"Ayos lang."
"Tatanga ta–" Mahina kong hinigit ang manggas ni Jah para pigilan siya.
"I'm sorry."
Walang bakas ng sincerity sa pananalita niya kaya nakaramdam ako ng pagkairita. Hindi ko man nakita ang buong pangyayari ay sigurado akong sinadya niya iyon.
Bumaling ako sa babaeng nagsalita. Nasa amin ang atensyon ng mga tao sa canteen kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya.
"Ayos lang," sabi ko saka tipid na ngumiti.
Hindi ko na tinapos pa ang pagkain at lumabas na ng canteen. Sumunod naman sa akin iyong apat.
Malalim akong bumuntong hininga habang naglalakad. Wala akong dalang pamalit. Sana lang talaga ay may dala si Mia o si Riz.
![](https://img.wattpad.com/cover/308815883-288-k861211.jpg)
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...