Chapter 8

30 4 1
                                    

Sharlene's POV

"Parang pamilyar ang name mo."

Hindi ko napigilang sabihin iyon. Sinubukan kong mag-isip kung saan ko narinig iyon pero hindi talaga rumerehistro sa utak ko. Feeling ko talaga narinig ko na 'yon somewhere, e.

"I don't know if you know me but I know you. Schoolmate tayo no'ng elementary."

"Eh?"

"Oo! Sikat ka sa school last year, e. 'Di ko nga lang alam kung bakit haha! Basta madalas kang nababanggit ng mga kaklase namin especially ng mga lalaki. Marami atang may crush sa'yo non, e."

"Ay haha! Hindi." For sure dahil lang 'yon sa takot nila sakin.

*rings*

"May tumatawag. Sagutin ko lang, ah?" paalam niya saka lumayo. 'Di naman ako makikichismis. Psh.

Ilang saglit lang ay natapos rin ang tawag. Tumingin pa muna siya sa phone niya bago nakangiting lumapit sa akin.

"Pa'no Sharlene? Pinapatawag na ko ng friends ko, e. Una na 'ko, ah? See you around!" paalam nya saka patakbong umalis.

-

Ricci's POV

Break na pero wala akong ganang kumain. Napag-isipan kong pumunta na lang sa court at maglaro dahil mahaba pa naman ang oras.

Papunta pa lang sana ako ro'n nang matanaw ko si Sharlene na mag-isang naglalakad palapit sa canteen.

Guess it's my lucky day.

"Shar!" Napahinto siya at luminga para hanapin ako. Madali naman niya akong nakita at nginitian.

"Magka-canteen ka?" tanong ko.

"Oo. Gutom na ako, e. Ikaw?"

"Sakto. Doon din ang punta ko. Sabay na tayo?"

"Libre mo?" Malaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin pagkatapos ay natatawang umiling. "Joke lang–"

"Sure. Libre ko."

Nagulat siya pero agad din iyong napalitan ng tuwa. Napangiti naman ako dahil ang cute ng reaksyon niya.

"Wala nang bawian 'yan, ah? Tara. Ihanda mo na ang wallet mo," biro niya at nagpatiunang maglakad. Natatawa naman akong sumunod sa kaniya.

-

Stell's POV

Pagkatapos ng performance ay malakas na pumalakpak si Ms. Cruz. Ngiting-ngiti siyang nakatingin sa amin at lumapit.

"You pass!"

"S-seryoso po?"

"Oo! I'm glad at nag-audition kayo. I was having a problem back then and you just saved me! So, let me thank you for joining."

"Ay, hindi po. Kami po ang dapat na magpasalamat sa inyo. It's a pleasure for us to be given a chance to join and perform in the mini-concert. Thank you po for the opportunity," sabi ni Sejun. Nakangiti naman kaming tumango.

"Thank you. Well? See you on Saturday! Good luck!" paalam ni Ms. Cruz saka umalis ng room.

"Excited na 'ko, dre!" Tumatalon na sa tuwa si Ken kaya napangiti ako.

"Ano nga palang gusto niyong sayawin? Iyon na rin ba?" Tiningnan ako ni Josh at nagkibit-balikat.

"Siguro. Ilang days na lang, e."

"Kaya niyo bang maglaan ng time to practice kung sakali? Pwede naman akong gumawa ng choreo."

"Huwag na. 'Yon na lang. Mababawasan pa oras ko sa pagrereview. Hassle." Napangiwi ako sa isinagot ni Justin. Study bug talaga.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon