Sharlene's POV
IT'S THE DAY!
"Anak! Ano ba 'yang suot mo!"
Napatigil ako sa pagsusuot ng sapatos ng bigla akong tanungin ni Mama. Ngayon na kasi ang concert kaya kahit 5PM pa yung event e, inagahan ko ang pag aayos. 3:30 pa nga lang e. Halatang excited.
"Damit?" sagot ko. Nakalongsleeve shirt at jeans with matching vans shoes kasi ako at wala naman akong nakikitang problema ro'n.
"Jusko marimar! Dalaga ka na. Hindi dapat ganyan ang suotan mo. Hubarin mo iyan at ito ang isuot mo dali."
"Dress? Ano ka ba naman Ma? Concert po ang pupuntahan ko. Gusto niyo po bang magtatalon-talon ako ro'n ng nakagano'n?" sabi ko.
Syempre for sure magwawala ako ro'n. Lalo na sa performance ng mga kaibigan ko. Tsaka, hilig ko rin kasi ang ganitong pormahan.
"Bakit? Bawal ba? Tsaka mas maganda 'to nang magmukha ka namang babae. Pa'no ka na lang magugustuhan ni Justin kung ganiyan ang suot mo."
"May sinasabi ka Ma?" tanong ko. Bigla kasing humina boses ni Mama, e. Hindi ko narinig.
"Sabi ko, hindi kita papaalisin kung hindi mo isusuot 'tong pinili ko."
"Mama naman! Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong sabi ni Mama. "Magpalit ka na ng pambahay. 'Di ka na tutuloy do'n."
"Aish! Akin na nga!"
-
Justin's POV
Pagkarating namin nina Ken galing sa bahay nina Sejun ay dinagsa na ng students ang court. May mga booth rin na nakadisplay sa gilid at mga member ng student council na naglilibot para icheck kung maayos ang lahat.
Pumunta agad kami sa bandang unahan para maghanap ng magandang pwesto. Nagsave na rin kami ng isang upuan para kay Shar.
"Grabe dre! Kinakabahan ako!" sabi ni Ken kay Stell iyong dibdib niya.
"Hala! Baka mamaya maglupasay ka sa stage 'pag magpeperform na tayo? Hahaha!"
"Wag! Baka majinx," sabi naman ni Sejun.
"Edi, knock on wood."
Tumayo si Stell at naghanap ng wood pero wala siyang nakita. Tumakbo pa tuloy siya sa pinakamalapit na room para kumatok sa pinto saka hinihingal na bumalik sa amin. Tinawanan naman sya nina Josh.
"Natutuwa talaga kayong nahihirapan ako e, 'no?"
"Halata ba? Hahaha!" Tiningnan naman ni Stell si Josh nang masama.
"Ah ganon."
"Biro lang. Nga pala, sa'n na si Shar?"
"Oo nga. Anong oras no'n balak pumunta?" tanong ni Ken.
"Malay ko. Baka kasama ko kayo mula kaninang umaga?"
"Ooooh! Wala pala kayo e," pang-aasar ni Sejun.
"Nagtatanong lang, e. 'Kala ko ba bestfriend mo 'yon?" bawi naman ni Josh.
"Oooh! Bestfriend pala e, tapos 'di alam? Naaay," sabi ni Ken.
"Di dapat lahat alam–"
"Kyaaaaaah!"
Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang maghiyawan ang mga babae sa court. Nagkumpulan silang lahat sa may entrance saka nagtutumili na parang mga baliw.
"Iba talaga 'pag basketball player," bulong ni Ken.
"Parang hindi sya makadaan, oh? Kawawang nilalang" naiiling pa na sabi ni Stell.
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...