Chapter 11

18 3 1
                                    

Mia's POV

'Pasensya na Shar.'

Kanina pa ako nakatingala sa kisame at inaalala iyong pag-uusap namin ni Ricci. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa ginawa niya. Sabi ko na tama iyong hinala ko, e. May gusto siya kay Shar!

~Flashback~

Papunta na ako sa gate kung saan kami magkikita ni Shar. Sasabay daw siya pauwi kasi 'di siya masasamahan ni Justin. Nakakapagtaka nga kasi dati naman laging magkasama iyong dalawang 'yon Hindi rin naman alam ni Shar kung anong pinagkakaabalahan no'n at ayaw naman na niyang kulitin pa.

"Mia! Sandali!" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin.

"Uy Ricci! Pasensya na, nagmamadali kasi ako, e. Ano ba 'yon?"

"Sabi ni Mark, sabay kayong uuwi ni Sharlene?"

"Oo, bakit?"

"Okay lang ba kung.."

"Kung?

"Kung ano.."

"Hay naku Ricci. Nagmamadali nga ako. Kung babagal-bagal ka riyan e, aalis na ako at kanina pa ako hinihintay ni Shar."

"Ako na lang sana maghatid kay Shar kung okay lang?"

"Bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Ayaw pa kasi umamin. Papayag naman ako, e. Hahaha!

"Kasi.."

"Gusto mo si Shar, 'no?" tanong ko. Inunahan ko na, ang tagal e.

"Yes."

"Yan! Jusmiyo! Pinapatagal mo pa, e. No problem! Akong bahala." Bakas ang pagkagulat at saya sa mukha niya ng sabihin ko iyon.

"Talaga?"

"Oo naman! Gusto mo tulungan pa kita? Alam mo kasi, halata naman na gusto mo si Shar. Naalala mo yung rnangyari no'ng PE? Lahat ng kaklase namin nagulat sa ginawa mo. Daig mo pa jowa ni Shar kung mainis, e. Lakas pang maka-prince charming no'ng pagbuhat mo sa kaniya. Halos lahat nga ata ng kaklase namin, inuna pang kiligin sa inyo kaysa mag-alala kay Shar. Myghad!" Mahabang litanya ko. Namula naman siya at pinipigilang ngumiti. So, ganito pala kiligin ang mga lalaki? Hahaha!

"So, ano?" tanong ko ulit.

"Yes. Gusto ko si Sharlene. But, I don't know how to make a move. I want her to fall for me but I don't know what to do. Hindi ko siya kaklase at madalang ko siyang makita dahil madalas may practice kami. I feel like she's close yet too far away from me. But believe me, I like her so much and I would do amything for her," sabi nya.

Kinikilig ako jusme! Haba ng hair mo Shar!

"Bakit si Shar? Ang dami namang magaganda diyan? Si Andrea! Iyong campus crush! Sexy no'n, matangkad at maganda pa!" Syempre kahit papasa sa akin 'to, kailangang makita ko kung sincere ba 'to kay Shar.

"I don't even know that Andrea. Like I care? And as for Sharlene? Well.. I just like everything about her. I lke how she's making me feel this way and–"

"Ok. That's enough. Nasa gate siya ngayon. Puntahan mo na,"

"Huh? E, pano ka?"

"Susunod ako. lisip lang ako ng palusot. Go na!" Sabi ko saka sya tinulak. Nagpasalamat naman siya saka tumakbo paalis.

~End of Flashback~

Sorry Shar. Sana masaya kayo ngayon. Fairy God Mother na ba ako nito?

-

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon