Ken's POV
Pabalik na kami at hindi ko mapigilang mag-imagine kung ano na ang nagyayari sa clinic. Sana talaga nagsasapakan sila para maangas. Tapos mag-aala Luffy ako. Gomu Gomu no Pistol!
"Hahaha!"
"Luh? Anong nangyari sa 'yo Ken?" tanong ni Sejun.
"Nabuang na naman," sabi naman ni Stell.
Napangiwi naman ako at umiling. Kahit sabihin ko ay siguradong hindi rin nila iyon maiintindihan.
"Sorry Ricci!" Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig ang sinabi ni Shar. Malapit na kami sa pinto at dinig do'n ang boses nila.
Bakit sya nagsosorry? Hindi ba dapat sapakan at tili ni Shar ang maririnig namin?
Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni Sejun. Itinuro niya ang pinto at lumapit doon.
"Pakinggan muna natin sila," sabi niya saka idinikit sa pinto ang tenga nya. Ginaya naman sya nina Josh.
Tingnan mo 'tong mga 'to. Kalalaking tao, mga chismoso.
Idinikit ko na lang din ang tenga ko sa pinto. Alangan namang tumunganga ako dito? Edi nasayang lang ang pagpunta ko, 'di ba?
"Di ko masyadong marinig kainis!" ani Josh na mas idiniin pa ang tenga sa pinto. Umayos naman ng tayo si Stell at tumingin sa amin.
"Pasok na kaya tayo?" Sasang-ayon pa lang sana ako nang umiling si Sejun.
"Huwag muna. Mukha namang hindi sila nag-aaway, e. Makinig muna tayo."
"Alam niyo? Kung iniisip niyo na lalayuan ko kayo dahil sa gender preference niyo, nagkakamali kayo. Matatanggap ko naman kayo, e. Ang saya kaya magkaroon ng gay friend!" Nagkatinginan kami nina Josh ng marinig ang sinabi ni Shar.
"Ano daw?" tanong ni Stell.
"Gay? Iniisip niya na bakla sina Jah?" takang tanong ni Sejun. Natawa naman kami ni Josh sa sinabi niya at agad ring tumigil nang sawayin niya kami.
Ilang saglit pa naming pinakinggan ang mga pinag-usapan nila. Mukhang namisinterpret ni Shar iyong ginawa no'ng apat. Kawawa naman.
"Pa'no nyo ieexplain yung tinginan nyo sa isa't-isa? Para kayong mga bading na namimili ng boylet, e."
Hindi na namin napigilang matawa dahil kay Shar. Sobrang lakas ng tawa namin kaya malamang ay rinig kami sa loob.
"Grabe! 'Di ko kinaya si Shar!" sabi ni Stell na nauna nang pumasok. Sumunod naman sa kaniya si Sejun na natawa pa rin habang nakahawak sa tiyan niya.
"Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pagiging inosente niya hahaha!"
"Bakla kayo?" asar ni Josh nang makapasok kami. Bakas naman ang inis sa mukha no'ng tatlo.
"No. This is just a misunderstanding," sabi ni Donny.
"A big misunderstanding," dagdag naman ni Zack.
"Eh?" takang tanong ni Shar. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naiintindihan ang nangyayari sa paligid niya.
"I like you." Napatingin kaming lahat kay Ricci nang bigla siyang magsalita. Diretso ang tingin nang seryosong mga mata niya kay Shar.
Uh-oh.
"The reason why I'm here is because I like you," pag-amin niya.
Matapang. Ano na gagawin mo ngayon, Jah?
"I like you too," sabi naman ni Donny.
Mukhang sasabay pa iyong iba. Naku naman.
"I like you three!" Gulat akong tumingin kay Sejun.
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfiction"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...