Chapter 15

17 4 1
                                    

Sharlene's POV

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas sina Jah. Marami nang nakapagperform pero ni anino nila ay hindi ko pa nakikita. Hindi rin naman sila nagrereply sa message ko.

Hindi ko alam kung anong ipeperform nila. Wala akong ni katiting na ideya at kahit anong tanong ko kay Jah ay hindi naman niya ako sinasagot. Akala mo talaga 'di bestfriend, e.

Nasa'n na kaya iyong mga 'yon? Ihuhuli ba sila? Ano 'yon, save the best for the last? Naks. Naeexcite tuloy ako!

"And the next group performing James Reid's hit song, 'Wag ka ng Humirit! Let's give it up for The Nameless."

Pagkarinig ko sa sinabi ng emcee ay agad akong natawa at mas lalo akong natawa nang makita sina Jah na paakyat ng stage.

Sila pala 'yon? Hahaha!

Malakas akong sumigaw at iwinagayway ang kamay ko. Mabilis naman nila akong nakita at nginitian.

Umpisa pa lang ng performance ay maririnig na ang tilian ng ilan sa mga babaeng nanonood. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil ang gwapo talaga no'ng lima, lalo na ngayon.

Bumagay sa kanila ang suot nila at mukha silang kilalang boygroup na inimbitahan ng school para magperform.

"Ang gwapo nila! Shet!"

"TRUE! Tapos ang galing pa kumanta at sumayaw!"

"Anong name no'ng nasa gitna kanina? Iyong kanina no'ng nagstart sila?"

"Di ko alam. Ang pogi, 'no? Tanong natin mamaya."

"Hoy! Akin na 'yon! Agaw pa, e."

"Sira! Hindi 'no! Doon ako sa isa. 'Yong cute na maliit."

"Basta akin na iyong moreno."

Ilan lang 'yan sa mga narinig kong usapan no'ng mga babaeng malapit sa amin. Nakakatuwang malaman na nagugustuhan nila hindi lang ang performance ngunit pati na rin ang boys.

Sakin ka lang, sakin ka lang, 'di ko pagkakalat, oops
Sorry naman, sorry naman, alam pala nilang lahat
'Wag kang mag-alala, ako lang ay naninigurado
Para wala ng magpapagwapo sa 'yo

Sheeeems! Ang kyut ng steps nila do'n ah? Papaturo nga ako after.

Mamili ka na lang sa dal'wa
Mahalin mo ako o mamahalin kita
Hindi ka pa ba nakakahalata?
Sa akin, wala kang kawala, kaya

"Don't wory! 'Di ako kakawala!" sigaw no'ng babae sa gilid namin na napatakip ng bibig niya. Natawa naman kaming mga nasa malapit. Inlab na ata kay Sejun iyon, ah?

'Wag ka nang humirit, no, no
Basta mula ngayon ay tayo na
'Wag na magpumilit, no, no
Papakipot ka pa ba?

Pagkat bihira ang katulad mo
'Di na papakawalan
'Wag ka nang hunirit, 'wag ka nang humirit
Magmula ngayon ay akin ka na lang

"SHET! NAKITA MO BA YON?! NAKITA MO BA YON?! TINURO NYA AKO! KANYA NA LANG DAW AKO! SHEEEEET!"

"HINDI! AKO IYONG TINURO NIYA! NAKATINGIN PA NGA SIYA SA AKIN SA BUONG LINE NIYA, E! KAYA AKIN SIYA!"

Yare. Nagtatalo na iyong dalawa sa unahan namin. Mukhang makakasira pa si Jah ng friendship, ah?

Pero napansin ko rin nga na nakafocus lang siya sa pwesto namin kanina. Sino bang tinitingnan niya? Or more like, sino ang tinititigan niya?

Ako?

Wow! Ang assuning mo Shar! Baka nakakalimutan mong nasa audience seat ka. Malamang titingin siya dito. Nandito ang audience, e. Parang ewan.

Ang presko lang pakinggan
Na mula ngayon ika'y akin lang
Pag may reklamo'y matik na
Hinding-hindi pagbibigyan

Bumaba sila at pumunta sa iba't-ibang direksyon na may dalang long-stemmed rose. Lalong nagtilian iyong mga babae at nagtulakan para sila ang makakuha no'ng flower.

Grabe! Sikat pala 'tong mga 'to?

'Wag ka nang humirit, no, no
Gusto ko lang ngayon ay tayo na
'Wag na magpumilit, no, no
Papakipot ka pa ba?

Hindi ko alam kung naghahallucinate lang ako pero nakikita ko si Jah ngayon na naglalakad sa direksyon namin. Hindi lang isang rose kundi tatlo iyong dala niya at as expected, kinikilig na naman iyong mga babaeng nakapaligid sa amin. Lalo na iyong mga nasa unahan namin. Maging si Mia ay hindi na mapigilang kiligin at hinahampas na ako ngayon.

"IBIBIGAY NIYA SA AKIN IYONG ROSES! OH MY GOD!"

"HOY! TATLONG ROSES! I LOVE YOU BA 'YAN? I LOVE YOU TOO!"

Pagkat bihira ang katulad mo
'Di na papakawalan
'Wag ka nang hunirit, wag ka nang hunirit

Hindi pinansin ni Jah iyong sigaw ng ibang nanonood at nagpatuloy lang sa pagkanta. Diretso lang siya sa paglalakad at nakatingin sa... ayokong mag-assume pero bakit parang sa akin?

"Sa 'kin ba talaga?" bulong ko.

"Oo Sharlene! Jusko!" sabi ni Mia na tinulak ako paabante.

Tila iniwan na ako ng kaluluwa ko ng tumigil si Jah sa harap ko. Para akong matutunaw sa titig niya at gusto ko na lang takpan ang mukha ko sa sobrang hiya. Pakiramdam ko, nasa amin lahat ng atensyon ng mga tao at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

"SANA OL!"

"Hala! May jowa na pala. Sayang!"

"Owemji! Ang kyut! Sana ako rin magkaganyan."

"Kinikilig ako! Bagay sila! Huhu!"

Dumoble ang lakas ng tilian ng mga babae. Maging ang mga lalaki ay nahiyaw na rin na para bang kinikilig. 'Yong mga teachers naman ay nakangiti lang kaming pinapanood.

Nakangiting inabot sa akin ni Jah ang tatlong rosas na dala niya. Agad ko naman iyong tinanggap saka niya sinabi ang huling linya ng kanta.

"Magmula ngayon ay akin ka na lang."

Pagkatapos no'n ay wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.

'Nababaliw na ata ako.'

____________________________________________

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon