Chapter 37

19 5 1
                                    

Sharlene's POV

Panay ang tawa ni Jah nang makalabas kami sa coffee shop. Tuwang-tuwang siya sa naging reaction no'ng dalawang babae dahil sa ginawa ko. Napasimangot naman ako dahil hindi ko inaasahan na gano'n ang pumasok sa isip no'ng mga iyon.

"Mukha ba tayong magkapatid?"

Napahinto siya. Nilingon niya ako saka umiling. "Hindi. Siguro naisip lang nila iyon kasi ang liit mo."

Sinamaan ko siya ng tingin. Inalis ko iyong pagkakaakbay niya sa akin at naunang maglakad pero nakahabol agad siya. Perks of having long legs. Tsk.

Muli siyang umakbay sa akin at isinandal iyong kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Sinusubukan kong alisin iyon pero hindi siya nagpapatinag. Kaysa maubos ang energy ko ro'n ay hinayaan ko na lang.

"For sure, naisip nila na girlfriend kita. Hindi lang nila tinatanggap iyong idea na iyon kasi gusto nilang mapansin ko sila. Kaya ayon, pinipilit nila iyong thought na kapatid kita sa utak nila."

May punto siya. Feeling ko, iyon talaga ang dahilan. Pero kahit tama siya, hindi ko siya pinansin. Nabibwisit pa rin ako sa joke niya. Porket matangkad siya. Psh.

"Pero ngayon sure ako na tanggap na nila. Meron bang little sister na hahalikan iyong kuya niya sa lips?"

Natigilan ako at namumulang humarap sa kaniya. "Manahimik ka nga."

Natawa siya. "Gustung-gusto ko iyong way ng paghila mo sa akin." Bigla siyang ngumisi. "Hot."

Siniko ko siya dahil sa hiya pero tumawa lang siya.

Inayos niya ang pagkakaakbay sa akin habang naglalakad kami sa labas ng venue. Ayaw niya munang pumasok sa loob dahil nasusuffocate daw siya sa dami ng tao.

Sus. Ang laki kaya ng lugar. If I know, gusto niya lang akong masolo.

Kinuha ko ang phone sa hand bag ko at lumayo sa kaniya. "Pose ka dali. Picture-an kita."

Ipinasok niya ang isang kamay sa bulsa at seryosong tumingin sa camera. Hawak niya pa iyong kapeng binili namin kanina.

Hindi niya talaga hilig na kuhanan siya ng picture. Lalo na kapag solo. Hindi naman sa camera shy siya. Sadyang hindi niya lang feel mapicture-an. Pero dahil sa hilig ko ang magpicture, nasasanay na siya.

Hindi ko na siya pinilit na ngumiti kasi hindi naman talaga siya palangiti. Madalas siyang nakapoker face at natural na ang pagiging masungit niyang tingnan. Bilang nga lang sa daliri iyong pictures niya na nakangiti, e. Pero kahit na gano'n, gwapo pa rin siya.

Maraming nagkakagusto sa kaniya pero natatakot lumapit dahil sa pagiging masungit niya. Bukod pa ro'n, dalawa lang naman ang posibleng maging reaction niya sa mga sumusubok na magpapansin sa kaniya: susungitan ka o kaya hindi ka papansinin na parang 'di ka nag-eexist - parang iyong ginawa niya kanina.

Nakailang kuha ako ng picture bago ako nasatisfy. Ang gwapo ba naman ng model ko. Nag-enjoy tuloy ako. Kinuhanan niya rin ako ng pictures pagkatapos ay bumalik na kami sa loob.

Dumiretso kami sa table nina Sejun. Naabutan namin si Ken na mag-isa at kaharap ang dalawang plato na puno ng pagkain.

"Anong ginagawa mo?"

"Sinusulit iyong bayad."

Nagpatuloy siya sa pagkain kaya natatawa akong umiling. Ganito rin ang ginagawa niya no'ng unang punta namin dito, e. Wala ba siyang ibang balak gawin kung hindi kumain?

"Nasaan sila?" tanong ko pagkaupo. Nginuso niya iyong dance floor. Luminga ako para hanapin ng tingin iyong tatlo pero bago ko pa man sila makita ay napansin ko na iyong ilang babae sa malapit. Nakatingin sila kay Ken kaya napangisi ako.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon