Justin's POV
"I..."
"I?"
"I have to go."
Tumayo kaagad si Shar at mabilis na umalis. Muntik pa siyang madapa dahil sa kamamadali at lumingon sa akin bago nagpatuloy sa pagtakbo. Natatawa akong pinanood siya saka nakangiting isinandal ang likod ko sa puno.
Napanood ko ang pag-iwas niya kay Donny no'ng binalak siyang halikan ng mokong. Pero sa akin, okay lang.
Muntik na akong mapasigaw sa saya dahil sa realization na iyon. Mabuti na lang at naitakip ko agad ang bibig ko dahil kung hindi, malamang ay naagaw ko na ang atensyon ng mga tao dito.
Sinusubukan kong gawing blangko ang expression ko pero hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Feeling ko ay nawala lahat ng inis na meron ako mula kanina. Buong-buo na ang araw ko!
Hindi siya galit. Hindi niya rin binawi iyong sagot niya.
E 'di, pwede ko siyang halikan kahit kailan ko gusto?
Napatakip ako ng mukha at napahiga sa damuhan. Ilang ulit akong nagpagulong-gulong dala ng kilig hanggang sa magsawa ako at piniling humilata na lang. Naihawak ko ang daliri sa labi ko habang pinapaulit-ulit sa utak ko ang ginawa kong paghalik sa kaniya kanina.
Nararamdaman ko pa rin ang lambot nang manipis na labi niya.
Nakagat ko ang labi ko at napapikit saka sinubsob ang mukha sa damuhan. Nanatili ako sa gano'ng posisyon hanggang sa napagdesisyonan kong hanapin si Shar. Mag-uuwian na rin kasi at baka mamaya ay sundan na naman siya no'ng mga asungot na iyon.
-
Sharlene's POV
Pagkarating ko sa CR ay napatitig ako sa salamin. Nang dumapo ang mata ko sa labi ko ay naihilamos ko ang kamay sa mukha ko. Gusto ko mang kontrahin ang sinisigaw ng utak ko ay hindi ko magawa dahil sinasang-ayunan iyon ng puso ko.
Okay. Malinaw na ang lahat.
Kinuha ko ang phone ko at minessage iyong tatlo. Bago matapos ang araw na 'to ay bibigyan ko na sila ng sagot. Ayokong patagalin pa ang paghihintay nila para sa wala dahil ngayon ay sigurado na ako.
Si Justin ang gusto ko.
Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanila iyon. Kung ano iyong mga tamang salita na dapat kong bitawan nang masabi ko agad iyong gusto kong iparating. Bahala na siguro si Batman.
-
Sumandal ako sa rails habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Nagdidilim na at nagsisimula na ring magsara ang booths. Kasabay ng pagtanaw ko sa mga estudyanteng palabas ng school ay ang paghihintay sa pagdating no'ng tatlo.
Nabigla ako nang makaramdam nang malaking pares ng kamay sa magkabilang bewang ko. Dala ng instinct dahil sa nangyari kanina ay nahawakan ko iyon at pinilipit. Napahinto lang ako at agad na bumitaw nang mapagtantong si Ricci iyon.
"Sorry! Akala ko kung sino."
Minasahe niya ang kamay niyang sumasakit at natatawang tumingin sa akin. "Sadista ka, ah? Pang-ilang beses na 'to."
"Huh? Ngayon pa lang kaya."
"Ilang beses mo na kaya akong sinaktan."
Natigilan ako sa biglaang pagseryoso ng boses niya. Iniiwas ko ang paningin at sinusubukang hanapin ang litanyang dapat kong sabihin pero isang salita lang ang lumabas sa bibig ko. "Sorry."
BINABASA MO ANG
Just the Girl [COMPLETED]
Fanfic"Gusto kita, matagal na." "Let me love you." "Pwede ba kitang ligawan?" "Please accept my feelings." Sharlene is a fearless and happy-go-lucky girl who loves challenges. She is talkative, does whatever she wants and fight head-on to whoever attacks...