Chapter 10

26 4 0
                                    

Sejun's POV

Kanina ko pa sinusubukang magcompute gamit ang iba't-ibang formula pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang sagot.

Pasimple kong nilingon si Stell na mukhang nahihirapan rin sa pagsolve. Tiningnan ko naman sina Josh na nagcocompute at Ken na mukhang tapos na sa pagsagot.

Magtatanong ba ko? Kung oo, kanino? Si Ken parang basta lang nagsagot eh. Si Stell naman parang hirap din. Kay Josh na nga lang.

Iniangat ko ang paningin ko at hinanap iyong proctor namin. Sakto, nasa labas siya. Sign na 'to.

"Psst," tawag ko pero hindi nya ako narinig.

"Josh! " Bulong ko pero hindi na naman ako narinig. Wengya!

"Pogi!"

"Ano ba 'yon? Kita mong nagcocompute, e."

So, kailangan pala POGI? Ayos.

"Penge sagot sa 18."

"A."

"To 21."

"Ano ba 'yan Pablo! Ang dali-dali lang niyan."

"Ang dali hulaan. Dali na kasi. Ang damot, e."

"ABCD."

"Weh?"

"Wag ka nang magtanong. Hayop na 'yan. Tatanong tapos kapag sinagot hindi maniniwala."

"Hahaha! Sorry sorry. Salamat!"

Umayos ako ng upo at ibinalik ang tingin sa proctor namin. Abala siya sa pakikipagkwentuhan sa proctor ng katabing room. Mukhang hindi niya naman ako nakita. Safe whoo!

-

Ken's POV

If x is the blah blah blah, A.

The square meter of, B.

How will you convert the, D. Okay. I'm done.

Pagkatapos kong magsagot ay tumungo na ako sa desk. Matutulog muna ako. Maaga pa naman, e.

"18 to 21"

"ABCD"

ABCD?

Pagkarinig ko kay Josh ay chineck ko agad iyong test paper ko.

"Shet, mali-mali."

Binura ko agad yung sagot ko kanina saka pinalitan nang sinabi ni Josh.

'Yan. May sure 4 points na 'ko. Makatulog na ulit.

-

Sharlene's POV

Ang layo ni Jah!

Kanina pa ko nag-iisip pero wala talagang napasok sa utak ko! Hindi naman ako makapagtanong kay Jah kasi nasa unahan siya.

Sabi na dapat 'di na ako nagreview, e. Wala rin namang magbabago. Nagpuyat pa ako kagabi. Hays.

"Okay ka lang?"

"Hindi, e. Pero kung bibigyan mo ako ng sagot baka maging okat na 'ko," sabi ko na nakapagpatahimik kay Donny.

"Joke lang. Ok lang ako."

Hinulaan ko ang natitirang numbers. Mga 5 points na lang din naman 'to. Ayoko nang istressin yung sarili ko dito. Bahala na si Batman.

"Pass your papers on your front," announce ni Ma'am na nakapagpangiti sakin. Tapos na ang klase! Yeeey!

Ilang minuto na akong naghihintay dito sa gate at wala pa ring Mia na narating. Sabi niya may dadaanan lang siya pero halos mamuti na buhok ko kakahintay sa kanya na hanggang ngayon e, wala pa.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon