Chapter 21

36 5 2
                                    

Sharlene's POV

Nagising ako nang makarinig ng sunud-sunod na ingay. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero agad ding napapikit nang bumungad sa akin ang flash ng camera.

Uupo pa lang sana ako nang maayos nang makaramdam ako ng kung anong mabigat na nakadantay sa akin. Tiningnan ko iyon at nakita si Jah na natutulog sa balikat ko.

Nakatulog pala kami?

Napansin ko ang kumot na nakataklob sa amin. Muli akong tumingin sa harap at nakita si Mama na may hawak na camera.

Nakangiti siyang tumayo at nagmamadaling umalis. Hindi ko na siya nagawang pigilan dahil baka magising si Jah.

Bumaling ako sa kaniya at tiningnan ang mukha niya. Parang hindi talaga siya nakatulog nitong nakaraan dahil ang himbing ng tulog niya ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang makonsensya.

Simula kasi no'ng umamin siya ay nag-iba ang pakikitungo niya. Kung noon ay madali lang sa aking sabayan siya, ngayon ay hindi ko na alam ang iaakto ko sa harap niya.

Masyado akong naiilang at hindi ko maiintindihan kung bakit lagi akong kinakabahan kapag nandito siya. Kaya nga panay ang iwas ko sa kaniya dahil hindi ko gusto ang gano'ng feeling. Nakakabaliw.

"Tapos ka na bang titigan ang mukha ko?"

Natigilan ako ng bigla siyang magsalita. Idinilat niya ang mata niya at tumingin sa akin. Nanatili siyang nakasandal at nginitian ako bago bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya pa rin pala! 

Nagmamadali akong lumayo at hinigit ang kamay ko.  Natatawa naman siyang pinanood ang pagkataranta ko.

"Six na pala?" Nakatingin siya sa relo niya at tumayo na. Napatingin naman ako sa labas at nakitang padilim na rin ang langit.

"Uwi na ako," paalam niya. Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang may hinihintay.

"A-ano?" nauutal na tanong ko. Napangiti naman siya kaya hindi ko naiwasang mailang.

"Ano?" panggagaya niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong tinitingin-tingin mo?"

"Wala." Ngumiti siya nang pagkalaki-laki. Kitang-kita ko na ang gilagid niya sa sobrang pagngiti niya.

Baliw na talaga siya.

Luminga ako para hanapin si Mama. Nakita ko naman siyang nakasandal sa pader at nakangiting nakatingin sa amin.

"Kayo na ba?" tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko at napailing nang paulit-ulit.

"Hindi! / Hindi pa." Napatingin ako kay Jah nang magkasabay kaming magsalita. Pinandilatan ko siya ng mata pero tinawanan niya lang ako.

"Hindi pa?" tanong ni Mama.

"Op–"

Hindi na natuloy ni Jah ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Tumingin ako kay Mama at pekeng tumawa saka bahagyang itinaas ang isang kamay ko.

"Wait lang Ma. Ihahatid ko lang si Jah. Uuwi na raw siya, e."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Mama. Hinatak ko si Jah palabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi na siya nagpaliwanag pa kay Mama at hinayaan akong dalhin siya sa labas.

Nang makalapit kami sa gate ay humarap ako sa kaniya. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan. Nakatuon ang atensyon niya doon ng ilang saglit bago tumingin sa akin.

"Wala talaga sa plano ko ang magmadali. Hangga't maaari, I want to take things slowly."

Tumungo siya at kinuha ang isa pang kamay ko bago ito marahang hinaplos. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan ko siyang gawin iyon sa kabila ng kabang idinudulot no'n.

Just the Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon