2nd Chapter

133 3 0
                                    

ASHLEY CARRACIO

"Hi bes. Ano na? Uhm mamaya ba may form kayo? Labas tayo mamaya."

"Bes, sorry I'm not in the mood."

"Kahit mag fried noodles tayo? Hah!" Fried noodles?! Tama ba narinig ko? Omg.. "Dyan lang o sa may PUP."

"Go! Mamaya after class." Oo na alipin na ako ng Fried noodles, ewan ang sarap kasi e!

At dahil wala naman kaming form lumayas na kami ni Gabbie ng School at dumiretso sa may PUP. Actually jeep lang ang sasakyan mo para maka punta don.

***

"Mang Ben dalawang order nga po ng Fried noodles at fried shomai."

"Oh Gabbie tubig ba?"

"Yes sir!" Yea, suki na kami dito sa Kainan ni Mang Ben. Kada wala kasing ginagawa lagi kami dito tumatambay ni Gabbie or Ethan. Ugh Ethan nanaman? Seriously hanggang ngayon? Hindi ako galit sa kanya o sa sarili ko, kasi? Mahal na mahal ko pa rin sya. Ayoko lang sabihin dito kay Gabbie kasi alam ko namang sesermunan nya ako. Sya pa ba? Pwede ko na nga syang tawaging 'Nanay Gabbie' e! Hahaha just joking!

"Hoy bruha!! Malamig na yang noodles mo. Hulas na rin ang lamig nyang tubig mo kasi kanina ka pa tulaley! Duh. Please lang Ashley umayos ka."

"Baliw! Ang OA mo naman Bes. Ts tara na nga kumain na tayo at maka uwi na. Dadaan ka ba sa bahay? Pang 4 months na ni Baby Marie ngayon e." Masayang sabi ko sa kanya, I have a niece named Marie. Anak sya ni Ate and she is Super cute! Sya nga ang stress reliever ko e. Uh, what a lovely baby..

"Sige. Nako mukhang mapapakain ako nyan ah!"

"SPG! Super Patay Gutom!" Well sya ang pinaka masarap asarin sa lahat. Haha.

"Duh! Ako ba talaga? Oh ikaw? Ha Ashley? Hahaha!" Yun nga lang hindi sya papatalo.

***

"Hi tita. Hi Ate Bea! Hello baby Marie! Akuchi kuchi!"

"Hoy tigilan mo nga yang pamangkin ko!"

"Damot bes? Duh!"

Calling Tita Vina...

"Uh hello po tita?"

(Hi Ashley. Invite lang sana kita sa birthday ko this coming saturday. I hope you'll join us. Aasahan kita. O paano bye na. Keep safe dear.)

Oh noes!!!!! Pupunta ako sa bahay ng ex ko? Ano 'to meet the ex chronicles? Jeez! Hindi pa nga pala alam ni Mama at Tita Vina na break na kami ni Ethan. Ugh!! Saturday? Eh Friday na ngayon a! So bukas na 'yon? Grabe naman. Lord, bakit?

"Oh Ashley iniinvite ka nga pala ni Vina sa kanila bukas ha. Ibili mo ng cake ha, bigyan kita pera later."

Woah? Si Mama ba 'yun? Bakit ang bait? Ano kaya ang nakain nya? Hehe.

***

Papunta na ako ngayon sa Cake Shop para bumili ng cake na ireregalo ko kay tita Vina. Hm, ano kaya? Red velvet? Yum! Blue berry? Yummy! Hihi!

"Hi Ma'am Good Afternoon, how can I help you po?" The lady asked. Hm, what am I gonna buy ba? "Why don't you try our new flavors? This one is called, Sugarberrie cake. Pero suger free po 'yan Ma'am so no worries para sa Calories."

"Uhm, sige po isa po nyan."

Calling Bes-Ganda...

Take note sya ang mag save nyan kaya ganyan!!

(Yes hallo?)

"Bes paano nga pag punta kila Ethan?"

(Woah! Don't tell me papaka tanga ka?!)

"Gago! Birthday ni tita Vina! Pinapapunta ko."

(Ah sa may asdfghjkl street sabihin mo sa driver. Lab u!)

Patayan daw ba ako? Bastos na bata! Anyways sinabi ko nga sa driver pero malayo pa lang nagpa baba na ako sa kanya. Kasi, kasi feeling ko hindi ito magiging maganda.

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon