ASHLEY CARRACIO
Ngayon kami pupunta ni Gabbie sa BulSU para tignan yung resulta at kung naka pasa titignan na rin kung kailan kami mag e-enroll.
Ang daming tao na tumitingin, pero dahil si Gabbie ang kasama ko nag Ninja singit na naman sya. Haaaay babaeng 'to talaga, oo. Naupo nalang muna ako sa tabi makikita naman ni Gabbie yun e!
"Kyaaaaaah! Yes yes yes!" Nagulat ako nang may biglang sumigaw pero hindi na rin ako nag taka kung sino 'yon. Si Gabbie! "Bes! Pasado tayo." Masaya nyang ibinalita sa akin.
"Miss masyadong maingay. Baka pwedeng paki hinaan yung boses ng kaunti. Parang hindi babae!" Sita sa kanya nung isang gwapong nilalang.
"So hindi na pala pwedeng mag-saya dito? Duh, kuya kung bitter kang magpaka saya ako hindi. Walang basagan ng trip puwede?" Mataray na sabi ni Gabbie dun sa lalaki.
"Huy bes, ang gwapo nya wag mong sinisigawan."
"Hindi ko makita bes, saang banda?!" Inis na sabi ni Gab sa akin. "Kainis naman 'tong lalaking 'to. Pero okay lang, hindi ko naman na sya makikita pa e."
"See you nalang sa pasukan, Gabbie." And then the guy smirked at Gabbie, at nakita ko kung paano nag-blush si Gabbie doon sa soon to be Classmate namin.
"Bes mukhang naka hanap ka na ng katapat mo ah?" Pang aasar ko sa kanya.
"Nakakainis yung taong yun. Grr! Pero wag natin sirain ang araw na 'to dahil lang sa mokong na yun bes. Naka pasa tayo!" Ang bilis talaga mag-palit ng mood nitong babae na 'to!
Dumiretso kami sa Mall ni Gabbie para daw mag celebrate! Para kaming nanalo na nito sa Lotto ano!
Pagdating namin ay kumain muna kami 11:45 na rin kasi kami dumating dito, mag w-window shopping lang naman kami e. Kung may makita bili na! Hindi naman kami milyonarya ano.
"Bes, daan tayo sa bookstore a. May bibilhin lang ako." Sabi ni Gabbie sa akin.
"Okay bes, ako man titingin ng Libro e." I said as my reply.
After namin magpaka busog si Gabbie ang mas busog sa mga nakikita nyang Pogi! Haaaaaay Gabbie.
"Ang g-gwapo naman ng mga tao dito! Dadalasan ko na nga ang pag punta dito." Kilig nyang sabi. "Bes i-text mo nga pala si Rade, sabihin mo pumuntang Sky Ranch, dito sa Pampanga."
"Huh? Mag s-sky ranch tayo?" Parang wala akong alam dun a.
"Oo. Hindi ba sinabi ni Rade sayo?" Nagtatakang tanong nya, "Ah tawagan mo nalang sya bes."
Calling: Rade Sanchez<3
'Hello Rade?'
(Oh Ash? Napatawa ka?)
'Hmmm, saan ka?'
(I'm on my way, don't worry.) So alam nya din?
'O-kay sige sige ingat ka ha.'
(Okay then, see you.) Then he ended the call.
"Ako lang pala ang walang alam bes?" Tanong ko kay Gabbie.
"Huh? Hindi mo ba talaga alam bes? Ang sabi kasi sa akin ni Rade sya na daw ang mag sasabi sa yo." Sabi nya, "Kaya hindi na ako kumontra baka umiyak nanaman e."
"Umiyak? Nanaman?" Nagtatakang tanong ko kay Gabbie.
"Ano ka ba Joke lang noh! Baka kasi mag selos sa akin e, sabi nya kasi bes Tomboy daw ako! Ang ganda ko kaya!" Akala ko naman umiyak talaga yun. Haaaay!
Nag shopping muna kami ni Gabbie pero feeling ko may sumusunod sa amin. Nag paalam muna sa akin si Gabbie na magfi-fit muna sya.
Nang may biglang tumapik sa balikat ko! Katapusan ko na ba?!
"Relax." Mahinahon nyang sabi.
"I-ikaw? Bakit mo kami sinusundan?!" Sabi ko dun sa lalaki na soon to be classmate namin yung naka away ni Gabbie kanina lang.
"I.. I like your best friend." Diretsahan nyang sabi sa akin. "I'm Gabe."
Gabe? Gabe? Saan ko ba narinig 'to?!
"Ikaw yung lakaking katabi nya nung nag exam tama? Gabe Cruz?" Oo tama sya yung katabi ni Gabbie nung nag Exam kami sa BulSU, kaya pala parang iba yung tingin nya kay Gabbie.
"Uy bes! Kanina pa kita hinahanap a. Sino yung kausap mo?" Tanong ni Gabbie.
"A-ah wala yun, naligaw lang yun. Tara nag text ba si Rade sa akin nasa Sky Ranch na raw sya." Inaya ko na si Gabbie sa Amusement park na yun.
*
GABBIE SANCHEZ
Nasa Sky Ranch na kami at ako ang third wheel dito! Jeez.
"Tara sa Ferris wheel naman tayo." Aya ni Rade, pero puta hindi ako sasakay dyan napaka taas baka mamatay ako.
"Bigla kang namutla bes?" Tanong ni Ashley.
"Nag tanong ka pa! Eh tignan mo nga kataas nyan." Pag rereklamo ko, "Ako nalang samahan mo bes! Parang awa mo na!"
Hindi na ako naka angal kasi naman sumakay na si Rade at Ashley nang magkasama! Pucha naman o, ako pa lang mag isa dito sa loob. Nag browse nalang ako ng nag browse sa iPhone ko. Nang may biglang pumasok, sorry pero wala ako sa mood na tignan sya.
Umaandar na pero naka tingin pa rin ako sa phone ko. Leche naman o! Ayoko na, waaaaaaah! Gusto kong sumigaw pero nakakahiya sa kasama ko dito, kahit papano mahinhin din ako.
"Afraid of heights?" Tanong nung kasama ko, lalaki pala sya. Pero wala akong panahon para pansinin sya. Hindi kami close. "Look, Gabbie ang ganda kaya ng view." Bigla akong napatingin, ano? Kilala nya-- fvck. Yung lalaki kanina sa BulSU!!
"S-stalker ba k-kita?! A-anong ginagawa mo dito?"
"Sa iyo ba 'to? Masama bang mamasyal?"
"Wag mo nga akong pilosopohin! Gago ka, wag mo kong hahawakan! Kyaaaaaaah!!!!" Aba at ang gago gusto pa akong patinginin sa baba. "Ano ba ayoko pang mamatay!"
"You're funny, I'm Gabe." Tapos ngumiti sya, what the hell! Bat kaylangan nya akong ngitian ng ganon, nakaka lusaw. "Baka naman malusaw ako nyan?!"
"Hi, nice to meet you." Tapos biglang nag stop na yung ferris wheel sabay labas ako kahit baka kung ano pang kalandian ang masabi ko sa kanya lalong ma-in love sa akin!
"Loko kayong dalawa muntik na akong mamatay dun!" Sabi ko kay Rade at Gabbie pero tinignan lang nila ako ng para bang may alam silang wala akong alam, "what?!"
BINABASA MO ANG
Break Free
RomansaAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...