CHAPTER 2

963 33 13
                                    

Nasa school sila ngayon, alam niyo ba kung bakit? Wala lang, gusto lang nilang lumabas ng bahay nila dahil ilang araw na din silang walang ginagawa at bored na sila. Pagkatpos nilang mang gulo sa mga kaibigan nila na nasa school ay naisipan muna nilang gumala sa mall at kumain. Nakita nila ang pagka laki laking poster ng 10 lalake na pinakakaguluhan ng mga babae.

"duhh, poster lang yan, pinagkakaguluhan talaga?" sarcastic na pagkasabi ni Azalea

"parang nakita ko na sila somewhere pero di ko ko maalala kung saan" Louis

Dumaan sila sa nagkukumpulang grupo ng mga babae at dinaanan lang ang poster.

Nagulat naman ang mga babae dahil di lang man sila tumigil para tignan ang mukha ng mga gwapong lalake sa poster.

"ehemmm, excuse me miss, di niyo ba kilala kung sino ang mga lalakeng nasa poster?" manghang tanong nga babae?

"sorry pero hindi eh at wala kaming oras para kilalanin sila" nilabas naman ni Azalea ang sarcastic na smile niya.

Umalis na sila at napa roll eyes naman si Azalea sa ginawa ng babae habang si Louis naman ay tila malalim ang iniisip.

"huyyyyy" sigaw ni Azalea sa kanya na nagpabalik naman sa kanyang senses

"malalim lang ang iniisip te?"

"parang nakita ko na kasi yung mga lalake sa poster kanina pero di ko lang talaga matandaan"

"ay nako, wag mo na yang isipin dahil gutom ka lang, ililibre na lang kita" Azalea habang hinihila si Louis para kumain sa isang fastfood.

Uuwi na sila pero naisipan muna nilang bumili ng Milktea at tuluyan na ding umuwi.

Habang naglalakad sila papunta sa bahay nila ay nakasalubong nanaman nila ang itim na van at napnsin nila na yun din yung van na nakita nila kagabi.

"yun yung van kagabi di ba?" Louis

"oo nga, baka sila na yung mga bagong lipat" Azalea

"Correction dude, bagong kapit bahay" Louis


Patuloy sila sa paglalakad hanggang nakarating sila s bahay nila, agad silang pumasok at dumiretso sa kusina para silipin kung aino ang mga bagong kapit bahay nila.

"di ko naman makita yung mga mukha nila -_-" Louis

"1,2,3,,4,5,6,7,8,9,10" Azalea

"anong binibilang mo jan?"

"sampu, sampung lalake ang bumaba sa van"

"tapos? Ano problema dun?"

"wala lang, trip ko lang silang bilangin" habang naka poker face lang siya

"nasisiraan ka na ata ng bait" nakatingin parin siya bintana

"ok lang masiraan ng bait basta kay Henry lang <3.<3"

"Henry nanaman? Move on na dude, kaibigan lang talaga turing niya sayo" habang hinawakan si Azalea sa balikat

"OA ka din noh, crush ko lang siya at di mahal kaya di kailangang mag move on"

"dun na din papunta" Louis

"alam mo dude, matulog na tayo dahil alam kong pagod ka lang" Azalea


Umakyat na sila at tumungo na sa kani-kanilang kwarto.

---------------------------------------------------------------------

Kinabukasan ay maagang nagising si Azalea dahil medyo maaga din silang natulog kagabi, tumungo agad siya sa banyo para gawin ang kanyang ritual sa mukha. Pagkatapos ay pumunta siya sa balcony ng kwarto niya para masinagan naman siya ng Vit. D mula sa araw. Di nagtagal ay may lalake ding lumabas mula sa balcony ng kapit bahay. Nagulat naman si Azalea dahil di siya nasanay na may tao sa kabilang bahay. Isang lalakeng napaka puti, medyo katamtaman lang ang height at higit sa lahat ang kanyang mga singkit na mata na single-eyelid lang. Nakatitig lang si Azalea sa lalake na parang nakakita siya ng anghel.

"tok tok tok tok" natauhan naman siya ng marinig niya na may kumakatok sa kwarto niya. Dali-dali syang pumasok sa kwarto at sinara at sliding door sa balcony.

"bat ang tagal mong magbukas ng pinto?" Louis

"naghihilamos kasi ako sa banyo" sagot ni Aizee

"may nagiwan kasi ng kape at donut sa pinto pero di ko naman alam kung kanino nangaling" Louis

Inabot naman niya yung coffee kay Azalea na may sticky note.

"goodmorning anak, me and your dad will be going on a business trip with Louis' parents sa US. Don't worry, we left enough money for you to spend and if it's not enough, just give us a call <3 -love mom and dad <3"

"sana nag text na lang sila at may kape2 pa silang nalalaman" Azalea habang pababa papunta sa dining room nila

"nagtext pala sila mom and dad na wag na daw problemahin ang rent kasi na fully paid na daw nila ang bahay tapos ipapadala na lang sa email ang title ng bahay at lupa" Louis

"speaking of text, pupunta daw dito so Kenneth at Henry mamayang 10" Azalea habang may kinukulikot sa cellphone niya.

---------------------------------------------------------------

Saktong 10 naman dumating ang sila Henry at Kenneth.

"ano yang dala niyo?" tanong ni Louis habang nakaturo sa plastic bag na dala nila.

"foods and drinks" Kenneth

"and movies" sabat naman ni Henry.

"yessss, movie marathon" sabat naman ni Azalea mula sa kusina.


Nagsimula silang manood ng iba't-ibang movies, hangang naisipan nila na manood ng Insdious2, nasa kalagitnaan na sila ng movie kung saan lumabas yung babaeng nakakatakot ang mukha. Nagulat naman si Henry at bigla siyang napayakap kay Azalea. Nagulat naman siya si ginawa ni Henry kaya agad namang siya kumawala sa yakap at binatukan si Henry.

"manly pala huh, manly mo mukha mo. Kung makayakap ka naman" Azalea

"manly nga sabi ako eh, sadyang ayaw ko lang talaga ng horror o suspense movies" sagot ni Henry habang nakayakap pa ng mahigpit sa cushion.


Sa kabilang bahay naman ay may isang lalakeng nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang sila Azalea mula sa living room. Taimtim siyang nakatitig sa kanila lalo na kay Azalea.

"Hyung, anong tinitignan mo jan"

"wala, tara laro na lang tayo ng PS4"

"maganda yan hyung"

Di niya parin makalimutan ang mukha ni Azalea, gusto niya sanang tanungin ito kanina pero nawalan siya ng pagasa nung pumasok na siya sa kanyang kwarto.

"malalaman ko din ang pangalan mo" sabi niya sa isip niya

---------------------------------------------

Ayan na mga bes haha sana magustuhan niyo :D continue sa pag support guys. Love you all God bless :D


EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon