Ngayon ang opening nila, kaya excited na talaga si Louis. Ngayon din magsisimula ang seminar nila for 1 week. Pumunta siya sa kwarto ni Azalea para gisingin siya dahil alam niya na tulog pa ito ata tama nga ang hula niya.
"wake up sleepy head, back to school na tayo" sigaw ni Louis habang pinapalo ang bestfriend sa pwet.
"eto na po at gigising na" Sabi ni Azalea na halatang inaantok pa
"maligo ka na at maghahanda na ko ng breakfast natin" Louis
Pagkatpos niyang maligo ay nagbihis siya agad sa kanyang uniform at naglagay ng kaunting make-up sa mukha niya. Inayos niya ang kanyang mga dapat dalhin para sa seminar nila. Bago bumaba ay sinirado muna niya ang balcony niya pero naabutan niya si Xiumin na nasa balcony din. Nagkatitigan sila ng matagal at kahit na walang nagsasalita sa kanila ay tila ay may connection sila sa isa't-isa.
Tok tok tok tok
"dude, kakain na" Louis
Pero walang narinig si Azalea. Patuloy parin sa pagkatok at pagtawag si Louis sa kanya pero di parin lumabas kaya naisipan niya na sigawan ito ng malakas.
"hoyyyy Azalea Jeong, pag di ka pa lalabas jan sisirain ko tong pinto mo" Louis
Nagulat naman siya sa lakas ng sigawa ni Louis kaya bumalik na siya sa sarili niya. Dali-dali niyang isinara ang pinto sa balcony at lumabas agad ng kwarto niya. Paglabas niya ay nakita niya si Louis na naka cross-arms.
"at bakit ang tagal mong lumabas? Halos mapaos na ako kakatawag sayo pero parang wala kang naririnig" Louis
"sorry na, nagpapaganda pa kasi ako kaso lang biglang sumakit tiyan ko kaya ayun" sagot naman ni Azalea.
Dumiretso na sila ng school para sa kanilang seminar. Nagdidiscuss ang kanilang professor sa harap ngunit hindi makapagconcentrate si Azalea dahil sa nangyari kanina sa balcony.
"Bakit ba sa tuwing nagkikita kame parang tumitigil ang mundo naming dalawa?" sabi niya sa isip niya. Kaya shinake niya ang ulo niya para makalimutan yung nangyari kanina. Napansin naman iyon ni louis.
"Huy, okay ka lang? Bakit mo shinake yung ulo mo?" tanong ni Louis na may halong pagtataka.
"Wala, nageexercise kasi ako, para di ako mabagot sa dinidscuss ng prof." palusot ni Azalea, at tumango nalang si Louis at nagpatuloy sa pakikinig.
Naging maganda at masaya naman ang kanilang 1st day sa seminar dahil madami din silang natutunan, papauwi na sila sa kanilang bahay ng mapansin nila na may tao na nagaabang sa kanilang pinto.
"Uy, may tao oh, sino kaya yun." sabi ni louis. "Oo nga, tara puntahan natin." Azalea. Naglakad naman sila papunta sa pinto at nung kinalabit naman ito ni Azalea ay nagulat naman siya sa nakita niya. Hindi siya agad nakapagsalita.
"Teka, parang kilala kita ah.. Tama ikaw si Xiumin diba? Yung kapitbahay namin?" tanong ni Louis na ngiting-ngiti.
"Ahh, ako nga. Ikaw ba si Louis?" tanong ni Xiumin habang nakatingin kay Azalea
"Ahh, hindi. Ako si Louis. Eto naman si Azalea." sabat ni Louis at kinalabit naman niya si Azalea dahilan para bumalik siya sa katinuan nito.
"A-ahh, bakit may kailangan ka ba?" tanong ni Azalea habang nauutal.
"Gusto ko lang sana itong ibigay sainyo, napadami kasi yung order namin ng rice cake, kaya naisipan namin na ibigay nalang sainyo, tutal magkapitbahay naman tayo diba?" sabi ni Xiumin na ngiting-ngiti.
"A-ahh..." hindi natuloy ni Azalea yung sasabihin niya dahil biglang sumulpot si Louis.
"Naku! Salamat ah? Sorry dito sa bestfriend ko, medyo nahihiya ata, ang gwapo mo kasi. Haha! Sige ha. salamat ulit." sabi ni louis at inabot naman sakanya ni Xiumin ang box ng rice cake.
-----------------------------------------------------
"oh hyung, abot tenga ngiti natin ah" sabi ni Chanyeol habang pinupunasan si Matilda
"may naalala lang ako lang akong nakakatawa" sabi ni Xiumin habang naglalakad papunta sa sofa
"hoy Park Chanyeol buti pa yang si Matilda lagi mong inaalala pero yung kalat mo dito sa kwarto kinakalimutan mo lang" sigaw ni Baekhyun mula sa taas
"wag ka na magselos Baek" halakhak naman ni Chanyeol
"selos mo mukha mo, maglinis ka muna dito" Baekhyun
"aakyat na po" sagot naman ni Chanyeol habang paakyat
May tinignan naman si Xiumin sa cellphone niya nang tawagin siya ni D.O
"hyung, naibigay mo na ba sa kapit bahay yung rice cakes?" sigaw ni D.O mula sa kusina
"oo Dyo, naibigay ko na" Xiumin
"ano hyung, pumunta ka sa kapit bahay?" singit naman ni Tao na bigla lang sumulpot kung saan.
"oo, bakit?" tanong naman ni Xiumin na naka taas ang kilay
"bat di mo ako sinabihan" sabi ni Tao habang naka pout.
"aba't malay ko ba na gusto mo pa lang sumama, saan-saan kasi nag susuot" Xiumin habang patuloy parin sa pagtingin sa cellphone niya
"chance ko na sana yun na makita siya ulit. Kamusta na kaya yung paa niya? Ok na kaya siya?" tanong ni Tao sa sarili niya.
--------------------------------------------
salamat sa readers <3 the best kayo, continue to support. vote and comment guys :3 love you all and God bless :D
![](https://img.wattpad.com/cover/38064726-288-k768202.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...