CHAPTER 39

177 11 0
                                    

Last day na ng internship nila Azalea at Louis kaya masayang-masaya sila dahil natapos nila iyon ng masaya at syempre madami din silang natutunan.

Nang maidismiss na sila ng kanilang coordinator ay napagpasyahan ng dalawa na kumain sa labas para magcelebrate.

"Kung isama kaya natin sila Kenneth at Henry pati na din si mmMinha." Pag-aaya ni louis.

"Sige, para naman makapag-enjoy din tayo." Sagot ni azalea.

Una nilang pinuntahan si Minha sa assigned laboratory niya, napansin naman nila na wala na ito dun.

"Nandito pa si Minha kanina nasaan naman kaya yun?" Pagtataka ni Azalea.

"Tawagan mo kaya?"

"Okay, sandali lang."

"Sige, habang tinatawagan mo si Minha puntahan ko muna sila Kenneth at Henry ah? Dyan ka lang." Nginitian naman nito ni Louis, ganun na din si Azalea.

Nang makarating si Louis sa assigned laboratory ni Kenneth, ay nakita naman niya ito na nag-aayos ng gamit. Napahinto naman si Kenneth nang makita ang dalaga.

"Oh, Louis, napadaan ka? May kailangan ka ba?" Nginitian naman nito si Louis.

"Yayayain ka sana namin ni Azalea na kumain sa labas, kayo nila Henry at Minha, alam mo na magcelebrate kasi natapos na yung internship natin." Nginitian din naman ito ni Louis.

"Ahh, osige ba, sandali lang aayusin ko lang 'to tapos puntahan natin si Henry."

"Sige, tulungan na kita dyan." Aya ni Louis, nginitian lang siya ni Kenneth.

Nang matapos sila sa kanilang pag-aayos ay nadatnan naman nila Kenneth si Henry at Minha na magkatabi at parang may pinag-uusapan. Natigil lang iyon ng mapansin nila sina Louis.

"Mukhang malalim ang pinag-uusapan natin ha? Nakaabala ba kame?" Tukso ni Kenneth. Natawa naman si Louis ng bahagya.

"Kayo talaga, wala ah, may kinikwento lang si Minha saakin." Tinignan naman nito si minha, nginitian lang naman siya ng dalaga.

"Bakit nga pala kayo nandito?" Pag-iiba ni Henry.

"Inimbitahan tayo nila louis na kumain sa labas at magcelebrate alam niyo na kasi tapos na ang internship natin. So ano?" Nakangiting tanong ni Kenneth.

"Osige, tara, para makapagbonding na din tayo." Sabi naman ni Minha.

"Ay, oo nga pala Minha, kanina ka pa siguro tinatawagan ni Azalea pero hindi ka sumasagot." Pag-iiba ni Louis.

"Hala! Ganun ba? Naiwan ko kasi sa laboratory yung phone ko kaya ganun. Naku sorry, tara punta na tayo, para makapag-ayos na din ako." Naunang lumabas si Minha at dumiretso na ito sa lab. Sumunod nalang din ang tatlo.

--
Nasa isang korean restaurant sila ngayon, yun daw ang peg ni Louis na kainan dahil namiss niya daw ang kimchi. Sumang-ayon nalang din ang mga kasama nito.

Magkatabi ang dalawang binata, at kaharap naman nila ang tatlong dalaga. Nang matapos silang mag-order ay hinintay nalang nila ito.

"Ang bilis ng oras no, bukas magrereview na tayo para sa final exams natin. Tapos graduation na." Panimula ni Louis.

"Oo nga eh, parang kailan lang, teka lang, pagkatapos ng gradution ano ang gagawin niyo? Magpoproceed ba kayo ng medicine?" Si Azalea naman ngayon.

"Tutulungan ko ang parents ko sa hospital dun sa states, pero syempre mag-aaral muna ako ulit." Minha.

"Ako din siguro pero pag-uusapan pa namin yun nila mama." Kenneth.

"Ikaw Henry? Anong plano mo?" Tanong ni Azalea.

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon