3rd Person's POV
Nang magtapat na si Kenneth kay Louis, hindi niya pa din sigurado kung dapat pa ba niya itong sabihin pero para sa ikakagaan ng loob niya, kailangan na iyong malaman ni Louis, tatanggapin naman niya kahit ano pa ang magiging sagot ni Louis.
"Louis.. kung sakaling magtatapat ako sayo na gusto kita, okay lang ba?" Kinakabahan si Kenneth pero isinantabi niya iyon. Napatingin naman si Louis sakanya at napatigil sa iniinom niyang juice.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Nakangiting tanong ni Louis.
"Gusto kita Louis, akala ko nawala na 'to dati, pero hindi pala, at ngayon mas lalong lumalim."
"Kenneth.."
"Ayaw mo ba saakin?" Malungkot na tanong ng binata.
"Hindi naman sa ganun, gusto kita Kenneth, pero hanggang matalik na kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay, pasensya na Kenneth."
"Bakit may mahal ka na bang iba?"
"Ang totoo kasi niyan.."
"May boyfriend ka na? Yun ba ang gusto mong sabihin?"
Napayuko naman si Louis sabay tango. Kita sa mukha ni Kenneth ang lungkot, pero napalitan iyon ng ngiti pero sapilitan.
"Kenneth sorry.."
"Ano ka ba Louis, okay lang yun, atleast alam ko na ngayon kung saan ako lulugar, basta kapag sinaktan ka ng boyfriend mo, nandito lang ako ha? Handa pa rin akong maghintay." Nilapitan naman nito si Louis.
"Hindi ka galit o nagtatampo man lang?" Pagtatakang tanong ni Louis. Magkatabi na sila ngayon.
"Siguro nagtatampo, pero mawawala din 'to, basta masaya ang bestfriend ko, masaya na din ako para sayo." Inakbayan naman nito si Louis.
"Thank you Kenneth, basta kapag okay na ang lahat ipapakilala ko siya sainyo ni Henry. Ay teka lang speaking of Henry, nasa baba pa kaya sila? Alam mo ba kung bakit sila mag-uusap?"
"Oo nga pala. Tara tignan nalang natin." Aya ni Kenneth, kaya sumunod naman si Louis sakanya.
Nang makababa na ang dalawa nadatnan naman nila si Henry na nakaupo pa din sa pwesto niya at tulala pa rin, nagtaka naman sila kung bakit wala si Azalea. Nilapitan naman nila ito.
"Bro, nasaan si Azalea?" Tanong ni kenneth.
"Oo nga, diba magkasama kayo?" Tanong ni Louis.
"H-hindi ko alam, nagtapat ako sakanya pero nagsorry siya, tapos biglang tumakbo." Walang emosyon si Henry habang sinasabi niya iyon.
"Naku, saan naman kaya iyon nagpunta? Mauna na ako sainyo ha? Hahanapin ko muna siya."
"Sigurado ka? Sasamahan na kita Louis." Pag-aaya ni Kenneth.
"Ay hindi okay lang ako, mabuti pa samahan mo nalang si Henry, kailangan niya ng kausap ngayon." Nginitian naman nito si Kenneth, at umalis na ito palabas ng restaurant.
Sinubukan hanapin ni Louis si Azalea, nagikot siya sa subdivision nila hanggang sa mapadpad siya sa playground, at dun nakita niya si Azalea na may kasamang iba, napangiti naman siya sa nakita niya.
Sa wakas nagkausap na din ang dalawa, akala ko puputi nalang ang uwak hindi pa din sila nag-uusap. Yun nalang ang nasabi ni Louis sa isip niya.
Agad naman niyang kinuha ang phone niya at pinicturan ang dalawa at pagkatapos ay sinend sa mga EXO Members.
Caption:
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...