CHAPTER 42

174 8 1
                                    

Nalaman na nila Azalea, Louis, Kenneth, Henry at Minha ang kanilang mga grado, natuwa naman ang magbabarkada dahil nakapasa sila sa lahat ng subjects.

Naisipan naman nila na magcelebrate, kaya lumabas silang lahat at dumiretso ng mall.

"Yes pasado tayo! I knew it!" Sabi ni Louis, kita sa mukha nito ang saya.

"Oo nga dude, obvious na obvious sa mukha mo eh, kalma tayo paminsan ah?" Sagot naman ni Azalea, at natawa naman silang lahat, napairap nalang si Louis.

Dumiretso naman sila sa isang restaurant para na din makakain, may napansin naman si Louis na pamilyar na babae. Lumapit naman ng bahagya si Louis.

"Uy, Louis saan ka pupunta, dun yung lugar natin oh." Hinawakan naman ni Henry ang balikat nito.

"Wait lang.." Nilapitan niya pa ito at nung nakita na niya napangiti naman ito.

"Kendall? Ikaw ba yan?" Tanong niya sa babae na naka-red dress.

"Louis? Louis!" Napatayo naman yung kendall at naghug ang dalawa, nagulat naman si Henry sa nakita niya.

"Kamusta ka na cous? Kailan ka pa nakauwi? Bakit di ka man lang nagpasabi?" Sunod sunod na tanong ni Louis.

"Ano ka ba, isusurprise ka sana namin ni mama sa graduation day mo, pero ako pa ata yung nasurprise. Sayang naman." Natawa naman ang magpinsan.

"Ganun ba. Okay lang yun. Ay wait papakilala kita sa mga kasama ko." Hinila naman ni Louis si Kendall papunta sa table nila.

"Guys! Dude, si Kendall, remember? Ahh, Minha, Kenneth, Henry, si Kendall nga pala, pinsan ko, sa states to nag-aral pero di ko alam kung kailan lang 'to nakabalik." Pakilala ng dalaga.

"Hi Kendall, nice meeting you, Minha." Inilahad naman ni minha ang kanyang kamay, tinanggap naman iyon ni Kendall.

"Hi Kendall, kamusta ka na?" Bati ni Azalea, at naghug naman ang dalawa.

Matagal nang kilala ni Azalea si Kendall, dahil madalas din silang maglaro nung mga bata pa lang sila.

"Wait cous," itinuro naman nito si Kenneth. "Parang nagkita na tayo, pero di ko matandaan kung saan." Napaisip naman dito si Kendall. Tapos napangiti naman ito. "Ahh! Alam ko na, ikaw yung lalake sa bar diba? Uy salamat ha? Kung hindi dahil sayo, hindi ko makakalimutan yung problema ko." Nginitian naman ito ng dalaga.

Nagtataka pa din si Louis, Azalea, Henry at Minha sa mga pangyayari.

"Ibig sabihin magkakilala na kayo? Atsaka, bakit bar? Anong nangyari?" Tanong ni Louis.

"Alam mo, mamaya ko nalang ikkwento, magorder na muna kayo, dahil alam kong mahaba-mahabang pag-uusap to, pwede sumabay nalang muna ako sainyo? Hindi kasi pumunta yung kaibigan ko, nagka-emergency daw."

"Ganun ba? Osige, mabuti pa nga sumabay ka na saamin." Pagsang-ayon ni Louis.

Si Kendall ang pinsan ni Louis, close na talaga sila, mga bata pa lang, hindi nga sila mapaghiwalay, pero nung grumaduate sila ng elementary, napagdesisyunan ng parents ni Kendall na pag-aralin ito sa states dahil may posibilidad na kunin ito bilang model kapag nagdalaga na.

Maganda si Kendall, maputi, matangkad at pwedeng-pwedeng ipanlaban sa mga modelo sa ibang bansa, madami na din itong napuntahan dahil sa pagmomodelo niya, madami na din itong nameet na hollywood stars,

Pero kahit ganun, mabait at masunuring bata pa rin naman si kendall, kaya mahal na mahal siya ng pamilya niya, sandali lang sila sa pilipinas dahil nagpromise kasi ang magpinsan na kapag grumaduate na ang isa sa sakanila ay pupunta ito ng graduation.

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon