Henry's POV
Heto na sasabihin ko na talaga ang totoo kong nararamdaman para kay Azalea, bahala na si batman kung ano ang magiging kalalabasan nito, gusto ko lang malaman niya kung ano ang totoo kong nararamdaman. Nandito na kame ngayon sa kotse at kasama ko din si Kenneth, sabay kaming aamin sa dalawa kung ano ang totoo naming nararamdaman. Nandito na kame ngayon sa bahay nila, para sunduin, nagpareserve kame ng isang simple pero romantic na restaurant para naman mas maexcite kame sa pagtatapat namin sakanila.
"Bro, parang kinakabahan ako. Kung wag nalang kaya. Naalala mo ba yung sinabi ni Louis nung isang araw yung tungkol sa regalo? Feeling ko kasi may boyfriend na yun." Dismayadong pahayag ni Kenneth.
"Ano ka ba, malay mo sa papa niya yun, wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano, nandito na tayo sa tapat ng bahay nila, kaya dapat think positive." Inakbayan ko naman si Kenneth. Nang makakatok kame sa pintuan nila ay agad naman itong nabuksan, nakita naman namin si Louis na nakaready na.
"Oh, andyan na pala kayo. Wait lang ha. Azalea Jeong! Nandito na ang magbff tara na!" Sigaw ni Louis mula sa pintuan.
"Andyan na po!" Sagot naman ni Azalea, kaya napatawa naman kaming tatlo. Nang makababa na si Azalea ay dumiretso na siya sa gawi namin, binati naman niya kame.
"Ano tara na?" Tanong ni Azalea.
"Tara na!" Masayang sabi ni Louis, at hinila naman nito si Kenneth, papunta ng sasakyan.
3rd Person's POV
Naupo si Henry sa drivers seat, katabi nito si Azalea, nasa likod naman ang dalawa na sina Louis at Kenneth. Masaya ang dalawang binata dahil atlast ay masasabi na nila ang kanilang totoong nararamdaman para sa dalawa, pero kasunod naman iyon ng kaba, dahil baka hindi nila ito masuklian ng pagmamahal, pero kailangan na din nila itong gawin para naman maging mabuti na ang kanilang kalooban. Tahimik lang ang apat sa loob ng kotse ng biglang maramdaman ni Louis na nagvibrate ang kanyang phone, kaya kinuha naman niya ito.
From: Tao Good Morning babe, diba ngayon kayo mag-uusap nung Kenneth? Mag-iingat ka ha? Napangiti naman si Louis sa text ni Tao, kaya agad naman itong napansin ni Kenneth, hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng panghihina, baka nga tama ang hinala niya na may boyfriend na ito, pero kung meron man, magsasabi naman ito sakanya, napailing nalang tuloy siya sa iniisip niya.
To: Tao Good Morning babe, oo eh. Salamat ha? Mag-iingat ka din! Mwa! Huminto naman ang sasakyan sa isang restaurant, bumaba na ang dalawang binata at agad na pinagbuksan ng pintuan ang dalawang dalaga.
"Naks naman! Gentleman!" Nakangiting sabi ni Louis nang makalabas na ito. Ngumiti lang si Kenneth sakanya. Nang makapasok sila sa restaurant ay binati naman sila ng tagabantay dun, may binulong naman si Henry sa nagbabantay, kaya inalalayan nito si Louis at Kenneth na dumiretso ng second floor. Sila Azalea at Henry naman nasa groundfloor lang, para naman maging handa si Henry sa anong mangyayari.
"Mag-order na tayo." Panimula ni Kenneth nang makaupo na sila ni Louis, magkaharap ang dalawa ngayon.
"Sige." Ngiting sagot ni Louis. Pagkatapos nilang pumili ay hinintay nalang nila itong dumating, tahimik lang ang dalawa habang hinihintay ang kanilang order. Si Kenneth naman, nagdadalawang isip kung sasabihin na ba niya o tuluyan nalang muna niyang itatago. Bumalik lang sa realidad si Kenneth, nang dumating na ang kanilang mga order.
"Kenneth.. kung may sasabihin ka, kumain muna tayo ah? Nagugutom na kasi ako eh." Pahayag ni Louis. Napatawa naman dito si Kenneth. — Tapos nang kumain si Henry at Azalea, tahimik lang ang dalaga habang pinagmamasdan ang paligid, namamangha kasi siya sa mga paintings na nakaukit sa mga wall sa kinakainan nilang restaurant. Nang biglang magsalita si Henry. "Ahh, Azalea.." Tinignan naman nito si Henry.
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...