CHAPTER 5

610 19 5
                                    

Di parin sila maka recover sa kanilang nalaman at hanggang ngayon ay yun parin ang pinaguusapan nila. Halos buing maghapon na yun na lang ang topic nila.

"daebak talaga ang kapitbahay natin ay sikat" sabi ni Louis

"mas nahihiya na tuloy ako sa kanila lalo't na nalaman na natin na sikat pala sila -_-" Azalea

"yun nga lang, bakit pa kasi tayo nakatulog dun? :3" Louis

"malapit na palang mag gabi, I'll go prepare our dinner" sabi ni Louis

Si Azalea naman ay nakaupo parin sa sa sofa.

"I can't believe this. This is totally insane yet amazing. That cute guy next door is a member of EXO" sabi ni Azalea sa isip niya.

Habang nagluluto si Louis ng dinner nila ay bigla naman niyang naalala yung lalakeng nabuhusan niya ng kape.

"kaya naman pala laking gulat niya nung di ko siya nakilala siya pala si Tao ng EXO"

"yung malaking eyebags na yun ay member pala ng EXO pero kahit malaki ang eyebags niya ay gwapo naman siya" sabi sa isip ni Louis habang nakangiti na parang baliw

"hoy, anong ningiti- ngiti mo jan" she got back in her senses nung narinig niya si Azalea magsalita

"wala lang ^.^" Louis

"akyat lang ako dude, tawagin mo ako pag kakain na tayo" Azalea

"araso" Louis

Nang makaakyat na si Azalea ay bigla naman niyang naisip si Tao.

"wahhh, di ko siya dapat iniisip. Focus Azalea lalo pa at opening na next week" bulong ni Louis sa sarili niya.

Nang gabi ding iyon ay naisipan ni Louis na pumunta sa malapit na convenience store para bumili ng pads at baka dadalawin na siya ano mang oras.

Habang pabalik sa kanilang bahay ay may napansin siyang dalawang tao sa labas ng bahay nila Mrs. Moon, di niya lang ito pinansin at tuloy parin sa paglalakad. Pero paglingon niya ulit ay nakita niya isa pala silang akyat bahay gang. Di niya alam ang gagawin kaya nagtago muna siya sa isang puno upang di siya makita. Kinakabahan siya at di malaman ang gagawin. Kailangan may gawin siya at walang padalos dalos ay tumakbo siya papalapit sa dalawang lalake.

"hoyyyyyy, mga magnanakaw" sigaw ni Louis habang tinapon niya ang plastic bag na dala niya. Buti na lang talaga at may binili siyang Coke in can kaya sapol ang isang lalake at natumba.

Agad namang tumakbo papalapit kay Louis yung isang lalake habang may hawak na patalim. Sinubakan niyang tumakbo palayo pero sa kasamaang palad ay natipalo siya at natumba. Naabutan siya ng lalake at tinutukan ng patalim.

"pakialamerang bata ka, muntikan na kaming mapalpak sa plano namin" magnanakaw

"naku naman, bat walang rondang guard ngayon dito. Pag minamalas ka nga naman" sabi sa isip ni Louis

"magdasal ka na dahil huling araw mo na to ngayon" sabi ng magnanakaw habang papalapit kay Louis

"unang araw pa lang sana ng dalaw ko pero parang huling araw ko na dito sa mundo. Ayaw ko pang mamatay, may internship pa kami." sabi sa isip ni Louis habang umaatras palayo kahit nakaupo. Di na siya makatayo dahil na sprain ata ang paa niya.

"hoy, layuan mo siya" sigaw ng isang lalake na may dalang wushu stick

Napatingin si Louis sa direksyon ng lalake at laking gulat niya nung makita niya na si Tao pala yun. Tumakbo si Tao sa papalapit sa direksyon nila Louis.

Wooossshhh

­sipa sa mukha at tiyan

Baaaaammmm

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon