Azalea's POV
Palilinisin nanaman kami ng bahay ng EXO, di naman sa nagrereklamo ako pero andun kasi si Xiumin at awkward na talaga kami sa isa't- isa. Nakakainis naman eh kasi kami na talaga ang official tagalinis ng bahay nila at ayaw din nila sa iba. Yung tungkol naman sa issue ni Xiumin, medyo nasasaktan parin ako. Sige aaminin ko na, ako si Azalea Jeong na may gusto kay Xiumin ng EXO. Baliw man pakinggan pero totoo yun, secret muna na natin to please lang. So eto na, balita ko ay maglalabas na daw ng official statement ang entertainment ng EXO ngayon, nakakahiya mang aminin pero gusto ko sana sabihin nila na hindi totoo yun.
"dude!! Bumaba ka na jan para makapag linis na tayo sa kabilang bahay" sigaw ni Louis habang nasa sala siya,
"anjan na nga ohh!!! Bat ba ang excited mo?" pababa na si Azalea sa hagdan
"excited? Ako? Baka ikaw" pagiwas ni Louis sa tanong ni Azalea
"hmmmmm... kilala kita. Ipapasa ko na sayo ang korona ko bilang denial queen" tukso ni Azalea
"tara na nga!" padabog naman si lumabas si Louis habang si Azalea naman natatawang nakasunod sa kanya.
Nasa tapat sila ng pinto ng bahay ng EXO nang pagbuksan sila ni Sehun.
"annyeong mga noona :D (imagine niyo yung mga ngiti ni Sehun... gwapo niya lang)" bati ni Sehun sa kanila
"annyeonghasseyo" sabay na bati nila Louis sa kanya.
"pasok kayo. Dun lang muna kami sa baba" Sehun
"sige, magsisimula na kami" Azalea
"dito na din kayo kumain ng lunch" singit naman ni D.O mula sa taas ng hagdanan
"sige D.O " Louis
Nagsimula ng maglinis sila Azalea. Habang nasa baba naman si Louis naglilinis ay naisipan naman ni Azalea na simulan ng maglinis sa mga kwarto pero this time naman ay naisipan niyang unahin ang kwarto ni Xiumin. Sa basement naman ay tahimik lang na nakaupo si Xiumin habang busy ang iba sa paglalaro. May biglang naalala si Xiumin kaya napatayo naman siya, napansin naman ito ni Suho. Tatanungin pa sana niya ito pero kumaripas ito ng takbo. Nakasalubong naman ni Xiumin si D.O kaya tinanong niya ito.
"san ka hyung?" D.O
"sa taas, di ko kasi natago ng maayos yung regalo ko dapat sa kanya. Baka makita niya" kinakabahan si Xiumin
"naku hyung, bilisan mo na habang sa kwarto pa siya nila Baek naglilinis" D.O
Umakyat na si Xiumin at dumiretso sa kwarto niya pero laking gulat niya ng makita niya si Azalea sa kwarto niya pero mas ikinagulat ni Xiumin na hawak na ni Azalea yung regalo. Agad naman niya itong kinuha agad sa mga kamay ni Azalea pero in a good way.
"sorry, di ko sinasadyang makita yan sa ilalim ng kama mo" nakayuko si Azalea
"ok lang" tipid na sagot ni Xiumin
"para siguro yan kay Hani. Alam mo ang swerte niya sayo kasi caring at loving ka talaga" nakatingin si Azalea sa mga mata ni Xiumin na parang may gustong ipahiwatig pero umiwas ng tingin ang binata. Di na sumagot si Xiumin dahil hindi niya alam ang sasabihin. Umakyat naman si Chanyeol at dumiretso sa kwarto ni Xiumin.
"hyung, naglabas na ng official statement ang side natin ganun din sa kabliang side. Itinanggi ng bawat sa side yung tungkol sa dating issue" sigaw ni Chanyeol pero late narealize ni Chanyeol na andun din pala si Azalea kaya naman hinila siya ni Xiumin palabas.
"ano ka ba, gusto sana siyang paniwalain pero bigla kang sumingit eh" Xiumin
"mababasa niya parin yun sa internet hyung" Chanyeol at tuluyan ng bumaba pabalik sa basement.
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...