CHAPTER 41

153 7 2
                                    

Nagising si Louis dahil sa taas ng sikat ng araw, kaya agad naman siyang bumangon para ayusin ang kama nito at makapaghanda ng agahan.

Napansin naman niya na wala pa rin si Azalea sa bahay, natawa naman siya sa naisip niya dahil hanggang ngayon nandoon pa din ito sa kabilang bahay, sa kwarto mismo ni Xiumin na natutulog.

Ayos lang naman kung malalate sila ngayon dahil natapos na ang final exams nila at hindi pa naman makikita ngayon ang kanilang mga grado kaya pwede pa silang magrelax, sa susunod na araw pa magsisimula ang kanilang graduation practice.

Habang wala pa si Azalea nagluto nalang muna si Louis ng makakain nila para pagdating nito ay wala na siyang masabi. Baka nga kulangin pa ito sa mga sasabihin ni Azalea sakanya tungkol sa naging experience nito sa pagtulog sa kabilang bahay.

--
Nagising si Azalea dahil sa lambot ng kama niya, nagtataka naman siya kung bakit masyado itong malambot, yung sakanya naman ay katamtaman lang, naaamoy din niya ang pabango ng kwarto parang sa panglalake,

Nang maimulat na niya ang kanyang mata, dun na siya nagulat talaga.

"Ahhhhh!" Napatakip siya sa kumot na kanyang hawak nang makita niya si Xiumin sa harap niya na natutulog pa din.

Natigilan naman ito dahil sa ginawa niya, grabe hindi man lang siya nagising sa lakas ng sigaw ko? Naglilinis naman siguro 'to ng tenga diba? Sabi ni Azalea sa isip niya.

Lalabas na sana ito pero hindi niya matanggal ang tingin niya kay Xiumin na mahimbing pa rin ang tulog, tinignan niya ang mga pilik mata nito na mahahaba, hinawakan naman niya ito, pero hindi pa din nagigising si Xiumin.

Pinagmasdan niya lang ito, hanggang sa hindi niya mapansin na nagising na pala si Xiumin na nakangiting nakatingin sakanya.

"Tapos ka na ba sa pagkilatis sa pilikmata ko?"

Bumalik naman sa realidad si Azalea, at naupo ng maayos.

"H-h-ha? Hindi ah.. ano kasi.. ang ano mo kasi eh, yung pilikmata mo, hindi ko mapigilan, nakakainggit." Napayuko si Azalea sa sinabi niya.

Naupo sa tabi niya si Xiumin, at inakbayan ito, "Ano ka ba, kahit mahahaba 'tong mga pilikmata ko, at maganda, mas maganda ka pa rin sa paningin ko." Pagkatapos ay pinisil nito ang ilong ng dalaga.

"Hmm, bolero. Hala! Pero sorry talaga kung nakatulog ako! Hindi ko naman namalayan eh, atsaka naglilinis kame ni Louis, tapos napagod ako kaya nagpahinga ako sandali, ay teka lang, speaking of Louis, nasaan na ba siya?"

"Kagabi pa siya umuwi, hinatid ni Tao, dahil nga nakatulog ka dito, pero okay lang yun, ano ka ba, girlfriend naman kita, kaya responsibilidad na din kita ngayon, ano maayos ba tulog mo? Ako kasi sumakit yung likod ko eh, kasi dito ako sa baba natulog." Sabay himas sa kanyang likod.

"Naku! Sorry talaga. Saan ba banda?"

"Biro lang, tara na bumaba na tayo, para makakain ka na din, sigurado hinihintay ka na ni Louis."

"Sige, sorry talaga Xiumin."

Hinawakan ni Xiumin ang magkabilang braso ni Azalea, "Okay lang yun, ano ka ba, basta sa susunod, magpapaalam ka na matutulog ka dito, para makapaghanda ako." Sabay tawa ng binata.

"Ewan ko sayo. Tara na nga." Hinila naman nito ni Azalea pababa ng kwarto.

"Oh, gising na pala ang prinsesa!" Bungad ni baekhyun nang makababa ang dalawa.

"Sige, asarin niyo pa ako."

"Totoo naman eh, diba Xiumin. Tara kumain ka muna, nagluto si DO." Ngiting sabi ni baekhyun.

"Pero si Louis..."

"Okay na Azalea, nasabihan ko na siya, atsaka ang sabi niya, kahit dito ka na daw tumira kasama ni Xiumin, para happily ever after!" Si Tao naman ngayon, natawa naman silang lahat.

"Hayaan mo na nga yan sila, tara kumain na muna tayo." Hinila naman ito ni Xiumin papunta sa kitchen counter.

"Kayo? Hindi pa ba kakain?" Tanong ni Azalea kila DO at Kai.

"Tapos na kame, kayo nalang ang hindi kumakain, sige pakabusog kayo dyan ah? Tara na Dyo." Sabi ni Jai, at umalis na din ang dalawa.

Kumuha na din ang dalawa nang makakain nang pumasok sa isip ni Azalea ang tungkol sa pagpapakilala nito sa public, kaya itinanong na din niya ito.

"Ahh, Xiumin. Yung tungkol sa pagpapakilala mo saamin in public, napagusapan niyo na ba yun ng entertainment niyo?"

"Hmm, wala pa naman, busy kasi sa mga schedule namin eh, pero mamaya baka kausapin na namin sila, bakit? Excited ka na ba?"

"Ahh, mas mabuti siguro Xiumin kung wag niyo nalang ituloy ni tao yun, para na din 'to sa ikabubuti nating apat, mas maganda siguro kung ipaalam niyo nalang sa entertainment, pero wag na ikalat in public, natatakot kasi kame ni louis, lalo na ako sa magiging kalalabasan."

Hinawakan ni Xiumin ang kamay ni Azalea. "Napag-usapan niyo na ba ni Louis yan? Okay lang ba sakanya?" Pagkatapos ay nginitian niya ito.

"Oo, okay na sakanya, sasabihin nalang niya kay tao kapag nagkausap na sila."

"Sige, kung yan ang ikakagaan ng loob niyo, ililihim nalang natin, pero kapag kailangan na ilabas, ilalabas na natin ha? Sabihin mo lang kapag handa ka na."

"Thank you Xiumin." Nginitian nito si Xiumin, at ganun na din ang binata.

"Nga pala, kapag graduation niyo na pupunta kame ha?"

"Okay lang naman, pero baka may makakita sainyo, dito nalang kayo maghintay sa bahay niyo, tapos pupuntahan nalang namin kayo, dito nalang kame magcecelebrate para sama-sama pa din tayo. Or pwede din pumunta kayo sa bahay."

"Hmm, sige, pupunta nalang kame sa bahay niyo. Ipagpapatuloy mo ba ang medicine kapag nakagraduate ka na?"

"Siguro, gusto ko kasi talagang maging doctor kame ni Louis."

"Sige, kung saan ka masaya, susuportahan lang kita."

"Ako din naman eh, ikaw ba naman may boyfriend na universal star?" Sabi ni Azalea kaya naman natawa nalang silang dalawa.

Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya na ihatid ni Xiumin si Azalea, pero tumanggi ito dahil aalis ang EXO ngayon dahil nga puno pa din ang schedule nila hanggang ngayon.

"Ingat ka Xiumin."

"Mag-ingat ka din Azalea." Nagyakapan naman ang dalawa pagkatapos ay umalis na din ang dalaga.

Nakangiti pa din si Azalea hanggang sa makarating ito sa kanilang bahay, nang buksan niya ang pinto nadatnan niya si louis na prente ang upo sa kanilang sofa habang nanonood ng T.V.

"Oh, andyan ka na pala, akala ko dun ka na titira." Sabay halakhak ng malakas ni Louis.

"Ikaw talaga, bakit kasi di mo ako ginising, nakakahiya tuloy kay Xiumin."

"Nakakahiya? Pero nakangiti ka pa din hanggang ngayon? Yung totoo? Anong nangyari? Kwento na dali! Atsaka fyi, ginising kita ng ilang beses pero ang himbing talaga ng tulog mo kaya nang maabutan tayo nila Xumin, sabi niya siya na daw bahala. Pasalamat ka nagkamoment kayo eh." Napailing nalang si louis. Agad itong nilapitan ni azalea.

"Hala! Sorry na. Thank you na nga, kung hindi dahil sayo, hindi kame magkakausap ni Xiumin yung tungkol sa pagpapakilala saatin in public."

"Oh, talaga? Tapos anong sabi? Okay na?" Sunod sunod na tanong ni Louis.

"Yes, okay na sakanya, basta kapag handa nalang daw tayo, sabihan lang natin sila."

"Hayy salamat, tatanungin ko pa lang yan kay Tao."

"Papayag na yun sigurado. Atsaka para din naman saatin 'to."

Nginitian naman nila ang isa't-isa at pagkatapos nagkwento na din si Azalea tungkol sa nangyaring sleepover kagabi sa kabilang bahay.

--
Oh edi wow! Haha! Hello! Vote & Comment tayo mga beh. :)

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon