"ipaglalaban ko pa ba siya Dyo?" nasa sala sila Xiumin at D.O at naguusap ng seryoso tungkol kay Azalea.
"bakit naman hindi? Kung mahal mo siyang tunay, ipaglaban mo siya. Magtapat ka na kasi sa kanya" D.O
"pero di naman ganoon kadali yun eh, may boyfriend ang tao eh" napasandal na lang si Xiumin sa sofa dahil sa frustration.
"porket ba palagi silang magkasama at nagbigay ng regalo yung tao eh sila na agad? Alam mo hyung, malakas talaga ang kutob ko na di yun boyfriend ni Azalea"
"paano mo naman nasabi yun?" Xiumin
"basta hyung, malakas talaga ang kutob ko na magkaibigan lang sila. Tiwala lang"
Kenneth's POV
Nakita kong masayang-masaya at masigla si Louis. Patalon-talon pa ito na parang bata. Siguro may nangyaring maganda dito kaya di mapigilang ngumiti. Di ko ba alam pero pag nakikita kong masaya si Louis, masaya din ako. Feeling ko nga gusto ko na siya ulit. Parang unti-unting bumabalik ang feelings kaya naman parang di tama to. I'll let it pass today. Tatanungin ko na lang siya kung ano ang nangyari sa kanya.
"ang saya-saya natin ah" siniko ni Kenneth si Louis habang nagtatype ng results sa computer.
"so gusto mong malungkot ako?" pang-aasar ni Louis
"ano ba kasi ang nangyari sayo?" curious na tanong ni Kenneth.
"may unexpected kasing nangyari and I can't tell you the details kasi confidential" nagpatuloy sa pagtype si Louis.
"omaygeeee... don't tell me na....." di natapos ni Kenneth ang dapat niyang sasabihan dahil pinagsasapak na siya ni Louis.
"yahhhhhhhhhh!!!! It's not what you're thinking at hindi ako ganoon klase na babae" alam na kasi ni Louis kung anong sasabihin ng mokong na Kenneth na yan. Napahawak na lang si Kenneth sa braso niya dahil sa sakit ng pag-palo ni Louis.
"defensive ka masyado" natatawang tukso ni Kenneth sa kanya
"eh kasi naman ikaw.. alam ko na kasi kung ano ang lalabas sa bibig mo. Wag ka ng magkaila dahil kilala na kita" Louis
"joke lang naman" nag-peace na lang si Kenneth kay Louis kaya napatawa na lang ang dalaga. Di alam ni Kenneth pero parang bumibilis ang tibok ng puso niya sa mga ginagawa ni Louis.
Nasa canteen sila Azalea at Louis kasama sila Kenneth at Henry. Napansin ni Henry na panay ang tingin ni Kenneth at Louis. Napangiti na lang siya dahil mukhang alam niya na kung bakit ganito so Kenneth.
"nako dude.. konting kembot na lang at matatapos na din ang internship natin at goodbye college na tayo" excited na sabi ni Louis
"may board exam pa dude.. wag kang masyadong excited jan" patuloy parin sa pagkain si Azalea sa jjajangmyeon niya.
"board exam lang yan dude, mapapasa din natin yan" confident si Louis
"oo nga naman Aza, kaw pa... matalino ka kaya" singit naman ni Henry.
"hayyy nakooo... nagsalita ang candidate for Suma Cumlaude" tukso ni Azalea. Nakita ni Azalea na may kanin sa gilid ng bibig ni Henry kaya naman kinuha niya ito gamit ang tissue.
"ikaw lang ang Suma Cumlaude na di marunong kumain" pinunasan ni Azalea ang bibig niya. Bigla namang naginit ang pisngi ni Henry at bumilis ang tibok ng puso niya. Buti na lang di ito nakita ni Azalea dahil busy siya sa cellphone niya.
"ommoooooooo!!!! Andwaeeee!!!!" muntik namang matumba si Azalea sa kinauupuan niya.
"bakit ka?" gulat na gulat si Louis dahil bigla na lang sumigaw ang bestfriend niya.
"mauna na kami guys" halata ang urgency sa boses ni Azalea kaya tumango na lang sila Kenneth at tuluyan ng umalis si Azalea habang hinihila si Louis. Nasa garden sila ng hospital at halatang hingal na hingal silang dalawa.
"ano ba kasi ang problema dude?" hawak ni Louis ang dibdib niya habang hinahabol parin ang hininga niya. Hinarap ni Azalea ang cellphone niya kay Louis.
"read it" Azalea
"Tao of EXO is spotted with some girl in a restaurant last night. SM has not yet released an official statement regarding this issue." gulat na gulat si Louis sa nabasa niya kaya napatakip na lang siya sa bibig niya.
"buti na lang talaga dude at likod mo lang ang klaro sa picture" halatang concern na concern si Azalea para sa dude niya.
"ottoke? Ottoke?" Louis habang pabalik-balik na naglalakad. Binasa ni Azalea ang mga comments.
"ommoooo!!! Di na siya nahiya?"
"member ba siya ng isang girl group?"
"nakuuuu!!! Buti na lang talaga at likod niya lang ang nakita kundi ilulunod ko talaga siya sa Han River"
"wag ko lang talaga malaman kung sino yan dahil susugurin ko talaga ang bruhang yan"
"mga pasikat talaga ang EXO na ito. Gagawin ang lahat para lang mapansin." Di na tinuloy ni Azalea ang pagbabasa ng mga comments dahil inis na inis na talaga siya. Para na siyang sasabog. Concern niya ito dahil kaibigan niya ang involved dito at sinisiraan pa ang EXO which is labag sa loob niya. Palibhasa di kasi kilala ng mga taong yan ang EXO personally. Di na napigilan ni Azalea ang sarili niya at nagcomment na din.
"excuse me lang po, pero tao lang din si Tao kaya may karapatan siyang makipagkita sa isang babae. Bigyan naman natin siya ng konting privacy. Isa pa, di natin pwede diktahan ang mga bagay na dapat nilang gawin. Hayaan naman di natin sila gawin kung ano yung gusto nila.. FYI din, di pasikat ang EXO, sadyang may mga tao lang talaga na gusto silang siraan dahil naiingit sila at kung sino man yung nagkakalat ng mga ganitong private picture ng EXO ang siyang papansin. Kaya naman please wag kayong padalos- dalos sa mga comment niyo dahil nasasaktan din sila" halos masira na ang screen ng cellphone ni Azalea dahil sa diin ng pagtype niya dala ng galit.
"what are you doing dude?" nakatingin lang si Louis kay Azalea.
"nagcomment lang ako kasi di na tama ang mga sinasabi nila. Don't worry, anonymous ako nagcomment kaya di nila ako makikilala ng mga bashers na yan" Azalea
"wag ka ng magaalala dude. Everything will be fine. Just leave it to Tao" niyakap ni Azalea si Louis
"hindi naman ako worried sa sarili ko eh.. worried ako kay Tao. Feeling ko kasalanan ko to kasi kung di ako pumayag sa makipagdate sa kanya di sana to mangyayari" Louis
"ano ka ba dude.. selos lang yan sila because you have Tao" Azalea
"thanks dude. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko" Louis
"ang mabuti pa, pagusapan niyo to mamaya" nakangiting sabi ni Azalea. They headed back sa kani-kanilang section. Naabutan naman ni Azalea si Henry na nakacross-arms at halatang hinihintay siya.
"saan kayo galing? Bakit ka nagtatatakbo kanina?" Henry
"ehhhh... kasiiii" Azalea
"bakit nga?" insist ni Henry
"basta... secret lang yun na between lang sa amin ni Louis" nakangiting sabi ni Azalea
"ok" ito lang ang tipid na sagot ni Henry pero deep inside ay kinikilig na talaga ito.
"sasabihin ko na talaga sa kanya. Whatever man ang sagot niya.. tatanggapin ko" sa isip ni Henry
—————————————————————————-
HALA KA!!!! XD buti pa tong si Tao at Louis :3
sorry kung may error pala kasi di ko to binabasa ulit..
vote and commrnt guys :D
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...