Tao's POV
Busy kaming lahat ngayon sa paghahanda sa surprise birthday party namin para kay Azalea. Nasabihan ko na din si Louis tungkol dito at siya na daw ang bahala kay Azalea. Sa ngayon ay naghahanda at nagdedecorate kami sa buong bahay. Si Xiumin hyung naman ay parang paranoid dahil gusto niya na maayos at perfect ang lahat at halata namang gusto niya si Azalea as for me kay Louis lang ako. Oo, aaminin ko gusto ko siya pero sikreto muna yun.
"sehun, ayusin mo ang banner kasi medyo tabingi" utos ni Xiumin
"ok hyung" Sehun
"tong si Xiumin hyung napaka perfectionist talaga, di naman masyadong halata na may gusto siya kay Azalea" tukso ni Chanyeol habang busy sila sa pagluluto
"kung di lang naunahan ni hyung si Azalea. Nakuuu baka niligawan ko na yun" Chen
"tumigil nga kayong dalawa" seryoso ang tono ni D.O
"joke lang!" sabay na sabi ni Chanyeol at Chen at nag peace sign pa
Tapos na silang maghanda at sila Azalea at Louis na lang hinihintay nila.
"ommo! Malapit na daw sila Louis" sigaw na Tao
"come on guys, maghanda na tayo" excited na sabi ni Kai
On their way papunta sa bahay ng EXO ay nakapiring si Azalea and she has no idea kung ano nanaman ang pakulo ni Louis.
"ano nanaman ba to dude? Di pa tapos ang surprise niyo?" naiintriga na talaga si Azalea
"chill ka lang dude, malaman mo din. Andito na pala to" excited na sabi ni Louis
Nag door bell na sila at masayang binuksan naman ni Lay at Suho ang pinto. Tinanggal na ni Louis ang piring ni Azalea.
"SURPRISE!!!!" bati nilang lahat na ikinagulat naman ni Azalea. Napatakip tuloy siya ng bibig dahil na surprise talaga siya.
"nageffort pa kayo" nakangiting sabi ni Azalea
"wala yun Azalea, kahit eto na lang pambawi namin sa paglilinis niyo ng bahay namim" Suho
"tama si Suho hyung kaya enjoy ka lang" D.O
"teka lang, paano niyo pa pala nalaman na birthday ko ngayon?" halatang nagtataka talaga si Azalea kasi wala naman siyang naalala na sinabi niya sa mga eto ang tungkol sa birthday niya.
"nasabi kasi sa akin ni Louis kaya naisipan namin na surpresahin ka" napa "ayiiieeee naman ang mga members kaya napayuko si Louis at napakamot na lang si Tao. Siniko naman ni Azalea si Louis.
"parang may something fishy dito" tukso ni Azalea
"pwede ba dude, ikaw ang bida ngayon kasi birthday mo kaya wag mong ipasa sa akin ang korona" Louis
Nagkainan na sila at nagkwentuhan. Napuno ang buong bahay ng ingay at si Xiumin at Azalea ay naguusap na ng maayos at medyo di na sila awkward.
"masarap ba ang pagkain? Hinanda yan nila D.O" nakangiti si Xiumin kay Azalea
"wow, akala ko galing resto to pero sila pala ang nagluto. Ang sarap talaga. Promise" nilalamon ni Azalea ang paborito niyang rice cake at kimchi rice.
"kain ka lang, wag kang mahiya" Xiumin
"wala talaga akong hiya pagdating sa pagkain" nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Azalea
"kamusta internship niyo?" Xiumin
"ayos lang naman. ang bilis lang ng panahon eh kasi malapit na kami mag 3 months sa internship" nakangiting sabi ni Azalea
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...