"salamat pala sa pagkain pero kailangan na namin umuwi" Louis
"ok, ingat kayo" Suho
"salamat din pala kasi pumayag kayo na dito kumain :D" Chanyeol
Umuwi na kina Azalea at habang naglalakad sila papunta sa bahay nila ay nakatitig si Tao ng maigi kay Louis.
"matutunaw siya Tao" tukso ni Lay sa kanya
"sino? Anong matutunaw?" pagdedepnsa ni Tao
"denial ka pa, halatang gusto mo naman si Louis" Kai
"hi-hindi kaya" nauutal na sabi ni Tao
"ok lang yan Tao. Your secret is safe with me" Chanyeol na habang nakangiti ng nakakaloko
Nanahimik lang si Tao at tumakbo paakyat ng kwarto niya dahil sa kahihiyan. Totoo naman kasi talaga ang sinabi ng mga hyung niya.
"may gusto ka talaga sa kanya" natatawang sabi ni Suho
Third Person's POV
Sunday ngayon kaya naisipan ng magbestfriend na pumunta ng mall para makapagbonding at makapamili na din ng kanilang mga kailangan sa school at syempre pagkain para sa bahay.
"Azalea, naready mo na ba yung listahan para sa mga bibilhin natin ngayon?" Tanong ni Louis habang nilolock ng maigi ang pintuan ng kanilang bahay.
"Yes maam! Ready na lahat! Pero saka na tayo mamili, magdate muna tayo ah?" Sabi ni Azalea sabay tawa, tumango nalang din si Louis at tumawa na din.
Habang naglalakad ang dalawa napapansin naman ni Louis si Azalea na panay ang tingin sa kanilang kapitbahay na ang EXO. Kaya tumigil siya sa paglalakad, nagtaka naman si Azalea kung bakit siya tumigil.
"Uy, ano bakit ka tumigil sa paglalakad?" Pagtatakang tanong ni Azalea."Eh, ikaw bakit kanina ka pa pasilip-silip sa kapitbahay natin. Ikaw ha! Nahuhulog ka na ata sa EXO! Yieee! Aminin!" Sabay sundot sa tagiliran ni Azalea at tumawa naman silang dalawa.
"Sira! Hindi ah, sinisilip ko lang sila dahil.."
"Dahil..." sabi ni Louis.
"Dahil.. wala! Tara na nga! Madami pa tayong gagawin ngayong araw!" Sabay hila ni Azalea kay louis papuntang sakayan ng taxi.
"Manong, sa SM tayo." Sabi ni Azalea, sabay tingin sa bintana si Louis naman nakangiti lang sakanya. "Naku, ang bestfriend ko naiinlab na ata. Saka na yan, magiging medtech pa tayo. Pero okay lang naman magkacrush. Pero ang taas nila eh. Cannot be reached! Sigurado magkakaroon ka ng bashers." Sabay tawa ng malakas ni louis.
"Ewan ko sayo. Nababaliw ka na ata. Isumbong kita kay Tao eh. Ikaw ah?" Sabi naman ni Azalea sabay smirk.
"At paano naman napasok dito si Tao. Ikaw talaga change topic. Ay andito na pala tayo. Heto bayad manong. Salamat po! Tara dude, baba na tayo.
"Nginitian naman nila si manong at ganun na din siya. Bago sila namili kumain muna sila dahil nagutom sila sa pagiimagine sa EXO. Pagkatapos nilang kumain nagsimula na silang mag-ikot-ikot sa mall.
Chanyeol's POV (EXO's House)
Ano ba yan ang boring naman dito sa bahay, wala kasi sila Azalea at Louis, napansin ko kasi na lumabas sila kanina habang pinagmamasdan ko ang paligid, saan kaya sila pupunta? Hindi man lang kame sinama? Tsk. Dumiretso ako ng living room at nadatnan ko silang lahat dun na nanonood lang ng ibang mga performances namin at syempre ng ibang grupo, galing kasi ako sa kwarto, naggguitara. "Guys! Punta tayong SM! Nabobored ako dito sa bahay." Sabi ko nang makaupo at kinuha yung unan sa may lap ni Baekhyun. "Baka may makakita tha atin." Sabi ni Sehun habang iniinom yung bubble tea niya, nagpaorder kasi kame kanina. "Oo nga, pero okay lang din naman na magcover tayo, di naman nila yun mapapansin, atsaka gusto kong bumili ng pagkain natin, gusto kong magluto." Sabi naman ni chen, nag-agree naman kaming lahat. Pagkatapos namin magready, sumakay na kame ng van namin, lahat kame nakamask at shades, hirap talaga maging artista! Ang daming panakip sa mukha! Mabuti nalang gwapo pa din ako! Yung driver namin ang nagdrive, nasa front seat naman si Tao. Ako si Baekhyun, D.O naman nasa likod at ang sa pinakadulo ay si Xiumin, Chen at Suho. Mga matatanda kasi kaya dapat sa likod sila. Haha! Nang makarating kame naglakad na kame palabas ng van, at dumiretso na kame ng grocery, namili na kame ng mga gusto namin, habang namimili kame. Napansin ko naman ang dalawang pamilyar na babae. Teka si Louis at Azalea yun ah? Nilapitan ko naman sila at sinabihan sila na nakita ang dalawang kapitbahay namin. Napatingala naman si Xiumin. "Nasaan?" Sabi niya. Tinuro ko naman ang dalawa na busy sa pamimili sa may mga curls. "Tara, puntahan natin sila." Pag-aaya ni D.O kaya pinuntahan naman namin sila. "Hello sainyo." Sabi ko nang makalapit ako kila Azalea. Nagulat naman ang dalawa sa nakita nila, para silang nakakita ng multo. "A-anong ginagawa niyo dito?" Nauutal na sabi ni Louis. Etong si Louis, ang cute niya. Kung di lang talaga to crush ni tao, aagawin ko to. Djk lang. Sumulpot naman bigla si tao. Eto na ang sinasabi ko eh. Di lang sa wushu magaling tong si Tao, magaling din magdamoves.
"Hi Louis, hi Azalea, nabored daw kasi sila sa bahay, kaya naisipan nila na pumunta dito.
Kayo, anong ginagawa niyo dito?" Nginitian naman niya si Louis na parang wala nang bukas. Aba matindi! Haha! "A-ahh, ganun ba, nagikot-ikot lang pagkatapos namili na din ng makakain para sa bahay. Naku! Baka may makakita sainyo." Sabi ni Louis.
"O-o nga, atsaka bakit hindi nalang yung mga assistant niyo yung pinamili niyo, baka mamaya pagkaguluhan pa kayo dito." Sabi naman ni Azalea.
"Okay lang yun, madami naman nakasunod saamin sa paligid." Sabay sulpot naman ni Xiumin. Isa pa to eh.
Third Person's POV
Pagkatapos nilang mamili lahat, naisipan naman ng EXO na sumabay na ang dalawa sa kanila pero tumanggi ang dalawa dahil baka gabihin sila ngayon dahil may pupuntahan pa sila, pero ang totoo, ayaw lang talaga nilang sumama dahil hanggang ngayon nahihiya pa din sila sa EXO, lalo na si Louis kay Tao at si Azalea naman kay Xiumin.
Nagpaalam na ang EXO sakanila, dahil sumasakit na daw ang paa ni Sehun, atsaka gusto na niyang uminom ng bubble tea, kaya wala na din silang nagawa, nginitian naman nila ang isa't-isa, at pagkatapos nun umalis na ang van ng EXO.
Habang tinitignan nila Louis at Azalea ang van ng EXO na paalis, ay naririnig naman nila ang ilan na babae na napatigil sa paglalakad dahil may binubulong.
"OMG! Diba van yung EXO? Anong ginagawa nila dito?
"Oo nga! Baka may binili lang sila, kaya sila nandito, sayang naman di natin sila naabutan."
Narinig naman iyon ng dalawa at napatingin sila sa isa't-isa.
"Mabuti nalang di tayo napansin nung mga babae naku kung hindi baka kinulit na tayo. Tara na. Umuwi na tayo." Pag-aalok naman ni louis at tumango nalang si azalea at nagpara na sila ng taxi.
Nang makarating sila sa kanilang bahay, ay may napansin naman silang box na nakalagay malapit sa may pintuan nila. Kinuha naman nila ito at nagtaka kung kanino galing.
"Kanino naman kaya ito galing." Sabi ni Azalea at nakita naman niya na may note yun dun.
Hello Azalea and Louis,
Pinagluto namin kayo ng dinner baka kasi napagod kayo sa araw niyo ngayon. Sana magustuhan niyo.
-EXO
Napatingin naman ang dalawa sa bahay ng EXO at nagulat sila na nakatingin pala silang lahat sakanilang dalawa. Nagwave naman ng hands ang EXO, at ganun na din ang dalawa na nagulat pa rin sa nakita nila. Bumilis naman ang tibok ng puso ni Azalea nang tignan siya ni Xiumin.
----------------------------------------------------
Annyeong! Lia Lorenzo this! Co-author ni Ms. Aizee Nebab! VOTE & Share your thoughts sa mga nagbabasa kung meron man. Thank you!
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...