CHAPTER 12

330 20 0
                                    

Third Person's POV

Hindi pa din makamove-on ang dalawa sa nangyari kanina, lalo na si azalea dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pagkatapos nilang kumain, inayos at hinugasan na nila ito para makapagpahinga sila.

Tao's POV (EXO's house)

Nakausap ko siya kanina. Hindi ko pa rin makalimutan ang mukha niya. Mabuti nalang naisipan ni Chanyeol na pumunta ng mall.

Xiumin's POV

Bakit ba ang lakas ng tama ko kay Azalea? Sa tuwing nagkikita kame biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ang corny ko na, pero yun talaga ang totoo. Hay!

Kinabukasan...

Third Person's POV

Maagang nagising ang dalawang magbestfriend dahil naisipan nila na magjogging para daw hindi sila mastress dahil nga simula na ng kanilang internship, kaya kailangan nilang maging healthy. Medyo madilim pa sa labas kaya, nagjogging ang dalawa.

Habang nagjo-jog sila naramdaman naman nila parang may sumusunod sa kanilang dalawa, pero pinabayaan lang nila iyon, baka nagjojogging din sila, kaya ganun. Pero si Azalea hindi mapakali, kaya napatigil siya. Ganun din naman si Louis. Naramdaman naman nila na tumigil din yung nasa likod nila. Sinenyasan ni Azalea si Louis na lilingon sila, pagkatapos magbilang hanggang tatlo.

1

2

3

"Ahhh!" Sabay sigaw ng dalawa, pero agad naman iyon tumigil dahil sa nakita nila.

"Henry? Kenneth? Anong ginagawa niyo dito?" Pagtatakang tanong ni Azalea.

Si Louis naman nagulat pa rin sa pangyayari kaya hinahabol niya ang paghinga niya, nilapitan naman siya ni Kenneth para hagurin ang likod.

"Okay na. Salamat Kenneth. Ano ba kasing ginagawa niyo dito? Akala namin katapusan na namin." Sabi ni Louis, ngumiti naman si kenneth.

"Wala lang, naisipan kasi namin na magjogging dito, dahil maganda ang lugar, etong si kenneth, napansin niya kayo, kaya namin kayo sinundan, sorry kung natakot namin kayo." Sabay peace sign ni Henry sa dalawa. Pagkatapos nun nagsimula na silang magjogging hanggang sa sumikat ang araw, at sakto naman na pagkabalik nila ng bahay ay tumabay muna sila sa labas para makapagpahinga.

"Sandali lang kukuha lang ako ng maiinom at makakain natin." Sabi ni Louis, sinamahan naman siya ni Kenneth. Naiwan sa labas si Henry at Azalea.

Henry's POV

Kaming dalawa lang ngayon ni Azalea, nakatingin lang siya sa paligid, habang ako pinagmamasdan siya, ang ganda niya talaga at ang simple lang niya. Napapansin ko naman na napapatingin siya sa kabilang bahay. Kaya nagtanong na din ako.

"Sino ba ang tinitignan mo dyan Azalea? Bakit titig na titig ka dyan?" Bumalik naman sa katinuan si Azalea at nilingon ako.

"Ha? A-ano, wala. Ang ganda kasi ng bahay nila. Pero teka nga, bakit ang tahimik mo? Magkwento ka naman." Sabi ni Azalea tapos nginitian niya ako.

Nagusap naman kame ng kung anu-ano at syempre nagkwento din ako tungkol sa school, ganun din naman siya hanggang sa natahimik ulit kaming dalawa. "Ahh, Azalea, may sasabihin sana ako sayo." Tinignan naman ako ni Azalea.

"A-ano kasi ahm.. pwede ba.."

"Andito na ang pagkain natin! Sorry kung matagal si Kenneth kasi, bagal kumilos! Haha!" Sabi naman ni Louis, ano ba yan di ko natuloy yung sasabihin ko. Sa susunod nalang.

Habang kumakain kame ay bigla naman akong tinanong ni Azalea.

"Ano ba yung sasabihin mo Henry?" Naku! Curious na si Azalea.

"Anong sasabihin? Henry ah? Naglilihim ka na sa bestfriends mo." Sabi naman ni Louis na kunwari ay nagtatampo. Patawa talaga to si Louis. Di ko nga alam eh, kung bakit di to niligawan ni Kenneth ni Kenneth. Eh bagay naman sila.

"Ahh, gusto ko sanang sabihin na nagugutom na ako. Kaya ayun. Sakto dumating sila Louis." Palusot ko. Naku sana, effective.

"Ang corny mo talaga!" Natawa naman silang tatlo, ganun na din ako.

Chanyeol's POV (EXO's House)

Sino naman kaya ang dalawang lalakeng yun? Bakit parang close sila? Mga boyfriend ba nila yun? Bakit ngayon ko lang sila nakita?

"Guys! Dali! May ipapakita ako sainyo." Lumapit naman silang lahat maliban kay Chen dahil nasa kusina siya nagluluto.

"Ano ba yun?" Sinilip naman ito ni xiumin at parang nagulat siya sa nakita niya.

Xiumin's POV

Sino naman kaya iyon? Boyfriend ba yun ni Azalea at Louis? Lumapit din si Tao, at parang nadismaya siya sa nakita niya, umalis naman siya at dumiretso sa kusina para tulungan si Chen.

-------------

#Jealous

Annyeong Lia Lorenzo ulit :D vote and comment guys :3

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon