Xiumin's POV
Ngayon lang ako nasaktan ng ganito sa babae. Wooohhhhhhhh, corny na ako simula nung nagkagusto ako kay Azalea. Narinig ko ang paguusap nila Dyo nung nakaraang araw at sa kanya na mismo nangaling na hindi niya ako gusto.. tagos hanggang buto. Di ko alam kung kailangan ko pang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako ng sobra ngayon kasi kahit anong gawin ko para kalimutan siya ay di ko magawa. Nakita niya pala yung bracelet na dapat regalo ko sa kanya pero siyempre di ko sinabi na para sa kanya yun, pahamak kasi talaga to si Chanyeol. Mas mabuti kung kakausapin ko na lang muna si D.O dahil siya talaga ang kinakausap ko pag tungkol na kay Azalea. Buti pa to si Tao, pa date-date na lang kay Louis. Sabi ko na ba, gusto din ni Louis si Tao at nagkakamabutihan na sila. Buti pa talaga sila.
Nasa kwarto si Tao at nagaayos para sa date daw nila ni Louis. Masayang- masaya talaga siya dahil pumayag si Louis. Siyempre, sa isang exclusive na restaurant sila na kung saan konti lang ang mga tao at wala masyadong nakakakilala sa kanya dahil panigurado lang, pag may nakakita sa kanila tiyak na magiging issue ito.
"manager hyung, ok na ba yung private room sa resto at pakitiyak na walang media ang makakapasok" kausap ni Tao ang manager nila sa cellphone niya
"ok na lahat Tao. It's all set." Pagaasure ni Manager hyung
"sige manager hyung... salamat talaga" bakas ang kasiyahan sa mukha ni Tao. Tumingin siya sa oarasan at ilang minute na lang ay darating na si Louis. Naghintay si Tao sa labas ng bahay nila Azalea habang hawak ang bouquet of roses. Lumabas na si Louis, simple lang damit niya. Naka black and white cocktail dress siya at hindi masyadong bonnga ang make-up. Napanga-nga naman si Tao sa nakita niya.
"papasok ang langaw" tukso ni Louis sa kanya kaya naman nabalik siya sa katinuan niya.
"flowers for you pala" inabot ni Tao yung roses at halatang kinakabahan siya dahil nanginginig ang kamay niya.
"wag ka ngang kabahan jan.. Si Louis lang to" ngumiti naman si Louis kay Tao kaya naman medyo nawala na ang kaba niya. Sumakay na sila sa van papunta sa resto at pagdating dun ay inescort sila ng isang waiter papunta sa private room na pinareserved ni Tao.
"ang elegante naman dito" nilibot ni Louis ang paningin niya sa buong kwarto.
"sinadya ko dito para walang makakita sa atin" Tao
"oo nga pala. Ikaw lang naman pala si Tao ng EXO" tukso ni Louis sa kanya
"tigilan mo nga ako sa kakatukso mo" nagpout si Tao
"ang gwapo niya talaga. Bumibilis tuloy tibok ng puso ko pag ginagawa yun" sabi ni Louis sa isip niya.
"ayos ka lang?" nagsnap si Tao sa mukha niya kaya bumalik siya sa katinuan niya.
Kumain na sila at nagkwentuhan. Halatang komportable silang kasama ang isa't-isa at tila sanay na sila sa presence ng bawat isa. Natahimik sila nung maubusan sila ng paguusapan kaya naman kinuha na ni Tao ang chance para kausapin si Louis sa totoong pakay niya.
"you know why did I asked you out?" Tao
"bakit nga ba?" Louis
"sasabihin ko na talaga" sa isip ni Tao
"huyyy! Bakit nga?" curious na tanong ni Louis
"be-be-because...." Parang bigla namang natuyo ang lalamunan niya kaya uminom muna siya ng tubig bago pinagpatuloy ang sasabihin kay Louis
"ever since that night na tinulungan kita mula sa mga magnanakaw, di na kita makalimutan" nahihiyang sabi ni Tao. Namula naman si Louis sa mga pinagsasbi ni Tao kaya napayuko siya para itaho ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...