CHAPTER 43

182 9 2
                                    

Last practice na nila Azalea para sa kanilang nalalapit na graduation, at pagkatapos ay sinabihan nalang sila ng kanilang professor ng mga final instructions para sa graduation.

"Okay, see you in two days, and congratulations at gagraduate na talaga kayo, I hope you will do good in your board exam. Sige na, class dismissed!" Nakangiting paalam ng kanilang professor.

Habang nag-aayos ng gamit si Azalea ay nilapitan naman siya ni Louis.

"Dude, tutal malapit naman na ang graduation, siguro dapat na din malaman nila Kenneth at Henry yung tungkol kila Xiumin at tao, alam mo na para makilala na din nila ang isa't-isa." Nginitian naman nito si Azalea.

"Hmm, okay lang naman saakin, pero paano ang EXO? Baka hindi ayos sakanila?"

"Kaya nga kakausapin natin sila ngayon, para malaman natin kung okay lang ba sakanila. Ano tara na?"

"Okay, tara paalam muna tayo kila Kenneth, Henry at Minha na mauuna na tayo."

"Sige."

Nang makapagpaalam na ang dalawa na mauuna na sila ay agad na din silang lumabas ng campus, bago sila umuwi, dumaan muna sila sa isang shop para bumili ng rice cake, para sa EXO.

Habang naglalakad ang dalawa sa subdivision nila, nakita naman sila ni Yeonhee.

"Unnie!" Sigaw ni Yeonhee, at tumakbo naman ito papunta sa dalawa.

"Yeonhee!" Napaupo naman si Azalea at niyakap ang bata.

"Hello po sainyo! Ate, galing kayong school? Atsaka sino po siya?" Tanong ni Yeonhee sabay turo kay Louis.

Naupo din si Louis, at nginitian ang bata.

"Hi, ako nga pala ang ate Louis mo, bestfriend ako ng ate Azalea mo."

"Ahh, hello po ate." Nginitian naman nito si Louis.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa labas? Malamig ah, nagpaalam ka ba sa mama mo?" Tanong ni Azalea.

"Opo, nagpaalam ako atsaka naglaro lang po ako sa may playground, alam niyo po may bago po akong kakilala, Chan ang pangalan niya, bagong lipat sila dito."

"Ganun ba? Mabuti naman kung ganun para may kaibigan ka dito, ipakilala mo kame sakanya sa susunod ah?"

"Sige po, kapag nagkita kame ulit, tinawag na kasi siya ng nagbabantay sakanya eh."

"Ahh, ate, kamusta na po kayo ni kuya baozi?" Nakangiting tanong ni yeonhee. Nagulat naman dito si Louis. Binulungan naman niya si Azalea.

"Sinong baozi?" Pagtataka ni Louis.

"Hindi niyo po kilala si kuya baozi? Si kuya Xiumin po ate Louis. Bagay sila ate diba?"

"Ahh!" Natawa naman dito si Louis. "Siya pala, oo bagay na bagay."

"Dude talaga, okay lang naman kame yeonhee, may sasabihin pala ako sayo." Nilapitan nito si yeonhee at may binulong.

"Kami na ng kuya baozi mo." Nginitian naman nito ang bata, nagulat naman ito at nanlaki ang mata.

"Talaga po? Wow! Congratulations! Bagay na bagay talaga kayo ate. Sana sa susunod makita ko siya ulit yung magkasama na po kayo. Ihello mo po ako kay kuya baozi."

"Ikaw talagang bata ka, sige makakarating yan, mauuna na pala kame Yeonhee, kasi may gagawin pa kame eh, basta ipakilala mo kame kay Chan na sinasabi mo ah?" Nginitian naman nito ni Azalea.

"Sige po, mag-iingat kayo ate!"

Nang makapagpaalam na sila ay naglakad na din ito nang biglang magsalita si Louis.

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon