CHAPTER 27

186 11 2
                                    

Xiumin's POV (SM training room)

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!! Parang sasabog na ako pag hindi pa ako magtatapat kay Azalea pero pag anjan na siya sa harap ko.. di ko na masabi ang dapat kong sabihin. Nakakainggit nga si Tao kasi nagawa niya ng magtapat kay Louis and in the end, mutual pala silang dalawa at pinaglaban niya pa talaga si Louis. Buti pa siya kasi umuusbong ang buhay pag-ibig niya, samantalang ako... heto nga-nga lang... hindi ko nga alam kung gusto ba din ako ni Azalea. Ayaw ko naman maging assuming kasi mas masasaktan lang ako. Mabuti pa, ikain ko na lang ito ng baozi :3

"kumakain ka nanaman ng baozi" tinabihan ni D.O si Xiumin na nakaupo sa sahig dahil nagpapahinga muna sila galing practice.

"alam mo naman siguro kung bakit ako kumakain" Xiumin

"hyung naman kasi... sabihin mo na sa kanya. Wala ka kasi lakas ng loob" D.O

"try mo kaya sa position ko para malaman mo kung gaano kahirap tong nararamdaman ko" Xiumin

"kung ako sa position mo hyung, iipunin ko ang lahat ng lakas ng loob ko para masabi ko kay Azalea na gusto ko siya at mahal ko siya" bara ni D.O sa kanya

"hindi naman kasi ganoon kadali yun" Xiumin

"sabihin mo na para magkaalaman na kayo ni Azalea" tumayo na si D.O at ganun din Xiumin kasi magsisimula na ang rehearsals nila.

D.O's POV

Tama nga si hyung, di ganoon kadali magtapat ng nararamdaman sa isang babae lalo pa't kung mahal mo na siya. Naawa nga ako sa kanila kasi di nila alam na mutual pala sila. Parang mga tanga tuloy sila dahil puro mali ang inaakala nila. Feeling ko nga both of them are just finding the right timing para masabi nila ang mga nararamdaman nila. Kaya naman nakaisip ako ng bright idea at tinipon ang lahat ng member dito sa basement maliban kay hyung na busy sa pagkakabisado sa mga linya para sa isang variety show sa kwarto niya.

"anong agenda Dyo?" Baekhyun

"may napapansin ba kayo kay Xiumin hyung?" D.O

"napansin ko minsan na parang malalim ang iniisip niya" Suho

"alam naman natin siguro kung sino ang gusto ni hyung"  D.O

"si Azalea noona" sigaw ni Sehun kaya naman tinakpan ni Kai ang bibig niya

"ssshhhhhh.. tahimik ka nga Sese kasi baka marinig tayo ni Umin hyung" Kai

"ok balik sa topic natin" D.O

"alam naman natin lahat kung sino ang gusto ni Xiumin hyung, kahit di siya magsabi pero halata naman sa mga titig niya at sa mga ngiti niya sa tuwing andito si Azalea" Lay

"naisip ko na, papaselosin natin si hyung para umamin na siya kay Azalea at para magkaroon ng hint si Azalea na gusto siya ni hyung" D.O

"sino ang gagamitin natin?" Tao

Nagtinginan ang lahat kay Kai kaya nagulat naman siya.

"ano?" Kai

"good choice. Smirk palang niya tiyak kikiligin na ang mga babae" Chen

"bakit ako?" reklamo ni Kai

"ikaw naman kasi ang magaling sa art of seduction" Sehun

"pero paano pag magalit si hyung?" Kai

"maiinis siguro siya pero not to the point na magsusuntukan kayo" pagaassure ni D.O

"I hope sana tama tong idea mo Dyo dahil tatamaan ka talaga sa akin" Kai

"subukan mo lang at hindi ka kakain" banta ni D.O sa kanya

"gagawin mo lang naman yun pag andito sila" D.O

"buti pa at palinisin natin sila sa sabado para maisagawa ang plano natin" Baekhyun

"good idea baek" Chanyeol

"patay na talaga ako nito" Kai

3rd Person's POV

Busy si Azalea sa pagtest ng mga fecal at urine samples dahil marami silang mg patients na at risk sa dengue kaya maingat siya kanyang ginagawa at encoding na lang matatapos na din si Azalea. Konting kembot na lang at lunch break na nila. This past few days, palagi niyang naalala ang sinabi ni Xiumin sa kanya. Hanggang ngayon ay di niya parin alam kung ano ang gustong iparating sa kanya. Natapos na siya sa ginagawa niya at sabay na sila ni Henry tumungo sa canteen kung saan naghihintay si Louis at Kenneth. Tong si Kenneth naman ay panay ang tingin kay Louis pero buti na lang at hindi ito masyadong pinapansin ni Louis.

"tagal niyo naman" Louis

"tinapos ko lang kasi yung pag-encode ng mga results ng tests" Azalea

"kain na tayo. Gutom na talaga ako kasi di ako nag breakfast kanina" Henry

"alam mo naman siguro na masama ang hindi mag breakfast. Wag mo ng gagawin yan sa sunod Hen kasi masama yan at tatamaan ka talaga sa akin" medyo galit si Azalea pero andun parin ang concern at care.

"yes ma'am" nagsalute pa daw si Henry kay Azalea

"daig mo pa si tita kung magalit" tukso ni Kenneth

"tigilan niyo nga ako, marami akong iniisip ngayon" Azalea

"hay nako. Undergoing menopausal na kasi to siya" tukso ni Louis sa kanya na halatang nagpipigil ng tawa

"sige.. ako talaga ang gawin niyong topic. Makakabawi din ako sa inyo" Azalea

Habang busy sa pagkain si Azalea ay may bigla namang nagtext sa kanya kaya tinignan niya kung sino ito.

From: EXO D.O

Annyeong Azalea :D magpapalinis sana kami ngayong darating na sabado kung okay lang naman sa inyo.

Araso :D

"sino yan?" usisa ni Louis

"nagtext si D.O na magpapalinis daw sila ng bahay ngayong sabado" bulong ni Azalea kay Louis. Wala kasing alam sila Kenneth at Henry tungkol sa part-time job nila as tagalinis ng bahay ng EXO.

"sige ba" bulong naman ni Louis

"anong binubulong niyo jan?" napansin kasi ni Kenneth na panay ang pagbubulungan ng dalawa kaya tinitigan niya ang dalawa while si Henry naman is giving them glare.

"secret.. girl talk thing kasi to :P" Louis while sticking out her tongue kay Kenneth at Henry.

"girk talk kasi to" ginaya naman ni Henry si Louis

"I hate both of you" Louis while naka-pout

"she's so adorable while doing that" sa isip ni Kenneth

Kenneth's POV

Ang cute lang talaga ng mga aegyo ni Louis kaya naman mahirap na hindi mo siya magustuhan. Sa tuwing tinitignan ko siya, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Panay nga ang tingin ko sa kanya pero tanging si Henry lang nakakapansin nito. Matalino nga sana si Louis pero mahina naman siya sa mga ganitong bagay o sadyang mahina lang siya pagdating sa akin. Kailan ko na ba sabihin sa kanya this time ang tunay kong nararamdaman? Nemen eh, nauulit ang lahat ng nangyari sa akin dati pero mas grabe tong ngayon.

"hinay lang sa pagtitig bro, baka matunaw si Louis" tukso ni Henry habang pababa kami sa parking lot.

"hindi ko maintindihan ang sarili ko bro, akala ko ok na.. akala ko naka move on na ako pero biglang bumalik" Kenneth

"dapat bro.. masabi mo na this time ang nararamdaman mo" Henry

"makasabi ka naman parang nagtapat ka na din kay Azalea" bara sa kanya ni Kenneth

"sasabihin ko na kaya.. kaya dapat sabihin mo na din" Henry

"I will try.. pero for now sumakay ka na kung ayaw mong maiwan kita" nakatayo lang kasi si Henry sa labas ng kotse ni Kenneth

"baka bro tayo pala sa isa't-isa" tukso ni Henry 

"magtigil ka nga bro.. kakadiri ka" napatawa na lang silang dalawa dahil kung ano-ano na lang ang iniisip nila.







————————————————————————-

Vote and Comment guys :)

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon