Inaayusan na ang dalawang dalaga habang inihahanda ang kanilang toga para sa okasyon ngayon, gagraduate na ang dalawa sa kanilang kurso, sobrang saya nila dahil nalampasan nila lahat ng pagsubok na napagdaanan nila.
Nasa bahay ang parents ni Azalea at Louis, nandun din ang pinsan ni Louis na si Kendall, kasama ang parents nito.
Nang matapos na ang pag-aayos sakanila ay sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan at dumiretso na ng school.
Hindi magkasabay ang magbestfriends, pati ang pinsan ni louis na si Kendall, dahil may dala dala sila na sariling sasakyan, kaya nagconvoy nalang ang tatlo.
"Anak, congratulations. Gagraduate ka na talaga!" Bati ng mama ni Louis.
"Oo nga ma eh, salamat po." Nginitian naman nito ang mama ni Louis.
Nang makarating na sila sa school, ay sabay na naglakad ang magbestfriends, kasama na din si Kendall.
Si Kendall hindi mapakali dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa paligid dahil parang may hinahanap siya, napansin naman nito ng pinsan.
"Cous, okay ka lang? Parang may hinahanap ka?" Pagtataka ni Louis.
"Baka hinahanap si Kenneth dude." Sambit naman ni Azalea.
"Ahh, don't worry cous, magkikita din kayo nun mamaya." Kinindatan naman niya ito.
Nang makarating na sila sa gymnasium ay dumiretso na ang dalawa sa kanilang assigned seats, si Kendall naman kasama ang parents nito naupo sa kabila dahil may nakaassign na upuan para sa parents & relatives.
Nakita ng magbestfriends si Kenneth at Minha na nakaupo na, kaya sinabayan na din nila ito.
"Uy! Kanina pa kayo?" Bungad ni Louis, naupo na din ang dalawa sa tabi ni Minha.
"Hindi naman. Bago lang din. Nakita niyo na ba si Henry?" Kenneth.
"Hindi pa eh, kakarating lang namin. Baka nandyan na yun, may kausap lang." Panigurado ni Azalea.
Natahimik na din ang apat dahil nagsimula na ang ceremony, nagtaka naman sila kung bakit wala pa din si henry, tinatawag na isa-isa ang kanilang pangalan ngunit wala pa rin siya.
Natapos na ang ceremony pero walang Henry ang nagpakita, kaya nagtaka na talaga sila.
Nang matapos na ang ceremony, nagkita-kita na sila kasama ang mga parents nila. Nagpicture-picture naman sila at naging masaya naman si Kendall dahil nakita niya ulit si Kenneth.
"Congratulations kenneth!" Nilapitan niya ito.
"Thank you kendall." Nginitian niya lang ito.
"Siya lang talaga ang babatiin mo cous? Ikaw ha? Nakakahalata ka na." Tukso ni Louis, dahilan para mahiya si Kendall, pero tumawa lang din ito pagkatapos.
"Teka lang, nasaan na si Henry?" Pagiiba ni Kendall.
"Hindi namin alam, ni hindi man lang nagtext or ano, baka kung ano na ang nangyari dun." Pag-aalala ni Azalea.
"Mga iha, hindi nga pala makakaattend ng graduation si Henry dahil nagusap sila ng parents niya na dumiretso na ng canada para simulan ang kanyang pag-aaral, hindi na siya nakapagpaalam sainyo dahil maaga daw ang flight niya, pero uuwi naman daw siya dito kapag nagkaroon siya ng break, kaya wag na kayong magtampo sakanya." Paliwanag ng mama ni Azalea.
"Ganun, sayang naman. Hindi natin siya makakasama sa celebration mamaya." Malungkot na sabi ni Azalea.
Ngunit kahit ganun pa man ay dapat na din silang maging masaya dahil atlast ay natapos na din sila.
BINABASA MO ANG
EXO NEXT DOOR
FanfictionInspired by EXO NEXT DOOR. kaya may mga scenes na same sa original. Pagbigyan niyo na ako ^.^ Co-author ko pala si @imlialorenzo ditey <3 ...