CHAPTER 37

171 11 0
                                    

Louis POV

Everything had turned out well. Approve na si Tao sa kanila mommy at daddy at pati na din ka Raymond. Masaya ako kasi nakilala na nila officially si Tao, ipinangako ko pa naman ito sa mga magulang ni Tao na ipapakilala ko siya kapag umuwi sila mommy dito at natupad na yun. No worries na kami ni Tao kasi both our families is approve na sa relationship namin. Masaya din ako para kay Azalea at Xiumin dahil okay na sila at ang matamis na Oo na lang ni Azalea ang kulang dahil okay na okay si Xiumin sa parents ni Azalea. Speaking of Azalea.. bakit di ko pa siya nakikita mabuti pa at tignan ko siya kusina. Napadaan naman ako ref at may nakitang sticky note.

"good morning sa most beautiful na bestfriend ko. I'm just out for a stroll"

"morning routine niya na talaga tong umalis tuwing umaga" nag coffee na lang muna si Louis bago magluto ng breakfast nila, habang iniinom ang brewed coffee niya ay nakatanggap naman siya ng text mula kay Tao.

Goodmorning babe <3 busy kami this whole day kasi may performance kami sa music bank - Tao

Goodmorning din babe <3 okay lang yan babe, ganyan naman kasi ang work niyo basta wag lang masyadong magpapagod - Louis

Yes babe. I love you :*- Tao

I love you too. Ingat lagi :*- Louis

Para namang baliw si Louis na nakangiti sa cellphone niya dahil sa sobrang kilig ay pinagpapalo niya pa ang kitchen counter.

"mabuti pa at magluluto na lang ako ng masarap na agahan" Louis

Nasa park si Azalea habang nakikipaglaro kay Yeonhee kasama ang ibang mga bata. Busy din siya sa pagkuha ng mga litrato ng mga batang naglalaro lalo na yung mga candid shots.

"unnie!!! Doon naman tayo sa swing" hinihila siya ni Yeonhee papunta sa swing. Pinaupo ni Azalea si Yeonhee sa swing at isinwing ito ng mahina.

"boyfriend mo na si Baozi oppa?" napaka inosente talaga ng batang ito.

"hindi ko pa siya sinasagot. Hayaan mo kapag naging boyfriend ko na siya sasabihin ko agad sayo" Azalea

"Yeonhee!!!" sigaw ng nanay ni Yeon Hee habang papalapit sa kanila.

"omma!" tumakbo papalapit sa Yeonhee sa nanay niya at agad naman siyang binuhat ng nanay niya.

"salamat sa pagbantay kay Yeon Hee ah. May binili lang kasi ako sa convenience store" nanay ni Yeonhee

"ayos lang po yun.. sige po mauna na po ako" Azalea

"bye unnie.. sa sunod ulit" Yeonhee

"sure naman" Azalea

Umuwi na si Azalea at pagpasok na pagpasok pa lang niya ay amoy na ang masarap na niluluto ni Louis. Nagtungo agad si Azalea para tignan ang kung ano ang niluluto ni Louis.

"wow.. bacon and egg!!!" nanglaki ang mata ni Azalea at nagutom tuloy siya sa nakita niya.

"upo ka na dude at kakain na tayo" masiglang sabi ni Louis

"anong nakain mo?" Azalea

"kumain ka na lang jan dude kasi masaya lang ako" alam na ni Azalea kung bakit ganoon si Louis.. inspired nanaman yun.

"ako ng maghuhugas dude" pagaalok ni Azalea nung matapos na silang kumain.

"sige dude.. maliligo lang ako" Louis

Pagkatapos niyang maghugas ay umakyat na din siya sa kwarto niya para maligo at gawin ang mga ritual niya sa katawan. Nilagay niya ang cellphone niya sa sidetable at pumasok na sa banyo. Dahil off nila sa duty ay naisipan lang nila mag movie marathon, tinatamad din kasi silang lumabas at mukhang masama ang panahon kaya sa bahay na lang sila tumambay. Pagkatapos maligo ay nagbihin lang siya sa usual niyang sweat pants at t-shirt at sinamahan na si Louis sa baba.

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon