CHAPTER 40

156 8 1
                                    

Ang mga sumunod na araw ay naging normal nalang din, busy sila Azalea at Louis sa school, dahil nagrereview sila para sa kanilang final exams, pero hindi pa din naman sila nawawalan ng oras para magkamustahan ng mga EXO members.

Sa kabilang bahay naman, mas lalo naman itong naging busy dahil laging puno ang schedule nila para sa mga performances, practices, interviews, etc., kaya parating gabi nalang din silang nakakauwi, pero hindi naman sila nakakalimutan nila Louis dahil ipinagluluto naman nila ito, para makabawi kahit papaano.

"Hyung, sasabihin niyo na ba sa entertainment yung tungkol sa mga girlfriend niyo?" Tanong ni Chanyeol sa dalawa, nasa dressing room sila, nagpapahinga dahil nagperform sila kanina sa stage.

"Oo nga Xiumin hyung at Tao, ano na?" Sulpot naman ni Baekhyun.

Nagkatinginan naman ang dalawa at nginitian ang isa't-isa, sabay tango sakanila.

"Kailan niyo balak sabihin?" Si Chanyeol habang iniinom ang kanyang coffee.

"Siguro kapag maluwag na ang mga sched natin, o di naman kaya kapag pumayag na ang entertainment sa pagsasalita namin." Suggest ni Xiumin. Tumango naman dito si Tao.

"Sige, basta andito lang kame! Fighting!" Sumulpot naman bigla si Kai at D.O, at pagkatapos nun ay nagtawanan na sila.

--

"Hay! Thank you! Natapos na din ang exams natin! This is it, gagraduate na talaga tayo! Excited na ako!" Masayang sabi ni Louis, nang makalabas sila ng classroom, kasabay niya din sila Azalea, Henry, Kenneth at Minha.

"Wag ka munang magpakasaya dude, may grado pa." Sabi ni Azalea.

Inakbayan naman ito ni Louis. "Ano ka ba dude, think positive lang dapat. Diba?" Sabay tingin kila Henry, nagthumbs-up naman ito sakanya, tapos natawa nalang sila.

Dumiretso naman sila ng cafeteria para makakain ng lunch. Nagutom sila sa exam nila kaya kailangan nila ulit na magpalakas.

Pagkatapos nun ay napagpasyahan ng dalawang magbestfriend na umuwi na dahil gusto nilang maglinis sa bahay ng EXO ngayon, dahil maaga din silang natapos mag-exam. Nagpaalam na din ang dalawa at pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng campus.

"Dude, sa tingin mo ipapakilala tayo nila Xiumin in public?" Tanong ni Azalea habang naglalakad sila pauwi.

"Hmm, ewan, siguro, pero pwede din na hindi, kasi mas maganda kung hindi nalang nila tayo ipakilala, alam mo naman ang showbiz, pati privacy hindi sinasanto, kaya mas maganda kung tahimik ang personal life nila." Sagot naman ni louis.

"Bakit gusto mo ba na ipakilala tayo ng dalawa in public? Ikaw ha, nagpapalakas ka sa SM." Tumawa naman si Louis.

"Sira, hindi no, tinatanong ko lang natatakot kasi ako na baka kapag ipapakilala nila tayo, madami na ang magagalit saatin, naalala mo yung may nakakita sainyo ni Tao? Nung nagdate kayo in private? Diba ang dami ding negative comments?"

"Oo nga eh, pero nung naglabas na ng statement yung SM, naging okay naman din, kaya sana ang hinihiling ko sakanila na kung pwede wag nalang dahil mahirap na nag-aaral pa lang tayo, baka kung sino na ang mga sumusunod saatin, at sinisiraan tayo sa likod."

"Tama, dapat kausapin natin sila kapag nakarating na sila." Sabi ni Azalea.

Nang makarating sila ng bahay ay agad agad din silang nagpalit, para makapagluto na ng pwedeng kainin ng EXO, at syempre para na din sakanila.

Pagkatapos nilang magluto ay dumiretso na sila sa kabilang bahay at inilapag ang niluto nilang pagkain na may kasamang rice cake.

Nagsimula naman silang maglinis sa sala at pagkatapos ay inisa-isa na nila ang mga kwarto, dumiretso sa kwarto ni Xiumin si Azalea, at si Louis naman kay Tao.

EXO NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon