Chapter 01

36 6 0
                                    

" Theodore, doon ka na daw sa backstage, kailangan na daw magpakita sa mga tao."

Agad akong naglakad palapit sa mga kasamahan ko, kakatapos kong uminom ng tubig dahil lalabas na kami dito sa awards show na ito kung saan kami naimbitahan.

" Okay, ready na ha? Ang mga mics niyo, gumagana iyan, nacheck iyan kanina." Paliwanag ng staff sa amin, tumango kaming lahat sa sinabi niya.

Nag ayos ako ng aking sarili, ano mang oras ay lalabas na kami dito sa backstage.

" Okay! Ready! One, two, out!" Sigaw ni Ivor.

Dinig namin ang hiyawan ng mga tao sa labas. Flash ng camera at mga banners ang sumalubong saamin, pumwesto kami kaagad sa stage. At hinintay na tumunog ang nasa monitor namin.

" Smooth like butter, like a criminal under cover~" Kanta ni Timothy. Sabay sabay kaming sumayaw. Poker face lang ang mukha ng iba, habang ako ay medyo sinasabay ang ekspresiyon ng mukha sa tugtugin at sayaw namin.

Nang linya ko na sa kanta ay saka na ako naglakad papunta sa harapan at saka ako sumayaw at kinanta ang parte ko sa kanta,

" Cool shades stunner, yeah I owe it all to my mother. Hot like summer yeah, I'm making you sweat like that~" Kanta ko.

Habang sumasayaw ay tumitingin ako sa mga audience. Natanaw ko ang isang babae, may kahabaan ang buhok at maputi ang kaniyang balat.

Napangisi ako.

" Get it, let it, roll!" Pumorma kami sa huling linya ng kanta at saka kami tumitig sa mga camera. Hingal na hingal man ay hindi ko hinayaan na makita nilang napagod akong sumayaw at kumanta sa harap ng camera.

Nang matapos na kami ay sabay sabay kaming naglakad pabalik ng back stage, pero bago ako tuluyang pumasok ay tinignan ko muna ang babaeng nakita ko sa mga audience kanina.

" Magpahinga tayo ng saglitan at saka  na tayo babalik sa upuan natin." Paliwanag ni Kyle na nag aayos at umiinom ng tubig.

Uminom din ako ng tubig pero nakalahati ko lang ang tubig ko, atat na akong lumabas muli, balak kong manuod.

Manuod nga ba?

" Tara na." Aya ko sa kanila. Nauna na akong naglakad pabalik sa upuan. Habang naglalakad kami ay nakatitig ako sa babaeng nakita ko kanina, nakatingin din naman siya saakin, hindi ko lamang masyadong pinahahalata na tumitingin ako sa kaniya, baka anong sabihin niya.

Mukha siyang idol din, pero bakit nasa mga audience siya nakahalo. Bagay niya maging idol.

Bagay din ata siya saakin.

Kidding.

" This award goes to, BTS!" Tumayo kaming pito nang marinig ang pangalan ng grupo namin. Sabay sabay kaming naglakad sa harapan habang pinapalakpakan kami ng mga tao.

Kinuha ni Timothy ang award at saka kami nagsalita sa harapan ng mga tao. Namataan din namin ang mga Army's na nanunuod at hawak pa ang kanilang mga lightstick.

" Hello. Thank you fo choosing us and giving us this kind of achievement and award. This is of course, for our fans, our Army's. Thank you always for supporting and loving us through hard times and this kind of times. We love you all." Ani Brian at saka kami nag bow nang sabay sabay sa harapan nila.

Bumalik na kami sa upuan namin. Muli, napatingin ako sa babaeng nasa audience.

" Hey, stop looking at her. May mga dispatch sa gilid, baka mamaya hindi ka pa nakakauwi ng bahay, may issue ka na." Tawang bulong saakin ni Nathan, agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagpahalata ako na hindi ako nakatingin sa babae na iyon.

Tinignan ko si Nathan.

" Hindi ako tumitingin, tumama lang bigla ang mata ko sa kaniya." Palusot ko. Nginitian niya naman ako ng pilyo at saka siya nagkibit balikat. Ibinalik niya ang tingin niya sa harapan namin.

" Actress iyan. Hindi ko lang alam kung anong pangalan, hindi mo ba napansin ang mukha?" Tanong saakin ni Nathan habang nanunuod siya sa harapan namin. Mas nilapit ko ang upuan ko sa kaniya at saka ako nakipag kwentuhan.

Hinawakan ko ang kaniyang balikat.

" Actress? Hindi ko kilala, sikat ba iyan?" Tumango siya.

" Oo. Sikat iyan. Hindi mo lang masyadong alam kasi panay jazz at musicals ang pinanunuod mo sa TV mo, kaya hindi mo alam." Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya saamin, agad akong nagtanong muli kay Nathan.

" Kung ganoon, kilala mo siya? Anong pangalan niya?" Inosenteng tanong ko dito.

" Bakit ka interesado?" Pang aasar niya saakin.

Nagkibit balikat ako at saka na ako bumalik sa pinanunuod ko. Mamaya ko na nga lang itatanong sa kaniya, baka aasarin niya pa ako.

" The best group award goes to, BTS!" Sabay sabay nanaman kaming nagpunta sa harapan, this time, si Cody naman ang magsasalita.

Kinuha ko ang award, at saka namin hinintay na magsalita si Cody.

" Hey, Army's. All over the world. Thank you for supporting us. And I love you all." Tumawa siya. Wala na din namang ibang masabi, paulit ulit nalang iyan kaya naman iyan nalang ang sinasabi namin, palagi.

Tumawa din kami sa sinabi niya at saka na kami kumaway paalis. Bumalik kami sa aming upuan. Nagselfie pa ako habang kasama ang mga awards na nakuha namin, hindi pa naman tapos, baka may makuha pa kami.

" This award goes to, again and again and again, BTS!" I told you.

Dahil bored na ang mga kasama ko, nagkukulitan nalang kami habang naglalakad at aakyat sa stage, tumatawa at nag aasaran naman sina Brian kaya napapatawa ako sa kanilang dalawa ni Alex.

Ano kaya ang pinag uusapan nila.

" Thank you so much." Pagpapasalamat ni Kyle sa mga MC.

Ngumiti sila saamin at saka nila kami kinamayan.

" You deserve this. Thank you also." Ani nilang dalawa.

Tinutulak nila si Alex na magsalita, kaya tumatawa sila, ayaw niya ata.

Kahit kailan talaga.

Ako nalang.

" In behalf of Alex, Army's! Thank you!" Tinulak ako ni Alex habang tumatawa. Dinig ko din ang tawa ng mga audience saamin.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Hinila ako ni Nathan sa gilid niya, habang nakatingin kay Alex na nagsasalita na sa harapan, mabuti at nagsalita siya.

May ibinulong siya saakin.

" Adara Athaliah Laudencio."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now