" BTS! BTS! BTS!"
Tawag saamin ng mga tao habang kumakaway kami sa camera. Uuwi na kami ngayon sa amin, kaya nakasunod nanaman ang media hanggang airport.
" Thank you for coming here, Army's! Take care going home!" Sigaw ko sa kanila.
Sumakay kami sa eroplano, iba nanaman ang upuan ko sa kanila, magisa ko sa inuupuan ko, habang ang ibang kasama ko ay may mga kasama, tig dadalawa sila ng kasama, ako naman ay magisa lang.
Adara: I can't wait to see you, Theo.
Theodore: Me too, Adara. Mabuti at na ischedule na natin ang meet up.
Nilingon ko ang pasalubong ko kay Adara, hindi ko muna sinabi sa kaniya na may dala ako, gusto ko sanang isurprise siya.
Adara: Yeah. Pina cancel ko na din ang mga gagawin ko sa gabi niyon, kaya naman excited na ako.
Theodore: Nasaan ka pala ngayon?
Adara: Nasa shoot ako, last day, tapos mamaya pack up na, tapos uuwi na ako.
Theodore: May kasama ka bang umuwi?
Adara: Iyong driver ko, oo. Wala namang ibang maghahatid saakin.
Lumingon ako sa paligid ko, wala namang tao, baka kasi makita nila kung sino ang kausap ko e.
Theodore: Kapag nakauwi na ako, ako na ang maghahatid sa iyo pauwi.
Adara: I think I'll like that, you're a good driver, Theo.
Napangiti ako.
Theodore: Oh, really?
Adara: Yes. You are. Napaka comfortable kapag nagda drive ka. Smooth.
Theodore: Nag iingat lang ako kasi kasama kita. Pero kapag wala akong kasama, mabilis ako magpatakbo, para akong nakikipag karera.
Natawa ako sa sinabi ko, dinig ko pa nga ang pagtawa ko mag isa.
Napatawa din kaya siya?
Adara: Talaga ba? Mabuti hindi ka nadidisgrasya?
Theodore: Maingat naman ako, Adara.
Adara: Hmm, that's good. Always take care.
Sumandal ako sa upuan ko, at saka ko ipinatong ang mga paa ko sa lamesang maliit na nasa harapan ko, naghubad naman ako ng sapatos ko, at nagpalit ako ng tsinelas, kaya ayos lang ito. Mamaya maya pa ako kakain kapag kumatok na ang stewardees.
" Theodore? May chips ka pa dito sa bag, open up." Katok ni Kyle sa pintuan ng upuan ko, itinulak ko ang pintuan ko gamit ang aking paa, agad na nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Kyle.
Inihagis niya ang chichirya ko sa lamesa at saka siya tumingin saakin.
" Dati rati, ayaw mong mag isa sa byahe. Ngayon, mag isa ka diyan, anong mayroon?" Tanong niya saakin, tinaasan ko siya ng kilay at saka ako umayos ng upo.
![](https://img.wattpad.com/cover/285630733-288-k864247.jpg)
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
Fiksi PenggemarLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...