" Dito na ako, kasama ko si Brian."
Ani Kyle nang makarating na kami sa Hotel namin, agad naman akong umiling at hinila ko ang braso ni Brian.
" Sige. Bahala ka. Kung sino nalang ang sasama saakin, sumama na." Pumasok na si Kyle sa kwartong isa, badtrip ata o baka napagod sa byahe kaya wala na siyang planong makipag sagutan pa saaming anim.
Hinila ko na si Brian at saka ko binuksan ang kwarto naming dalawa. Ibinaba ko kaagad ang bag ko at saka ako nahiga.
" Hoy, ikaw ha. Ayusin mo kasi, feeling ko bagay kayo noong Actress na iyon, kaya gumawa ka ng paraan." Wala sa sariling saad ni Brian sa akin habang nakatayo siya sa kama naming dalawa, nagtaas naman ako ng kilay sa kaniya at saka ko siya tinitigan.
" Bakit ba gustong gusto niyo ako para kay Adara?" Nacu curious din ako sa kanila at bakit ipinagpipilitan nila ako kay Adara, e tinanong ko lang naman kung ano ang pangalan niya noon sa awards show.
Tumingin saakin si Brian nang naguguluhan.
" Hindi mo ba nakikita ang mga posts niya sa instagram?" Nagtaka ako sa sinabi niya.
Oo, nag uusap kami ni Adara sa instagram noon pero hindi ko naman tinitignan ang mga posts niya, last lang ay iyong post niya na kaming dalawa.
" Inamin niya sa instagram account niya na ikaw daw ang Bias niya sa grupo natin, bakit hindi ka ba nagbabasa ng balita?" Napalunok ako, tama ba ang narinig ko?
Bias? Ako? Gusto niya ako?
" Hindi ko alam." Maikling tugon ko sa kaniya.
" Well, ikaw nga daw." Tumango na lamang ako sa sinabi niya at saka na ako nag ayos ng mga gamit ko.
Dahil sa kakulitan ni Brian ay kung saan saan siya nagpupupunta. Minsan ay naroon siya sa kwarto ng ibang kagrupo ko, minsan naman ay kumakain sa kusina.
Adara: I'll miss you, Theo.
Theodore: Nandito na kami sa Hotel, mag iingat ka palagi, Adara.
Adara: Oo naman. Mag iingat ako, ikaw din, palagi, Theo.
Theodore: I will. Thank you. Nasaan ka ngayon?
Adara: Shoot namin, dalawang araw ako dito, tapos saka na ako uuwi.
Theodore: Magpapadala ba ako ng bantay?
Adara: No, thanks. Kaya ko naman, Theo. Nakakahiya.
Itinago ko kaagad ang phone ko nang makitang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon ang staff namin na may hawak na maleta at damit na naka hanger sa kamay niya. Tumayo ako kaagad para pagbuksan siya ng pintuan.
" Sir, naplantsa na po ito, ito po ang isusuot niyo sa speech niyo sa white house tsaka sa interview. Itong isa po, kay Brian, tapos itong may pangalan, sa inyo po." Kinuha ko ang damit na hawak niya, kaya pala naka hanger kasi naplantsa na, mas malaki nang kaunti ang damit ko kay Brian, kaya mabilis kong malalaman kung nasaan ang akin dito.
Kulay itim sila, at itim din ang necktie pati ang slacks namin.
" Salamat. Ilalagay ko nalang dito." Ani ko.
" Sige po, salamat po."
Akala ko pati ang maleta ay ibibigay niya dito, baka mga make ups namin iyon, at dala dala nila. Inilagay ko sa maayos na lugar ang damit na gagamitin namin, bale bukas siya gaganapin, ang speech, at mamayang hapon o gabi ata ang interview with the President, kaya kailangan naming magpahinga at mag ayos para mamaya.
" Brian! Nandito na iyong damit mo! Ano bang ginagawa mo diyan?" Pinuntahan ko si Brian sa kusina, nadatnan ko siyang kausap si Andra sa telepono via video call.
Nag uusap sila nang masinsinan at hindi maipinta ang mukha ni Brian, sumingit naman ako sa camera at kumaway ako kay Andra.
" Susunod na ako, Theodore. Kakausapin ko lang ang asawa ko." Tumango ako sa sinabi niya.
Umalis ako doon at saka ko inilabas ang aking telepono.
Theodore: Can I call?
Adara: Sure.
Dali dali kong pinindot ang numero niya at saka ko siya tinawagan. Sinilip ko pa si Brian dahil baka naririnig niya ako, binuksan ko ang kurtina ng Hotel kaya kitang kita ko ang view sa labas.
" Hello?" Sagot kaagad ni Adara.
" Hello, sweetheart." Bati ko sa kaniya. Nanahimik naman siya kaagad sa sinabi ko at ilang minuto bago siya nakabawi.
" Theo, kamusta ka diyan? Kumain ka na ba?" Tanong niya.
" Hindi pa nga e, busy pa kasi ang room mate ko kaya hindi pa kami makapili ng pagkain." Paliwanag ko.
Kung pwede lang na buksan ang bintana dito sa hotel ay ginawa ko na, masarap kasi ang hangin kapag bukas an bintana e.
" Oh, kakatapos ko lang din kumain, tapos shoot na ako ulit mamaya, mabuti at tumawag ka, wala kasi akong kausap e." Napangiti ako sa sinabi niya.
" I miss your voice." Malambing na saad ko sa telepono, ramdam kong namumula at nag iinit ang aking pisngi sa sarili kong sinabi.
Paano pa kaya siya?
Kidding.
" Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin.
" Yes." Maikling tugon ko.
" Nga pala, kailan kayo lalabas sa white house? Baka ipapalabas sa TV, I want to watch." Tumingin ako sa paligid, baka kasi nakikinig na si Brian sa aming dalawa, mabibisto ako nito.
" Hindi ata kami ipapalabas sa TV, ewan ko din, baka sa articles lang. Hindi kasi namin napag usapan iyan e." Paliwanag ko.
Dinig ko naman ang 'hmm' niya sa kabilang linya.
" Kamusta ang flight mo? Hindi ka ba napagod?"
" Hindi naman. Sanay na din naman ako sa byahe, kaya ayos lang ako." Shit, nag aalala ba siya saakin?
Inaalala niya ba ako?
Damn it.
" May I ask a question, Adara?" Kinakabahan man pero tatanungin ko kung totoo ba ang sinabi saakin ni Brian kanina.
" Sure. What is it?" Tanong niya.
" Sinabi kasi saakin ni Brian na nagpost ka daw at umamin ka sa instagram posts mo na I am your Bias, sa grupo namin?" Natigil siya sa sinabi ko, kinabahan naman ako, baka mamaya sabihin niya ay assuming ako.
Pero sinabi naman saakin ni Brian at mukhang seryoso naman siya, kaya wala namang masama kung itatanong ko at aalamin ko ang totoo, hindi ba?
" Oh, that? Yes. You are my bias talaga, dati pa lang-"
Agad kong pinatay ang tawag nang pumasok si Brian sa kwarto namin.
" Sinong kausap mo?"
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanficLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...