" Hello everyone. Ako po ang manager ni Adara Athaliah Laudencio na isang batikang aktres, nasa akin siya sa loob ng 19 years, at ngayon ay binibitawan ko na ang pagiging manager sa kaniya. Sa loob ng limang taon ay aaminin kong nasasaktan ko ang artista, at tinakot ko siya noon na mas lalo kong ipapabagsak ang career niya kung magsusumbong siya sa mga awtoridad na sinasaktan ko siya. Inaamin ko po at umaamin ako sa inyong lahat na sinasaktan ko po ng verbal at pisikal ang artista sa loob ng limang taon, at nagawa niya iyong itago sa inyo dahil siya po ang natakot sa aking mga salita. Nahuli po ako ng kaniyang boyfriend na si Timothy Montegrande na miyembro ng grupong BTS, nahuli niya po akong aambahan ng sampal ang artista ko at ang girlfriend niya kaya naman pinilit niya ako, kasama ang mga abogado niya na magpublic apology muna sa publiko bago ako kusang sumuko sa mga awtoridad at sa mga pulisya. Humihingi po ako ng tawad sa mga fans ni Adara, sa mga sumusuporta at nagmamahal sa kaniya, sa pamilya niya at mga kaibigan, sa buong entertainment agencies na humahawak pa kay Adara at sa kaniyang boyfriend, humihingi ako ng tawad dahil nasaktan ko ang babaeng minamahal mo. At pinakahuli, Adara, pasensiya kung nasaktan kita, nadadala ako sa emosyon ko at inaamin kong gumagamit ako ng droga kaya isa iyon sa nagpapabugso ng damdamin ko, alam mong naging mabait ako sa iyo at inalagaan kita, sana mapatawad mo ako, sa mga nagawa ko sayo. Si Adara po ay artista na ng Big Hit Entertainment kung saan nagta trabaho ang kaniyang boyfriend na si Timothy, alam kong aalagaan siya doon at hindi siya pababayaan, kaya masaya akong doon siya napunta sa entertainment na iyon. Muli, humihingi po ako ng patawad sa lahat ng nasaktan ko lalo na si Adara Laudencio. Maraming Salamat po."
Napalunok ako nang matapos ang speech ng manager ni Adara sa TV, halos lahat ng media ay ipinatawag namin doon, para masigurong maraming footage at makakakuha ng public apology niya.
Hinawakan ko ang kamay ni Adara na nakatulala parin sa TV at pinanunuod na niyang posasan ang kaniyang dating manager.
" Baby, are you okay?" Tanong ko sa kaniya. Bumaling siya saakin, at saka niya isinandal ang uluhan niya sa dibdib ko.
" Thank you for doing this. I am now free." Hinalikan ko ang ulo niya, at saka ko hinahagod ang kaniyang kamay na nakahawak saakin.
" I love you."
Pinusasan na ang manager niya at saka na siya isinakay sa sasakyan papunta sa presinto, sinusundan sila ng media hanggang sa makalabas sila ng venue kung saan siya nagpublic apology. Napangiti ako, she deserves to be in jail, mabuti at nakita kong sinasaktan niya si Adara kaya naipakulong ko na siya. Wala ng mananakit sa babaeng mahal ko.
" Salamat naman at natapos na ang problema mo, Adara. Masaya kami para sayo." Nakangiti ang mga kasama ko kay Adara nang matapos naming panuorin ang public apology.
Ngumiti si Adara.
" Maraming salamat din sa inyo dahil tinulungan niyo ako." Nakangiti si Adara sa mga kasamahan ko.
Nang matapos kaming magusap usap ay pumasok na kami sa kwarto kung saan kami magsho shoot ng aming video announcement. Nagawa na din ang article na ilalabas mamaya kapag nakapag shoot na kami.
" Nasa monitor ang babasahin niyo mamaya para may kodigo lang, at saka ito ang sa papel, may pagkakasunod sunod iyan, kaya practice-in niyo muna." Binigay saamin ang tig iisang papel para sa aming script, hindi naman gaanong kahaba ang sasabihin ko, kaya makakabisado ko ito at hindi na kailangan pang magbasa sa monitor.
Nasa upuan si Adara at hawak ang aking mga gamit doon, dinadalhan siya ng pagkain ng mga staff ko, nakangiti naman siya at nagpapasalamat sa kanila. Habang nagpa practice ay inaayusan na kami ng mga staff namin, mamaya na kami magpo-formation kapag nakabisado na namin.
" Masaya dapat ang boses natin kapag sasabihin natin, kasi hindi ba magaannounce tayo ng concert?" Anunsiyo ni Kyle saamin, tumango naman kami sa sinabi niya. Agad na nagpractice nang sabay sabay, at saka binasa ang mga script namin.
Ang iba ay kabisado na, ang iba naman ay binabasa pa ang nasa papel.
" Baby, are you sleepy?" Tanong ko kay Adara nang maupo ako sa tabi niya.
" No, I'm observing all of you. Kabisado mo na ba?" Turo niya sa script na hawak ko, tumango ako sa sinabi niya at saka ko ito tinago sa likod ko.
Ngumiti ako sa kaniya, nakatali na ang buhok niya, baka nainitan siya kanina nang maglakad kami, kaya nagtali na siya ng buhok niya.
" After namin dito uuwi na, magpapainom daw, makikilala mo na ang mga asawa ng tatlong kagrupo ko." Nagliwanag naman ang mukha niya sa ibinalita ko, uuwi mamaya sina Deianira, Andra, at Cassandra mamaya sa bahay dahil ipakikilala namin si Adara.
Excited na nga ako e. May bagong dadagdag sa pamilya namin.
" Really? Ang mga asawa nila? Hindi ko pa sila nakikita e." Masayang sambit niya saakin, tumango ako sa sinabi niya.
" Yes, baby. Nandoon sila mamaya sa bahay natin, tapos sa susunod na mga araw, ibibisita kita sa bahay ko kung saan ako tumitira mag isa. Tapos sa susunod na mga araw ay kina Mama at Papa kita ipapakilala." Tumango siya sa sinabi ko, hinalikan niya ang aking labi, sumagot naman ako sa kaniya.
" Yeah, you will be able to meet them later, one by one, and also their child. You're really excited, huh?" Tumango tango siya saakin.
" Of course, I am happy because I am a part of your family and I will be able to see all of them later, so I'm a bit excited, should I buy them some gifts?" Natawa ako sa tanong niya, hinalikan ko ang kaniyang pisngi sa sobrang kakulitan.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at saka ko siya nginitian.
" No need. Basta mamaya ay magsuot ka ng magandang damit. Sa susunod na mga taon, ikaw na ang kikilalanin ng susunod na magpapakilala ng babae niya."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...