"Hi, Theodore."
Bati saakin ni Adara habang naglalakad siya palapit saakin, ako na nga ang sumundo sa kaniya, kaya naman agad ko siyang pinasakay sa kotse baka may makakita pa sa aming dalawa.
" You look pretty, Tali. Bagay na bagay saiyo iyan." Puri ko sa kaniya nang makaupo siya sa tabi ko, tinignan niya naman ang kaniyang suot at saka siya tumingin saakin at ngumiti, napaiwas ako ng tingin sa ginawa niya.
My weakness.
" Salamat. I think mas bagay nga ito kaysa doon sa outfit ko kanina." Inumpisahan ko na ang pagmamaneho, at saka ako nag drive sa pinakamalapit na beach dito saamin, nagpark din ako sa spot na walang masyadong sasakyan at saka na kami bumaba.
Nauna akong bumaba ng sasakyan at sumunod siya, pinagbuksan ko siya ng pintuan.
" You love beaches ba?" Tanong kaagad saakin ni Adara nang makababa kami at naglalakad na kami.
Naghahanap ako ng spot na walang tao at medyo madilim, para walang makakakita sa aming dalawa.
" Yeah. Relaxing siya at saka masarap ang hangin. Peaceful, kaya kapag may oras ako, nandito ako sa beach madalas. How about you?" Pabalik kong tanong sa kaniya. Nakakita ako ng magandang spot, sa isang puno na may mahinang ilaw sa sanga, inaya ko siya doon.
" Hmm, yeah. I like beaches also. Lalo na kapag gabi, may relaxing kasi tsaka tahimik na, wala na ding araw, you know, nakakasunog sa balat." We both laughed of what she said. Nagkatinginan pa kami pero agad din siyang umiwas ng tingin saakin.
Nakatingin lang kaming dalawa sa beach, o sa view, at sinisinghot ang amoy ng dagat.
" Kamusta ka? I mean, you are a well-known actress. Ang dami kong nababalitaan sayo, you are a good actress, really." Puri ko sa kaniya. Nagbasa ako ng magazines at articles about her, at nanuod ako ng mga awardings niya at mga interviews niya sa youtube.
" I'm fine, naeenjoy ko naman iyong mga ginagawa ko, kaya naman ayos na ayos ako. Syempre, nakakapagod at nakaka stress, pero with the help of myself and my staffs, I can deal with it naman." Ngumiti ako sa sinabi niya. Ngumiti din siya pabalik saakin.
Umayos siya ng upo niya.
" That's nice. Nakita ko din na may wall of awards ka? Like it's so many, nakakabilib naman." Ani ko.
" Nako, mas marami nga ang sainyo e. Kahit na nauna ko sa industry, may madami ang sa inyo, the people know you all over the world!" Sigaw niya habang nakangiti sa harapan ko, umiwas ako ng tingin sa sinabi niya, napatawa naman ako sa kaniya dahil may kasama pang action ang pagkakasabi niya niyon.
" Yeah? Hindi naman kami magiging ganito kung hindi dahil sa fans namin, kaya inaalagaan namin sila." Madilim na ang buong paligid, may mga ilaw naman pero kakaunti, mabuti nga at hindi malamok, baka malamukan si Adara.
Mamaya na siguro kami kakain kapag pauwi na.
" That's true. And speaking of fans, may isa akong fan, sa sobrang excited niya akong hawakan, nakipag siksikan siya hanggang sa ma scratch niya iyong braso ko." Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya, tumatawa lang siya sa akin.
" Really? Saan ka nasugatan? Pinagamot mo ba?" Kalmadong tanong ko lang sa kaniya kahit na sa totoo lang ay nag aalala na ako.
Pinakita niya ang kaliwang braso niya.
" Here. Pero wala naman na. Tsaka hindi ako magagalit. It's an accident. Kaya walang dapat ikagalit." I like her mindset, ganiyan naman talaga ang gagawin, it's an accident.
" Ikaw ba naman ang lalapit sa isang Adara, hindi ka ba maeexcite?" Sabay kaming tumawa.
" Bakit ikaw? Hindi ka ba naeexcite? Na excite ka ba noong magkikita tayo?" Napalunok ako sa tanong niya.
Kung alam mo lang gaano ako ka excited.
" Of course, naexcite ako, Adara. Ikaw ba naman ang kikitain ko e."
Ilang minuto kaming nanahimik, at saka kami sabay na nakatitig sa dagat, dinig na dinig ang palaspas ng alon, at tubig. Ang sarap pakinggan sa tainga, parang musika. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin at ang amoy ng dagat.
At kasama ko pa si Adara.
" You know? Hindi ko inakala na makakalapit ako sa inyo ng ganoon, parang ganito." Pag uumpisa niya nanaman ng topic namin.
Nilingon ko siya.
" Bakit naman?"
" Kasi you are a superstar, kilala kayo. Ako dito lang. Actress lang, kayo you are doing a world tour and other stuffs, while me-"
Pinutol ko siya.
" Huwag mong isiping Actress ka lang, Adara. Alam kong mahirap din ang ginagawa ko, umiiyak ka, at kung ano ano pa, kaya mahirap din iyan, huwag mong ikumpara ang sarili mo saamin, Adara. Kahit kailan. Huwag." Umiiling iling pa ako sa kaniya habang sinasabi ko iyon, ngumiti naman siya at saka siya huminga ng malalim at nagkibit balikat.
Tumitig siya sa dagat, ako naman ay nakatingin lang sa kaniya. Inayos ko ang aking buhok.
" Thank you. Minsan nga, gusto ko na mag quit, kasi nawawalan na ako ng gana, but one day, noong nagkaroon ako ng isang project at nag boom iyon, nakatanggap ako ng iba't ibang awards internationally, doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy, akala ko nga noon, nawalan na ako ng mga fans e." Hindi ako umiimik sa sinabi niya, nakikinig lang ako.
" Why?" Tanong ko.
" Kasi ilang buwan noon, natahimik ang pangalan ko sa mga articles, tv's, at iba pa, akala ko wala ng naghahanap saakin, kaya nawalan ako ng gana, pero mabuti nalang at nagpatuloy ako, kaya nandito ako sa kung saan ako ngayon, kaya masayang masaya ako." Napaiwas ako kaagad ng tingin nang bigla siyang humarap saakin.
Kinagat ko ang labi ko.
" I am proud of you, Adara. I am rooting for your success. More projects, admirers, fans, more awards, Adara. I'm a fan." Ngumiti siya saakin, agad siyang kumuha ng phone niya.
Nagtaka naman ako.
" Can we take a photo? This is the best rest day, ever." Pinindot niya ang camera at saka kami kumuha ng litrato naming dalawa. Maging ako ay kumuha ng litrato naming dalawa gamit ang telepono ko.
" Thank you for tonight, Tali.."
![](https://img.wattpad.com/cover/285630733-288-k864247.jpg)
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...