" Does it hurt?"
Pang aasar ko kay Adara na nakahiga pa sa kama at nakabalot ng kumot ang buong katawan. Masungit niya naman akong tinignan, at saka tumango nang dahan dahan.
" Pina cancel ko muna ang mga gagawin mo ngayong araw." Tumango siya sa sinabi ko, at saka siya nahigang muli.
Nakakatuwang tignan si Adara na nakahiga lang at hindi makatayo, bakit ba kasi sumama siyang maligo saakin?
Kidding.
" Ikaw? Saan ka pupunta? May mga schedule kayo?" Umiling ako.
" Mayroon pero hindi ako sasama, babantayan kita. Hindi ka makalakad-" Binato niya ako ng unan.
" Nakakalakad ako! Pero mabagal lang, kaya ko naman." Mas lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi niya.
Pinaghandaan ko na siya ng kaniyang pagkain dito sa kwarto. Ang mga kasama ko ay naroon sa ibaba pero hindi na muna ako nakisamang kumain sa kanila, sasamahan ko muna si Adara. Nang makarating ako sa itaas dala ang tray ng pagkain ay nakatayo naman ito, nag aayos pa nga siya ng kaniyang sarili.
" Here. Kumain ka na. Maiiwan tayo dito mamaya." Kinuha niya ang tray at saka siya kumain sa kama, sumabay na din ako sa kaniya habang may ginagawa sa aking laptop.
May announcement ata kaming gagawin, kaya kailangan ako, pero baka hindi ako makasama.
" Okay naman kasi ako, Theodore. Kahit na iwan mo muna ako dito." Inis na saad niya sa akin habang hawak ang kutsara niya, tumango nalang ako para hindi siya tuluyang magalit saakin.
" Okay, fine. I'll do it, just relax, okay? Nga pala, tumawag saakin si Ms. Suarez, at sinabi niyang magpa public apology daw ang Manager mo sa susunod na mga araw." Balita ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
Napahawak pa siya sa braso ko.
" Really? That's too embarassing to do!" Saad niya.
" She should do it, she hurted you, she should apologize and the people should know about it." Hindi siya nakaimik sa sinabi ko.
" Ano palang gagawin niyong announcement mamaya?" Takang tanong niya.
Inayos ko na ang pinagkainan naming dalawa at saka ibinalik sa tray. Tumingin ako kay Adara.
" Baka iyong concert namin. Magko-concert kami ulit." Anunsiyo ko.
" Hindi ba kapag may concert kayo, may inaannounce sila? Katulad nina Kyle, hindi ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya at saka ako ngumiti.
" Kung may concert na kami, ikaw na ang ipakikilala ko." Kinindatan ko siya bago halikan ang pisngi niya.
" Really?" Excited na tanong niya. Tumango siya.
" Yeah, I'll do that."
Nang bumaba ako ay nakatingin saakin ang mga kasamahan ko, hindi naman ako nagpakita ng reaksiyon sa kanila. Tumingin din ako sa kanila pabalik.
" Bakit?" Tanong ko.
" Mag aannounce tayo na may concert mamaya. Magsho shoot tayo ng teaser." Balita ni Nathan saakin. Tumingin ako sa mga kasama ko.
" Okay lang, sasama ako. Tatapusin ba ngayon ang teaser?" Tanong ko.
Nagkibit balikat sila sa sinabi ko.
" Hindi ko alam, malalaman mamaya. Call time natin ay 11am, kaya mag ayos na kayo." Inilagay ko na sa kusina ang pinagkainan namin, at saka na ako namili ng susuotin ko, naglagay din ako sa backpack ko ng extra na damit at saka towels para mamaya kapag pagpapawisan ako.
Naligo na din ako, nag sapatos, at nagpatuyo ng buhok.
" Maliligo na din muna ako, Theodore. Sasama ako." Masayang nagpunta si Adara sa banyo, sasama daw siya at panunuorin niya ako sa shoot namin.
Hinintay ko siyang matapos bago ako umalis sa kwarto. Simple lang ang suot niyang damit at naka hand bag lang siya. Wallet, make up, powerbank, mini fan, at kung ano ano pa ang dala niya sa bag niya. Ako na ang nagbitbit niyon.
" Tara na." Aya ng mga kasamahan ko.
Sa kotse ko kami sumakay ni Adara, hindi na kami sumabay sa mga kasamahan namin dahil masikip na doon kapag nakisabay pa kami. Ayos lang naman daw sa mga kasamahan namin na hindi na muna kami sasabay sa kanila, kaya nauna na akong mag drive papunta sa building. Hawak hawak ko ang hita ni Adara habang nagmamaneho, hawak niya naman ang kamay kong nakahawaknsa hita niya.
" Teaser para sa concert ninyo, right? Edi magkaka concert nga kayo?" Tanong niya. Tumango ako.
" Yeah, ipapakilala kita sa last day ng concert. Kaya magpagawa ka ng damit mo." Balita ko sa kaniya, malawak ang ngiti niyang tumingin saakin, napangisi naman ako.
Nang makarating kami sa building ay may mga media, hawak hawak ko ang kamay ni Adara habang naglalakad. Bakit ba kasi nag heels pa siya e manunuod lang naman siya saakin. Mabuti at walang mga fans na nakakalat. Sinalubong kami ng mga staff namin, at saka nila kami pinapunta sa kwarto kung saan kami pagsho shoot para sa teaser namin.
Naabutan namin doon sa Ivor.
" Mabuti at sakto kayo sa calltime." Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hinawakan ko nang mas mahigpit ang kamay niya, at saka ako nakinig sa sasabihin niya.
" Good Morning, Ivor." Bati nalang ni Cody.
" Hindi dito ang venue niyo, pinapunta ko lang kayo dito para kausapin kayo, alam ng mga staff kung nasaan kaya sumama nalang kayo sa kanila, sundan niyo ang sasakyan nila, nakasarado na ang lugar kung saan kayo magsho shoot, may mga guards na din doon." Ani Ivor. Tumango tango kami, nagpakita ang mga staff na makakasama namin mamaya sa byahe.
Hindi nanaman siya makakasama.
" Nandoon na din iyong mga tent, doon kayo maglalagi. Tapos sa susunod na venue, bukas niyo na puntahan." Muli kaming tumango sa sinabi niya.
Kinuha ko nang muli ang mga gamit namin, at saka na kami umalis. Naunang maglakad ang mga staff, nasa hulihan kami ni Adara.
" Hindi ba dapat malaking fan ang dinala mo, Adara?" Pang aasar ko dito dahil nakita kong mini fan lang ang dala dala niya kanina.
Hinampas niya naman ang aking braso sa biro ko.
" Malay ko ba na hindi dito, naka aircon dito e." Inis na sambit niya saakin.
Busy ang lahat na kumuha ng gamit, kami naman ay hinihintay lang sila na makalabas sa kwartong ito. Hindi ko binibitawan ang kamay ni Adara, nagulat ako nang tawagin ni Ivor si Adara.
" Ms. Laudencio, can we talk?"
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...