" Bumili ka ng cake pero kalahati? O ibinigay ni Tita iyan?"
Tanong ni Kyle saakin habang binubuksan ko ang cake na inuwi ko galing kay Adara. Tumango naman ako sa sinabi niya.
" Oo, pinabaon ni Tita-"
" Tita o ni Adara?" Sabay sabay na tanong nila saakin, agad naman akong napahinto sa tanong nila, tinitigan ko sila isa isa at saka ko tinignan ang cake na paubos na.
" Okay, fine. Si Adara." Wala sa sariling sambit ko sa harapan nila. Ilang segundo silang nanahimik, at saka ako nagulat nang ibinaba nila ang cake na hawak nila at saka sila sabay sabay na pumalakpak sa harapan ko.
" Woohoo!" Sigaw pa ni Cody at Alex.
" Finally!" Sigaw naman ni Nathan at ni Brian.
Tinaasan ko naman sila ng kilay at saka ko sila tinignan ng masama.
" Sira-"
" Sabi na e, kaya pala matagal ka, palusot din pala na nandito si Ivor-" Pinutol ko si Brian.
" Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
" Sinabi lang namin na nandito siya at hinahanap ka para umuwi ka na, at matanong namin kung kasama mo si Adara, and I think, we are right." Tumatawa sila sa harapan ko, agad naman akong umiling iling sa kanila
" Tama naman kayo. Si Adara nga ang kasama ko, at noong mga nakaraan pa." Matapat na pag amin ko sa kanila, nakangiti naman sila saakin, hindi ako makapaniwala na nabuko nila ako nang maaga.
May plano pa naman sana ako.
" Ayos iyan, wala naman kaming angal, hindi naman kami galit, tutal, may utang ka nga saamin e." Napahinto ako sa pagkain ko sa sinabi ni Brian saakin.
" Anong utang?" Tanong ko sa kaniya.
" Since you and Adara is meeting each other, kailangan mong magpa inom, let's celebrate, ganon, para naman mabayaran ang pagtatanggol namin sayo kay Ivor." Napabilog naman ang aking bibig sa sinabi niya saakin, akala ko naman ay kung ano na ang utang na sinasabi niya.
Binato ko si Brian ng unan.
" Akala ko may utang na akong pera sayo, kinabahan ako!" Sinalo niya ang unan na binato ko at saka niya niyakap, tumatawa at umiiling pa nga siya habang nakatingin saakin.
Nang matapos kaming kumain ay itinapon ko na ang pinaglagyan ng cake dahil naubos naman na naming lahat ang cake. Umakyat na din muna ako sa kwarto ko para magpalit bago kami iinom, nagpabili na ako sa mga staff namin ng maiinom at makakain.
" I'm home, Adara. Nakapag pahinga ka na ba?" Tinawagan ko si Adara nang matapos akong maligo at makapag bihis na din.
" Yeah. Tapos na ako sa mga gawain ko kaya nakahiga nalang ako, ikaw ba? Nakapag pahinga ka na?" Tumingin ako sa salamin ng kwarto ko, nakita ko ang sarili ko na nakangiti habang kausap si Adara sa telepono.
I think, I'm inlove with her.
" Naubos namin ang cake na ipinauwi mo, kulang pa nga daw, sa susunod magbake tayo ng marami." Pagku kwento ko sa kaniya, narinig ko naman ang kaniyang tawa sa kabilang linya.
" Sure, we can. May gagawin ka pa ba?" Tanong niya.
" Nasa kwarto na ako, kaya lang inaaya ako ng mga kasama ko na uminom dahil daw nagkikita daw tayong dalawa, magpa inom daw ako." Nagkamot ako ng aking ulo, nahihiya man akong sabihin, pero nasabi ko na, kaya naman wala na akong ibang choice.
" Iyon lang ba? Sabihin mo, sasama akong iinom sa kanila sa susunod, ayos ba?" Tumawa ako.
" Sige. Sasabihin ko." Sagot ko.
Nang matapos kong tawagan si Adara ay bumaba na ako at saka na ako nagpunta sa harapan ng bahay, doon sila nag set up ng inumin namin at magiihaw daw si Alex ng pork chop bilang pulutan.
Nang makalabas ako ay naroon na silang anim at nag aapoy na si Alex sa pag ihawan para makapag luto na siya. Nakaupo na sila sa upuan.
" Nandiyan na si Theodore. Buksan natin itong alak." Tumango ako. Mabilis na binuksan ni Timothy ang mga alak at nagsalin siya sa mga baso namin isa isa.
" Cheers!" Sigaw naming pito nang pinagsama sama at pinag untog namin ang mga baso.
Habang nagluluto si Alex ay kinakain na din namin, wala na kasi kaming ibang pulutan kundi ito lang, mas masarap kasi ito sa beer, kaya naman marami nalang ang binili namin.
" Itago nalang muna natin kay Ivor na nagkikita kayo ni Adara, alam mo naman na kakatapos lang magpakilala ni Timothy, kaya naman baka mabigla iyon, dahan dahanin natin, para hindi siya magalit sayo, alam mo naman iyon." Paalala ni Kyle saakin, tumango naman ako sa sinabi niya saakin.
" Tama. Pero kasi wala na din naman siyang choice kung naging kayo nga ni Adara, ganiyan din naman ang nangyari sa iba nating kasama e." Ani Alex.
Oo nga naman, wala talaga siyang choice kasi nandiyan na iyan e.
" Kung para sayo talaga si Adara, para sayo iyan, huwag mong ipilit, para hindi mabati, hinay hinay lang, tumatanda na tayo kaya naiintindihan ko ang bagay na iyan, hindi ako magugulat kung sa susunod ay si Nathan na ang susunod, hindi ba?" Naibuga ni Nathan ang iniinom niya nang marinig ang sinabi ni Cody.
" Bakit ako nasama diyan? Hindi ba pwedeng si Alex muna? Hindi ba matanda na iyan-"
" Baka gusto mong iihaw kita diyan?" Sumbat naman ni Alex na pagalit kay Nathan.
" Totoo naman e, hindi ba matanda ka na? Ilang taon ka na ba-" Binato ni Alex si Nathan ng tong.
Nakailag naman siya.
" Oo Nathan, 30+ na ako, pero wala kang pakialam kung wala akong girlfriend." Umiiling iling nalang kaming nanunuod sa kanila habang nagbabatuhan na sila ng gamit.
Tumayo naman si Kyle para awatin ang dalawa, at saka sila nagtawanan nang idinamay nila si Kyle sa kulitan nilang dalawa. Hindi naman sila nagkakasakitan, kaya naman walang problema.
" Akala ko ba kakausapin natin si Theodore? Bakit pati ako sinama niyo dito sa kagaguhan niyo, ha?" Sigaw ni Kyle habang inaamoy ang kamay niyang binuhusan ni Nathan ng alak na iniinom niya kanina.
Tawang tawa naman si Brian na nalalaglag na siya sa inuupuan niya.
" Pero seryoso, masaya kami para sa inyo ni Adara, Theodore."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...