" I'm going, Love.."
Paalam ni Adara nang aalis na daw siya para sa kaniyang naka schedule na photoshoot. Magsho shoot din kami ng teaser at last shoot na bago kami magannounce ng concert, kaya kailangan na naming matapos at maagang magpunta sa venue kung saan kami magsho shooting.
" Take care, okay? Nagpadagdag si Ivor ng guards mo, siguro naman walang makakaagaw saakin." Humalik ako sa mga labi niya, ngumiti siya sa ginawa ko.
" Love, walang aagaw. Kalma.." Sumakay na siya sa kotse at saka ko ito isinara, nauna na siyang umalis kaysa sa akin, hindi ko din naman maihahatid dahil nga hindi pa ako nakakapag ayos ng sarili ko.
Nang makaalis si Adara ay agad na din akong naligo at nag ayos para sa pag alis namin, madalian lang ang galaw dahil late na kami, babyahe pa kaya naman baka mamaya ay masermunan kami ni Ivor dahil late kaming dadating doon.
" Traffic." Palusot ni Kyle nang makarating kami sa shoot namin, agad namang nakumbinsi si Ivor.
" Sige na, mag ayos na kayo, kanina pa nakahanda ang set." Ani Ivor. Nag apir kami nang palihim dahil sa nagawa naming palusot at nagtagumpay nga dahil naniwala siya sa palusot namin.
Agad akong tumingin sa set, maayos na nga lahat, at hinihintay na nila kaming pumunta doon. Inayusan ako ng make up artist ko, at saka binihisan nang magiging costume namin para sa take 1. Ganoon din ang ginawa nila sa mga kasama ko.
" Mabilisang shoot nalang ito, candid shots ang gagawin natin, kaya alam kong magagawa niyo ito." Ani ng Direktor namin. Tumango kami.
Sinabi saamin ang gagawin namin.
" Uupo kayo diyan, tapos kunwari magtatawanan kayo, tapos nagkukwentuhan, okay?" Nag thumbs up kami sa sinabi ng Director saamin, agad kaming naupo, at saka kami pumwesto.
Nasa lamesa ang ilan sa grupo, at ang iba ay nasa upuan, kailangan ay kita kami sa camera lahat at walang nahaharangan na member.
" Okay, lights, camera, action!" Sigaw ng Direktor.
Agad na nag isip nang nakakatawang scenario si Alex dahil isa siya sa clown ng mga grupo, hindi naman siya nabigo dahil tumawa nga kami sa sinabi niya.
" HAHAHAHAHAHAHA." Tawa naming lahat, totoong tawa ang lumabas sa mga bibig namin. Kaya tumatawa din ang mga staff at nanunuod saamin dahil nahahawa siguro sila sa mga tawa naming pito.
" Cut!" Sigaw ng Direktor. Mas lalong natawa ang buong set nang malaglag sa upuan niya si Brian dahil hindi siya matigil na tumawa.
Agad naman siyang tinulungan ni Timothy kaya lang ay natawa ito kaya humiga na siya sa sahig kasama si Brian.
" Para kasing tanga e, bakit ganoon iyong tawa mo!" Sabi ni Brian, napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanila, si Nathan naman ay pumapalakpak pa habang tumatawa at hinahampas si Alex na tumatawa parin.
" Ayos na ang take na ito, maayos na siya. Sa susunod na take na tayo." Ani ngg direktor sa mga staff, agad na naghiwa hiwalay kami at saka sumama sa mga make up artist namin para ayusan kami ulit.
Tumawa muna ako kay Adara.
" How are you there, Hon?" Tanong saakin ni Adara, tahimik ang buong background niya, baka nasa dressing room pa siya.
" I'm fine. Kakatapos ng isang shoot. Ikaw ba? Tapos na?" Tanong ko naman sa kaniya pabalik.
" Not yet, hindi pa kami nagsisimula, magsusukat palang ako mamaya." Sagot niya saakin, tumango naman ako, nakatingin ako sa salamin, inaayusan na ako ng make up, dahil magpapalit na ako ng damit maya maya.
" Send me a picture later wearing your dresses, okay? I want to see you wearing them." Bilin ko sa kaniya. Dinig ko ang tawa niya sa background, nahawa naman ako.
" Sure, I will. I gotta go, Hon, magsusukat na ako." Paalam niya saakin.
" I love you."
" I love you too."
Lumabas na ako nang matapos akong magsukat, doon na nila ako sa labas inayusan ng damit, naka aircon na ang set kaya hindi masyadong mainit. At saka maya maya ay tapos na din kami, kaya aalis na.
" Okay, this scene is you will act like you are sad or nag aalala ng mga memories, ang mga mata niyo, dapat matamlay, tapos naiiyak or nangungusap, ganiyan ang magiging role ng mata niyo." Paliwanag saamin ng direktor, agad naman akong nag isip ng event o pangyayari na nakakalungkot, at saka ako nag practice, tumingin pa ako sa salamin para makita ko kung nagagawa ko nang maayos ang arte sa mata ko.
" Kapag ready na kayo, pwede na kayong pumunta sa mga pwesto niyo at saka na ako magro roll." Bumalik ang direktor sa upuan niya, at saka kami hinintay na matapos magpractice. Ang ibang kasama ko ay nakahawak din sa salamin, ang iba naman ay ipinapatingin ang acting nila sa mga staff namin, ako naman ay inaayos ang sarili kong acting skills.
Nandito sana si Adara para may magturo saakin ng acting skills.
" Okay, rolling. One, two, three, action!" Sigaw ng direktor. Agad na umarte kami, nakatingin at diretso ang tingin namin sa mga camera kung saan kami naka assign, hindi kami magsasalita, aarte lang kami, ilang minuto lang naman ang kailangan kaya madali lang.
Nakailang take kami dahil natatawa ang ilan sa kasama namin, pero kaagad naman naming natapos ang scene na iyon, may scene kasi na malungkot at inaalala ang memories tapos may masaya at ang iba ay kasama ang fanchant ng Army's sa background, kaya nakaka excite panoorin.
" Okay, we're all set, ieedit nalang namin, tapos isesend namin kay Ivor, after niyon, ipapakita niya sa inyo at sasabihin kung kailan kayo mag aannounce ng concert niyo." Paliwanag ng direktor saamin, tumango si Kyle. Nagpapack up na ang mga staffs namin, aalis na kami.
" Sir, excuse me, kailangan pa daw po kayo sa building dahil gagawa daw kayo ng video announcement na may concert kayo." Singit ng isang staff sa usapan namin.
Agad kaming tumango at naghanda na, pumasok ako sa kwarto kung saan ako inaayusan kanina at kinuha ko ang aking mga gamit. Tinawagan ko na din si Adara at may sasabihin ako.
" Prepare your dress, Adara. Malapit na kitang ipakilala."
YOU ARE READING
His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)
FanfictionLahat gagawin ni Theodore Montegrande para mas makilala ang kanilang grupo kahit na sikat na sikat na sila. Hindi niya alam na mag iiba ang kaniyang desisyon sa oras na makilala niya ang sikat na sikat na aktress na si- Adara Athaliah Laudencio. Ad...