Chapter 29

5 1 0
                                    

" They all know that you're my boyfriend."

Kwento saakin ni Adara nang nakasakay na siya sa sasakyan ko at pauwi na kami sa bahay. Nangingiti naman ako sa sinabi niya, kaya umiiwas ako ng tingin.

" Yeah? Nagkaroon din ata ng clue ang mga fans namin kaya ikaw ang itunuturo nila, itina-tag ka pa nga ata sa mga posts, kaya sabog ang notification mo?" Natatawang tanong ko kay Adara, sumimangot siya at saka niya ipinakita ang telepono niya na naka silent.

" Oo, look. Maingay na sunod sunod ang notification kaya nilagay ko sa silent ang phone ko." Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya.

Ilang minuto pa kaming natahimik, nakita ko nalang si Adara na kinukuhanan ako ng litrato habang nagmamaneho ako.

" Stop it." Utos ko sa kaniya, hindi naman ako makatingin dahil nakatutok ang tingin ko sa daanan namin, kuha parin siya nang kuha ng litrato ko habanag nakaupo at nagmamaneho.

" Can I post this?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

" Sure. You can." Wala din naman akong magagawa dahil siya na mismo ang nagtatanong saakin.

Nakita ko siyang nananahimik na kasama ang telepono niya sa tabi ko, nang makarating kami sa bahay ay tulog na ata ang mga kasama ko, wala na ang mga tao sa ibaba, patay na din ang ilaw sa sala, tanging ilaw sa kusina ang nagbibigay liwanag sa bahay.

" Pasok ka na muna sa kwarto-"

" Samahan mo ako." Hinila niya ako papasok sa kwarto niya.

Ngumisi ako nang makapasok kami, isinandal ko siya sa likod ng pintuan at saka ko hinawakan ang maliit niyang beywang.

" What?" Malambing na tanong ko dito.

" You look so gwapo." Ngumisi ako sa sinabi niya sa harapan ko.

Dahan dahan akong lumapit sa leeg niya at hinalikan siya doon, nag iwan pa ako ng marka sa leeg niya at sa may bandang collarbone, hindi naman gaanong kita at matatakpan naman iyan ng make up. Kaya walang problema.

" Oh.." Dinig kong daing niya nang nakiliti siya sa ginawa ko sa leeg niya.

Tumawa naman ako sa tainga niya at saka ko siya sinenyasan na huwag maingay.

" Shh, huwag kang maingay. Maririnig ka nila.." Tinakpan niya ang bibig niya sa sinabi ko.

Hinalikan ko ang noo niya, pababa sa tungki ng ilong niya, hanggang makarating sa dalawang mga pisngi niya, sa mga gilid ng labi niya, sa baba niya, at sa huli, ang labi niya.

" Can I kiss you?" Tanong ko kay Adara, tumango siya sa akin at saka hinila niya ang aking damit para mas mapalapit sa pa sa kaniya.

Dahan dahan kong inilapit sa kaniya ang labi ko, nang maglapat ang mga labi naming dalawa ay nakita kong ipinikit niya ang mga mata niya. Iginalaw ko ang mga labi ko, sumasabay naman siya sa ginagawa ko.

Actress siya, magaling siyang humalik.

Expert.

Kidding.

" Theodore, be careful..." Mahinahong sambit saakin ni Adara.

" Magpalit ka na ng damit mo, huwag mong hintaying ako ang maghubad sayo, hindi ka makakalakad bukas."

Bumaba muna ako para mabigyan siya ng space at makapag ayos na siya.  Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom ko. Nanahimik akong naupo doon at saka ininom ang alak na nakuha ko. That kiss, ngayon ko lang nahalikan ng ganoon si Adara, at sa sariling bahay at kwarto ko pa, isang memory ang nagawa ko, sa susunod sa kotse naman, joke.

Hindi ko alam kung bakit maagang natulog ang mga kagrupo ko, nahihiya naman akong magpunta sa kwarto ni Brian para makisiksik sa kaniya doon, kinuha ko ang telepono ko para malaman kung sino ang online saamin at gising pa, doon na ako makikitulog. Nang buksan ko ang cellphone ko, bumungad saakin ang Vlive.

Naka live sila?

Tumakbo ako sa studio dito sa bahay at saka ko sila nakita doon na nagla live nga.

" Theodore? Yes! Nandito si Theodore." Sinenyasan nila ako na maglakad na papunta sa kung nasaan sila, kaagad naman akong naglakad at nagpakita sa camera.

" Hello." Bati ko sa kanila. Kinalabit naman ako ni Brian para batiin ako, hinampas ko naman ang kaniyang hita.

Nakipag kwentuhan kami sa Army's habang naka live kami, ka text ko naman si Adara dahil hindi niya mahanap ang studio namin na ito.

" May ginawa kasi si Theodore sa kwarto niya kaya hindi siya kaagad nakarating." Paliwanag ni Kyle, tama naman na may ginawa ako, hinalikan ko si Adara, kaya natagalan ako doon.

Ngumisi ako. At saka sinang ayunan nalang ang sinabi ni Kyle sa mga fans na nagtatanong kung bakit wala ako kanina sa umpisa ng live. Kumuha ako ng chips na kinakain nila, at saka kinuha ang Ipad at nagbabasa ng comments.

" Cody, marry me." Basa ko, agad na lumakas ang tawa ng mga kasamahan ko, maging ako ay nahawa na.

Palagi nalang tuwing naka live kami, laging may ganoong comment. Tinignan namin si Cody na naka poker face lang habang mamamatay na kami kakatawa.

" We'll announce something big, soon. Nasabihan na kami kung ano ang gagawin, at hinihintay nalang namin na iannounce namin ito, hindi ba, Alex?" Sambit ni Nathan kay Alex na kumakain nanaman.

Tumango naman si Alex.

" Yes, naghihintay nalang si Kyle." Tumawa kami sa pamimilosopo ni Alex sa sinabi ni Kyle.

Hindi kasi ito naka focus dahil kumakain siya ng chips, kaya siya ang napag buntunan ni Kyle na tanungin.

" Thank you so much for supporting Yet To Come, guys. Ang dami na niyang streams, sa spotify, youtube at iba pang streaming sites, kaya masayang masaya kami kasi nakareach nanaman tayo ng isang goal, at makakakuha tayo ng award." Pumalakpak kami sa anunsiyo ni Kyle, nakangiti naman ako sa sinabi niya.

" Thank you, Guys!" Sigaw ni Brian.

" Wow, thank you." Ani Nathan.

" Thank you!" Sigaw naman ni Timothy.

Gumawa lang ako ng heart sa aking kamay at saka ko ito itinutok sa camera para makita ng mga fans, milyon ang nanunuod saamin ngayon, kaya naman mahirap siyang i-end para saamin, nagkakaroon kasi kami ng time with our fans, kaya kapag malapit na naming i-end ang live ay nalulungkot kami.

Agad na bumukas ang pintuan, at saka nito iniluwa si Ivor.

" Theodore, mag usap tayo."

His Darkest Decision ( His Darkest Series #4)Where stories live. Discover now